Chapter 16

25.7K 2.1K 599
                                    

Chapter 16: Whisper

Kapwa na kami nahuhulog ni Tavion sa isang madilim na kawalan.

"That asshole!"

At hindi katulad niya na nagpapaulan na ng mura para kay Howl, pilit gumagala ang mga mata ko na parang may magagawa iyon sa lugar kung saan kami dadalhin ni Howl.

We were deceived again. But I wasn't surprised. Alam ko na simula pa lang na karamihan sa mga sinasabi sa amin ni Howl ay hindi totoo. At ang tanging tunay na siyang ipinakita niya sa amin ay ang pagmamahal niya sa babaeng tao.

"Iris..."

Napasinghap ako nang magawa pa akong kabigin ni Tavion at yakapin nang mahigpit sa kabila ng pagbagsak namin.

"I will protect you."

"I can protect myself."

"Oh, come on. Can you please not ruin the moment?"

Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng kaalamang bumabagsak kami at patungo sa mundong hindi kami pamilyar, nagawa kong tipid na ngumiti sa sinabi niyang iyon.

Habang patuloy kami sa pagbagsak, ilang beses akong napakurap nang makakita ng maliit na liwanag. At sa patuloy naming pagbulusok, ang maliit na liwanag na iyon ay unti-unting lumalaki.

"The exit," usal ko.

"Yes."

Sa bawat paglaki ng liwanag at ang init na hatid nito sa amin ay sa lalong paghigpit ng yakap ni Tavion.

"Let's go..." bulong niya nang gahibla na lang ang distansya namin sa lagusan. At kapwa na kami humugot nang marahas na paghinga nang tuluyan na kaming tumawid sa bilog na liwanag.

"Fuck!" panibagong malutong na mura ang pinakawalan ni Tavion.

Unang bumagsak sa lupa ang katawan ni Tavion habang pinuprotektahan ako, ngunit ang binagsakan pa namin ay hindi pantay na lupa kundi tila mataas na burol dahilan kung bakit nagpagulong-gulong pa ang mga katawan namin.

Natigil lamang ang paggulong namin nang tumama na ang likuran ni Tavion sa nakaharang na malaking puno.

"Fuck that bastard magician!" mas malakas na sigaw niya.

Sumasakit na rin ang katawan ko nang humiwalay ako kay Tavion, hindi ko pa nagawang makatayo agad at hinayaan ko ang sarili kong nakasalampak sa lupa habang pinagmamasdan siyang iritadong bumabangon.

Bigla kong naalala ang mga ginawa kong pag-atake sa kanya at ang ilang pagtama ko sa katawan niya. I never saw any reaction like this from him before, he even showed me how weak my attacks were and how he could easily recover as if my combats were just like simple scratches for him.

Pero kaunting gulong lang ng katawan niya sa lupa'y sobra na ang reklamo niya. Yes, it was painful but quite tolerable. Lalo na sa mga kagaya namin na mabilis lang mawalan ng sakit mula sa maliit na atake o galos.

Natigil lang siya sa pagrereklamo nang mapansin niya na nakasalampak pa rin ako sa lupa habang nakatingalang pinagmamasdan ang reaksyon niya.

"You're funny, Tavion."

"That's the most unexpected remark I've received from a woman," inilahad niya na ang kamay niya sa akin para alalayan akong tumayo. Tinanggap ko iyon at hinayaan ko siyang hilahin ako.

But he purposely pulled me closer than it should. Hahaplusin niya na sana ang pisngi ko pero agad ko nang tinampal ang kamay niya. Itinulak ko na siya at tinalikuran.

"Hey! You agreed to run with me, remember?"

"I can't remember. Be quick, Gazellian. We're already inside Howl's world," tumingin ako sa kalangitan at saglit na gumala ang aking mga mata sa paligid.

Map of the Blazing Hearth (Gazellian Series #8)Where stories live. Discover now