Chapter 9

18.7K 1.8K 1.4K
                                    

Chapter 9: Start

My eyes widened when I heard his news. I took the small distance between us, grabbed his shirt and pulled him towards me. Nakaangat ang tingin ko sa kanya habang nakatungo siya sa akin dahil sa marahas kong paghila sa damit niya.

"You're lying! H-He promised me!"

He smirked. "But you promised me as well..."

Umawang ang bibig ko sa sinabi niya. Marahas ko siyang itinulak at napamasahe ako sa aking noo. I placed one of my hands on my waist and calmed myself by pacing in two different directions.

Halos ilang minuto rin akong nagpabalik-balik sa paglalakad habang hindi alintana ang mga matang nakasunod sa akin.

What happened to him? Bakit siya biglang nawala? Nagsasabi ba talaga ang lalaking ito ng totoo o sinabi niya lang ito para itigil ko na ang pagtatago sa kagubatan?

Nakapamulsa siyang habol ang tingin sa akin. "What's your next move?"

"Of course! Babalik tayo sa Parsua Sartorias! We'll talk to your family-"

"What about our kiss?" he casually asked.

"W-What?!" halos mawalan ako ng panimbang sa tanong niya. Can't he see our situation? This isn't all about that damn kiss!

Biglang nawala si Caleb. Hindi pa kami nag-uusap! And this man looking for him is an unknown Gazellian with a mission. Nasaan na ang pangako ko sa sarili kong politika lang at responsibilidad bilang lobong may hawak ng mapa ang siyang gagampanan ko?

Why do I have to introduce to those Gazellians their unknown cousin?

Padabog ko nang tinanggal iyong pagkakaayos ng tent ko, ang lahat ng gamit ko at sapilitan ko na iyong ipinasok muli sa malaki kong bag.

"Need a hand?"

Marahas kong hinawi ang kamay ko habang nakatalikod sa kanya. "Keep a distance!"

He chuckled. "Why are you always this angry?"

Bumuga ako nang hangin at hindi na siya pinansin. Mabilis lang ang naging pagliligpit ko, isinakbit ko nang muli ang bag ko at iritado siyang hinarap.

"Why can't you change form so we can travel faster?"

Nasa isip ko na rin iyon pero mabuting dumiretso na ako sa palasyo ng Sartorias, mahihirapan akong magbihis doon.

Inirapan ko siya, madiin kong hinawakan ang sakbatan ng bag ko at nilampasan ko siya. Sinadya kong tamaan ng malaking bag ko iyong katawan niya dahilan kung bakit narinig ko na naman iyong pang-asar niyang pagtawa.

I can tolerate Caleb's annoying laughter, grin, and even his words. Nagagawa ko pang tumahimik at hindi intindihin iyong mga salita niya. Madali lang iyong pumapasok sa una kong tainga at lumalabas din sa kabila. But Tavion Gazellian's every reaction is getting into my nerves.

"Alam mo napagod rin ako sa pagsunod sa 'yo. Sumasakit na rin ang mga paa ko. You can change form and I can ride you."

Ang init ng ulo ko sa kanya, umabot na sa sukdulan. Marahan kong hinubad iyong malaking bag ko at agad ko iyong inihampas sa kanya. Nasambot naman niya iyong bag ko pero hindi niya inaasahan ang biglang pagbabago ng anyo ko.

I harshly jumped on his body. Tumalsik ang bag ko sa lupa at sabay lumapag ang mga paa ko sa katawan niya.

Ilang beses siyang inubo habang natatawa. Mas idiniin ko ang dalawang paa ko sa dibdib niya habang nangingitngit sa galit ang malalaki kong ngipin sa mukha niya.

"I am just kidding, Iris. I am not really a good food for a wolf. My blood will ruin your beautiful fur," I growled at him.

Ilang beses pa siyang inubo nang mas idiin ko ang buong bigat ko sa dibdib niya. I growled at him multiple times and bared my teeth to threaten him. Pero ako lang ang mas uminit ang ulo kaya pinakawalan ko rin siya.

Map of the Blazing Hearth (Gazellian Series #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon