Chapter 37

11.2K 744 40
                                    

Dedicated to: Micah Juleyannah Malano

Chapter 36 Another door

Walang lumabas na salita mula kina Tavion, Caleb, Rosh, at Howl. Dahil totoo ang mga sinabi ni Anna, masyadong mataas ang tingin nila sa kanilang mga ama o sa maestro ni Howl na hindi na nila naisip na posibleng nabigo rin ang mga ito, at ang misyong ito ay ang paraan ng pahingi nila ng tulong.

"They might guide us, but your trail will never be the same with them. You have a different fate, different decisions, and mindset," dagdag ni Anna.

"Anna's right. Kung lahat kayo ay aatras dahil lang alam ninyo na ang resulta ng naunang misyon ng inyong mga ama. Will you allow us to continue this journey alone? Kami na lang ba ni Anna ang mangangahas tapusin ang misyong ito?"

"We are sent here not to back down," sunod ni Anna sa sinabi ko.

Ilang minuto sigurong nakatitig sa amin ang apat na lalaki bago may isa sa kanilang naglakas loob. It was Tavion.

"Alright. I'll join these girls. I know the moment I learned that the Head Wizard is just protecting his mate against us, nag-alinlangan na talaga ako. Just like you— or the Head Wizard, I will foolishly protect my mate at all cost, kahit marami akong masagasaan," magaan niya akong tinitigan na may tipid na ngiti sa kanyang mga labi.  "But couldn't we just think or see this foolishly? Let's just be thankful na wala tayo sa sitwasyon ng Head Wizard ngayon and I hate to imagine that I'll be in his situation. Sa ngayon ay piliin na lang natin gawin ang tama. We should follow these girls."

Nang marinig ko ang sinabing iyon ni Tavion, biglang sumagi sa isipan ko ang saglit na eksenang hindi ko alam kung saang totoong mangyayari sa hinaharap. The way my whole body ignited and lifted as if I was part of a sacrificial ritual.

Hindi mukhang kumbinsido sina Rosh, Caleb at Howl sa sinabi ni Tavion.  "You are just saying it to please these girls, aren't you?" tanong ni Rosh.

"But he's partly right. Let's just see it foolishly. As long as we're not on the Head Wizard's shoes right now, let's not think in advance. And Anna's right, aminado ako nang nalaman ko na hindi natapos nina ama at Haring Raheem ang misyon nila rito ay pinanghinaan na rin ako ng loob," naiiling na sabi ni Caleb.

"And do you think, King Dastan will be happy to hear failed news about you? He trusted you. Tapos aatras ka lang? At nagsama ka pa ng isa," sabi ko nang sulyapan ko si Rosh na natigilan sa paglanghap ng hawak niyang rosas.

We shouldn't fail Queen Leticia and King Dastan. Hindi man nila ako pormal na nakausap bago ang misyong ito, naniniwala akong malaki ang tiwalang ibinigay nila sa amin— sa akin para mapagtagumpayan ang misyong ito.

I will not fail them, no matter what it costs.

Dahil sa palitan naming pangaral ni Anna sa mga lalaki ay nabuo na rin ang loob nilang ipagpatuloy ang misyon.

"The question is, where is she located?" tanong ni Howl.

Tumingin silang lahat sa akin. "To be honest, the map is not helping us that much. It's in this place pero parang pinaiikot-ikot lang tayo."

"It's switching. I told you this ruin is alive. Its structure is moving maybe every hour? Two hours? Pinaglalaruan tayo para hindi natin makita kung saan niya itinatago ang katawan ng diyosa," sagot ni Howl.

"And I think, as we speak, the Head Wizard is already aware that we have an idea with his real reason. A desperate loverboy is not an easy enemy," sabi ni Rosh. Napatango na sina Tavion, Caleb at Howl. 

"Just like you?" hindi ko na napigilan ang sarili ko. It was Rosh who confessed that he was here because of his mate. 

"A bit," walang kurap niyang sagot.

Map of the Blazing Hearth (Gazellian Series #8)Where stories live. Discover now