BEFORE 29 - SKINNY

181 22 2
                                    

POV CAELEN SAN RAFAEL

Hindi ko akalain na magiging magaan ang loob ko kay Sir Von. Dumadaan ako sa kanyang unit tuwing umaga at sabay kami nag-aalmusal bago pumunta sa opisina. Palagi ko siya dinadalhan ng special pandesal na pinagkakaguluhan sa aming lugar. Eventually, naging paborito na niya itong almusal.

Papunta pa lang ako sa unit ni Sir Von nang mapansin ko ang isang babae na palabas sa kwarto niya. Mukhang nakababatang kapatid ni Sir Von dahil bakas ang pagkakahawig ng itsura nila. Nang makita ako nito ay napahinto ito sa paglalakad at ngumiti sa akin.

"Miss, hindi ba ikaw ang secretary ni kuya ko? Si Caelen San Rafael?" tanong niya sa akin habang nasa corridor kami.

"Yes, younger sister ka ba ni Sir Von?"

"Call me, Traenna. Ako ang nagdadala ng Macarons at cakes kay kuya. Balita ko nagustuhan mo ang mga bina-baked ko?"

"Yup, thank you so much. Hindi ata kumpleto ang araw ko kapag hindi ako nakakakain ng Macarons mo."

Tulad ni Sir Von, maganda at mukhang anak mayaman ni Traenna, pero palagi itong nakangiti. Medyo makulit din itong kausap at hindi pa-sosyal. Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ni Traenna nang maramdaman ko ang tila pagsakit ng puso ko. Biglang sumikip ang aking dibdib at hindi ko magawang huminga.

"Hey Caelen, are you okay?" nag-aalala na tanong ni Traenna.

"I... I can't... breathe..."

"Kuya Traevon! Help me! There is something wrong with Caelen!"

Kasabay ng pagsigaw ni Traenna ay napansin ko din na nagdidilim na ang paningin ko. Para akong nawawalan ng lakas at ulirat. Mabilis na bumukas ang pinto ng unit ni Sir Von at mabilis niya akong nasalo bago pa ako bumagsak sa sahig. Hindi ko alam kung dala ng hilo, pero pakiramdam ko ay may superhuman speed si Sir Von dahil sa bilis ng paglapit niya sa akin.

Nang magkamalay ako ay nasa loob na ako ng hospital. Nakayuko si Sir Von sa kama habang nakahawak sa kamay ko na parang isang tunay na beshie.

"Sir Von?"

"Caelen, how are you feeling?"

"Okay naman po ako. Bigla lang ako nahilo kanina, pero okay na po ako ngayon," sagot ko sa kanya na biglang bumangon sa hospital bed.

"Hey, dahan dahan lang baka mahilo ka."

"Bakit daw po ako nahilo? Shit, Sir Von baka buntis ako?"

"Paano ka mabubuntis kung gamamit kayo ng condom?"

"May point ka po. Teka, paano niyo po nalaman? Sinabi po ba ni Sir Aurelien pati ang details ng sexcapades ko? Baka bati brand ng condom na ginamit namin ay sinabi niya sa'yo?"

"I just assumed that since you fucked a stranger, a protection is necessary."

Tumango lang ako kay Sir Von. Naalala ko na naman ang lalaki na nakasama ko sa Club Fantaisie. Tulad ni Sir Von, malaki din ang katawan nito at sexy. Dahil madilim sa kwarto kaya hindi ko masyado naaninag ang mukha nito bukod sa naka-mask kami pareho.

Wala din akong salamin o contact lens ng gabi na 'yon kaya hindi ko masyado makita ang mukha nito. Sigurado din naman na hindi ako makikilala ng lalaking nakasama ko unless may night vision ito.

"Bakit ka nakangisi? Nahawa ka na ba kay Polaris?" taas kilay na tanong ni Sir Von.

"Naalala ko lang po ang nangyari sa Club Fantaisie. The moment na pumasok ako sa kwarto ay nawalan ako ng boses. Kahit ang lalaking ka-sexy time ko, hindi din nagsasalita. Hindi nga din siya nagmo-moans. Baka hindi siya nag-enjoy?"

"Bakit ako ang tinatanong mo? Wala akong alam sa mga ganyang bagay."

Umayos ako ng upo at lumapit ng bahagya kay Sir Von. Mga ilang linggo na din kami magkasama sa opisina at nakagaanan ko na din ito ng loob. Palagi ko itong binibiro at sanay na din ito sa mga pang-aasar ko.

"Sir Von, kapag ba nagse-sexy time kayo ni Aris, sino mas malakas mag moans? Ikaw or siya?"

"What the fuck?"

"Tingin ko ikaw. Tama ba? Aminin mo na, beshie naman tayo."

Umiling lang ito sa akin at huminga ng malalim. Kapag tinatanong ko ito tungkol sa kanila ni Aris ay hindi ito masyadong nagsasalita. Masyadong secretive unlike Aris na open sa relasyon nilang dalawa.

"Sabi ni Aris, bata pa lang daw kayo ay magkakilala na kayo. Iaalay daw niya ang buhay niya sa'yo, ganoon ka daw niya kamahal."

"He said that?"

"Yes po, iba daw po ang bond niyo na dalawa. Minsan nga daw nag-date po kayo sa isang National Park sa Canada ng walang saplot, parang skinny dipping pero sa gubat. Naghabulan daw kayo sa gitna ng wilderness ng walang clothes! Sana all talaga."

"Remind me to kill him later."

Naputol lang ang usapan namin ni Sir Von nang dumating ang doktor. Wala naman daw abnormalities sa mga laboratory tests ko. Healthy naman daw ako kaya nakapagtataka daw na sumakit ang dibdib ko at nawalan ng malay kanina.

Teach Me How To AlphaHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin