BEFORE 23 - OFFER

183 16 0
                                    

POV CAELEN SAN RAFAEL

Flashback - A few weeks ago

Being part of the bartending team of Club Fantaisie is relatively easy. Mabait ang mga kasamahan ko dito kaya mabilis akong natuto. Nagtrabaho din ako noong college sa isang famous coffee shop kaya hindi na bago sa akin ang ganitong larangan.

"Caelen, hinahanap ka ni Boss Aurelien," bulong sa akin ng isa sa mga kasamahan ko.

Mysterious ang big boss namin na si Aurelien Delacroix. Mga piling empleyado lang ang nakakita na sa kanya dahil madalas nasa ibang bansa siya. Kung nandito naman siya sa bansa, sa suite lang siya namamalagi. He is not fond of mingling with other people, even with the circle of the elite businessmen.

"Nandito siya sa club ngayon?" nagtataka ko na tanong ko.

Hindi ako sinagot co-worker ko at tumango lang sa akin. Niyaya niya ko papasok sa service elevator. Ang ibang high ranking employees dito sa club lang ang may alam ng password papunta sa underground suite ni Aurelien Delacroix.

Dahan dahan na bumaba ang elevator at tumigil sa lowest level. First time ko makakapasok sa exclusive lair ni Boss Aurelien. Naghahalo ang kaba at excitement ko dahil bihira ako makakita ng pang mayaman na bahay.

Isang malaking katanungan din kung bakit ako hinahanap ni Boss Aurelien. Maaaring may ipag-uutos siya sa akin o baka may nagawa akong hindi niya nagustuhan at tatanggalin niya ko sa pwesto.

Paglabas ko ng elevator, akala ko ay sasamahan ako ng co-worker ko, pero ngumiti lang siya sa akin kasabay ng pagsara ng elevator. Pumasok ako sa loob ng isang malawak na suite na may vibrant colors.

Napaka modern at elegant dahil sa perfect combination ng black, white and red colors. Black sofa set with red and white pillows. Red carpet na parang isang kwarto ng isang royalty. Naputol ang pagkamangha ko sa lugar nang mapansin ko ang isang matangkad na lalaki na nakangiti sa akin.

His arms are carefully folded and his one hand is slowly touching his chin as if he is plotting something devious. And yet, this man looks angelic.

"Caelen San Rafael, you look surprisingly better in person," nakangiti na sabi niya sabay turo sa vacant black leather sofa.

"Good evening, Sir Aurelien. How can I help you?" nahihiya kong tanong sa kanya sabay upo sa sofa.

"I have an offer for you. Something you might want. Something you might need," sabi ni Sir Aurelien sabay upo sa tabi ko at hawak sa chin ko.

Something I might want? Something I might need?

Sa mga oras na ito, pera lang ang nasa isip ko. I need a huge sum of money for my studies. Kailangan ko din ng pera para maipagamot ko ang kapatid ko.

"Uhmm. May I ask what is your offer all about?" tanong ko sabay tingin sa mata ni Aurelien DelaCroix.

This man is tall and masculine in built. Para akong nanliit lalo nang tumabi siya sa akin. His magnificent blue eyes can seem to pierce my soul. He looks intimidating, hindi dahil mayaman siya kundi dahil parang lahat ng bagay ay alam niya.

"I will not beat around the bush, Caelen. I am offering you a huge sum of money in exchange for an exclusive night with one of my valued clients," nakangiti na sabi ni Aurelien na parang isang agent na hinihimok akong mag sign up sa credit card.

"Exclusive night? Parang one night stand?" I asked like a parrot.

"If you wish to extend your contract, I can work on that."

Binubugaw ba ako ni Sir Aurelien sa client niya?

Is he asking me to give myself to a stranger in exchange for money? Like a high-class prostitute?

"Bakit po ako? You have several employees who are far more stunning than me. I look average and men will not even look at me twice," naguguluhan kong tanong.

"My client will not see your face during your so-called sensual moment. Both of you will be wearing a mask. Your identity is safe. You have until tomorrow to decide," sabi ni Aurelien.

"Pero Sir Aurelien---"

"Shhh. Think about it, Caelen. Study my proposal first before you decline."

Lumapit ang isang babae sa akin na may blonde na buhok. Tulad ni Boss Aurelien, may bughaw itong mata. Parang isang anghel na kakarampot ang saplot.

Hinawakan niya ang braso ko at niyaya akong lumabas ng suite. Mukhang tapos na ang conversation namin ni Aurelien Delacroix. Kahit pag-isipan ko pa ito, malabong pumayag ako sa sinasabi niya. Hindi ko isusuko ang katawan ko kapalit ng pera para lang sa kliyente niya na naghahanap ng init sa isang malamig na gabi.

Teach Me How To AlphaWhere stories live. Discover now