BEFORE 26 - LUNCH

176 20 0
                                    

POV TRAEVON ERIKSSON

It seems that Caelen San Rafael does not have an idea that I am the man he met in Club Fantaisie, the man who took her innocence, the black angel. She assumed that it was Aurelien Delacroix who told me about her one night stand worth half a million. I am glad that Aurelien is already out of the country to deny this.

Sa loob ng ilang araw, nakasama ko si Caelen sa trabaho. Maagang pumasok, pero maaga din umuwi. Pinupuntahan din niya ang kanyang kapatid sa hospital na nagpapagaling pagkatapos ng surgery.

"Caelen is well qualified to replace my post. Madali niya matutunan ang mga dapat gawin bilang secretary mo," sabi ni Zackie sabay bigay sa akin ng aking morning coffee.

"She's in good hands, thanks to you."

"Huwag na tayo maglokohan, Von. I know that you just begged for me to stay because Polaris asked you to. Ano kaya sasabihin ng mga First Heirs kapag nalaman niya na may nangyari sa atin?"

"Why don't you tell them the details yourself? Imagine their horror when they discover that you seduced your boss when he was delirious. And for clarification, we just kissed. Nothing sexual happened between us," I answered fiercely.

Mabait na kaibigan si Zackie at naiintindihan ko ang bitterness niya. I broke her heart and I don't want to mend it. Instead of being nice to her, I decided to be rude.

Ayoko na ma-misinterpret niya na may feelings ako para sa kanya.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-uusap namin ni Zackie nang may tumawag sa phone ko na isang private number. May hinala na agad ako kung sino ang caller kaya mabilis ko itong sinagot at lumabas naman agad si Zackie ng aking opisina.

Tama nga ang hinala ko, si Aurelien ang tumatawag sa akin. He is asking me if I am interested in another night with his asset. Dapat ay humindi ako dahil kilala ko na ang sinasabi niyang asset, pero sumang-ayon pa din ako sa kanya.

Siguro dahil gusto ko malaman kung aamin ba sa akin si Caelen kapag inalok siyang muli ni Aurelien.

Ilang minuto lang ang nakakalipas nang tumawag si Aurelien, pero nagmamadali na agad si Caelen na pumasok sa aking opisina.

"Sir Von, may sasabihin po sana ako," sabi ni Caelen habang nagpapanggap ako na may ginagawa sa harapan ng laptop.

"Go ahead, Ms. San Rafael."

"Uhmmm, nagtext po kasi si Sir Aurelien kanina lang. He is asking me if I am okay with another meeting with his client. Na-ipangako ko po na sasabihin ko sa'yo kapag kinontak ako muli ni Sir Aurelien."

"What did you say? Did you say yes to him?"

"Hindi pa po ako sumagot, pero hindi na po siguro ako papayag. Kung magiging regular na secretary niyo po ako, hindi ko na kailangan ng pera na inaalok ni Sir Aurelien. Pumayag lang naman po ako para sa kapatid ko. Saka nangangagat po 'yong sexy client ni Sir Aurelien."

"Nangangagat? Wait, did you just say sexy client?" napalunok ako sa tanong ko kay Caelen.

I was not in my right mind when I bit her. I made a stranger as my Mate without even knowing who she is. I am sure the First Heirs would all be furious when they found out about this.

"Kasi po parang kinagat niya ko sa leeg. Ang sakit nga, pero ang weird lang walang sugat. No worries po. Hindi ko po tatanggapin ang alok ni Sir Aurelien."

Hindi ko alam kung bakit napuno ako ng galit ng mga oras na 'yon. It seems like part of me wants to spend another night with her and her rejection is breaking my pride.

"Do you still need money?" tanong ko kay Caelen.

"Medyo expensive po ang therapy, follow-up consultations, maintenance medicines at laboratory fees. Nagmamadali po ako ipasok si Cas sa isang hospital para sa operation niya at hindi ko naisip na mas mahal pala ang gastos pagkatapos ng surgery."

"Are you planning to say yes again to Aurelien?"

"Ay hindi po, Sir Von. Nakapag-loan na po ako sa tatlong banko kaya okay na po ako. Salamat po pagtanggap sa akin bilang secretary mo."

"You will be my office secretary starting next week. Why don't we have lunch together?"

"Po?"

"Aris will be here soon. Join us for lunch. My treat."

Ngumiti lang sa akin si Caelen. Bakas sa mukha niya ang excitement dahil inanyayahan ko siyang kumain sa labas. She thinks this is a congratulatory lunch for being my new secretary, but she does not know that this is an actual date for me.

The first date with my Mate.

"May lunch date kayo ni Caelen? Ngayon ka lang nakipag-date sa babae ah? Hindi ba mga boylets ang madalas mo ka-date?" tanong ni Aris habang naglalakad kami sa parking lot.

"I just want to know my new secretary better."

"Naks, kailan ka ba naging interesado sa ibang tao? Teka, nag-usap na ba kayo ni Galileo about sa resignation ni Zackie?"

"Yep, I told him everything. Sinabi ko na hinalikan ko si Zackie noong lasing ako, pero mukhang gustong palabasin ni Zackie na may nangyari sa amin."

"Wala ba nangyari?"

"Wala nga---"

Napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko si Caelen na nasa harap ng kotse ko. Nakangiti ito at kumakaway sa akin na parang bata na excited sa isang field trip. Hindi ko alam kung bakit tila bumilis ang puso ko nang makita ko siya.

I have never been this attracted to any woman before. This unnamed desire for her is killing me with each passing day.

Teach Me How To AlphaWhere stories live. Discover now