AFTER 4 - POLARIS

377 44 1
                                    

POV CAELEN SAN RAFAEL

Hindi ko inaasahan na biglang tatalon si Traevon mula sa mataas na bahagi ng bundok. Akala ko ay mabilis kaming bubulusok pababa pero mukhang kayang niyang pabagalin ang kanyang pagbagsak na parang may pakpak.

Nang marating namin ang ibaba ng bundok ay dahan dahan akong ibinaba ni Traevon. Ang taas ng pinagmulan namin at malamang deds na kami kung hindi kami Werewolf.

"Paano tayo makakabalik sa taas? Sayang ang mga pagkain mo."

"We can change to wolf form. Do you want to try?"

"Sige, pero tumalikod ka muna. Baka makita mo ko na walang damit kapag nag-transform ako."

"Caelen, sino tingin mo nagbihis ng damit mo kanina? Engkanto ng gubat? Nakita na kitang hubad."

"Nakita mo ko? Shit nakakahiya, may bilbil pa naman ako!"

"No worries. You still look perfect."

"Bolero! Uutang ka ba sa akin at binobola mo ko? Baka mamaya magka crush ako sa'yo, magalit ang jowa mo."

"I don't have a girlfriend, but I will soon get married."

Napatingin ako kay Traevon dahil sa sinabi niya. Kapansin pansin ang lungkot sa boses niya. Mukhang hindi niya gustong magpakasal sa kung sino man babae ang nakatakda para sa kanya.

"Bakit ka magpapakasal sa hindi mo jowa? Ipinagkasundo ka ba? Uso ba 'yan sa Werewolf world?

"Naalala mo ba ang sinabi ko kanina tungkol sa mga Alpha? Ang unang anak na lalaki ng Alpha ay tinatawag na First Heirs. Sila ang nagsisilbing leaders ng bawat pamilya. The First Heir Jedidiah Steiner saw a vision about me marrying a Werewolf from the Everett family."

"Ay swerte ni ate girl sa'yo."

"Bakit naman siya swerte sa akin?"

"Tinatanong pa ba 'yan? Pogi ka at sexy ka, not to mention na Alpha ka pa. Pero bakit hindi ka happy? Hindi mo pa ba nakikita si ate girl?"

"I have seen her before. She is smart and pretty. She was actually my secretary before I was transferred to another company. But I don't like her. I mean, I don't feel any connection to her at all."

Tumango lang ako kay Traevon. Kahit si Sir Ford ay tila isang perpektong lalaki, pero hindi ko maramdaman ang connection or spark namin sa isa't isa.

"Traevon, sa mga story na nabasa ko, sa simula lang ayaw ng mga pinagkakasundo sa isa't isa pero sa huli, happy ending din sila. Parang the one you hate, the more you love ang peg until ma-realize ni kuya guy na love pala niya si ate girl."

"We don't hate each other. In fact, I think she really likes me but I can't seem to force myself to like her. I don't know why. Maybe because I don't love her."

"Ay believer ng love si Kuya Traevon! Huwag mo sabihin na kaya ka nandito sa gubat ay nagda-drama ka?"

"Sort of! And since you bothered me in my pagda-drama moment, you have no choice but to stick with me."

"Sasamahan kita kahit ilang linggo, pero kailangan ko ng panty at bra. Hindi pwedeng t-shirt mo lang ang suot ko ng ilang araw!"

Hindi sumagot si Traevon at biglang humalakhak. Baka nag-eenjoy siya na wala akong panty.

Mukhang engaged na sila ng babaeng tinutukoy niya pero pinapatagal lang niya ang kanilang kasal. Somehow, naawa ako kay Traevon. Mukhang lumaki sa mayaman na pamilya at hindi maikakaila na napaka gandang lalaki, pero wala naman kalayaan na pumili ng babaeng mamahalin niya.

Teach Me How To AlphaUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum