AFTER 7 - ZACK

378 40 1
                                    

POV TRAEVON ERIKSSON

Before going to Japan, I tried contacting the Thirteenth Werewolf Alpha. Sinasagot naman niya ang tawag ko, pero nagpapanggap na wrong number para hindi ako kausapin. Minsan kunwari ay naro-route ako sa automated system at nagpapanggap siya na robotic voice kahit obvious naman na siya ang sumagot. Minsan naman ay nagpapanggap siya na customer care hotline.

Kahit ilang libong taon na, minsan parang isip bata pa rin.

It seems that Polaris already talked to him, but he does not want to talk to me yet. Kung anong itinatago ng lolo ko, mukhang wala pa siyang balak sabihin sa akin ito.

Or maybe he does not want to talk to me as he does not want to lie to me.

"Saan tayo next na pupunta? Sa Meiji Shrine? Hindi ba Meiji ay name ng chocolates? May chocolate factory ba doon?"

"Meiji Shrine is from the name of Emperor Meiji. Mukhang kang pagkain. Kanina ka pa kain ng kain. Dapat ako kinakain mo para may pambayad ka sa ginastos ko dito sa Japan."

"Hungarian sausage lang ang kinakain ko, Traevon. Kung malaki ang sausage mo, sige baka kainin ko."

Mahirap asarin si Caelen ng mga green jokes dahil palaging may pambanat sa akin. Kung ibang babae ito na kasama ko, malamang ay magpapa-demure at magpapa-shy type. Pero pagdating dito sa newbie Werewolf na ito, wala siyang pakialam kahit magmukha siyang matakaw at bastos sa harapan ko.

Pagkatapos namin mamasyal sa ilang shrines at park ay dinala ko si Caelen sa tapat ng office building namin.

"Traevon, bakit tayo nandito?"

"This is where I work. Dima Worldwide Corporation, Tokyo branch. A company engaged in processing, manufacturing and packaging of food products. This is a company established by my father Tristan Eriksson who was known as Tristan Dimaculangan."

"Empleyado ka ng Dima Corp?"

"I am using the name Von Dimaculangan here. I can't use my real name."

"Traevon, sa Dima Corp din ako nagtatrabaho pero sa Taguig branch. Kung daddy mo ang big boss dito, baka pwedeng ilipat mo ko sa Tokyo branch para officemates tayo."

"Dahil gusto mo ng office romance?"

Ngumiti ito na tila kinikilig sa tanong ko. I can't help but to feel my warm cheeks.

"Dream guy ko ang isang Japanese guy. Baka kapag dito na ko nagtrabaho sa Tokyo branch, magkaroon ako ng Japanese boyfriend."

"What? Japanese boyfriend?" inis na tanong ko sa kanya.

I thought she is indirectly telling me that she wants to be with me, but I guess she just wants to transfer here to have a Japanese boyfriend. I want to kick myself for even feeling a rush of romantic excitement.

"I will make sure that you will be stuck in the Taguig branch," sagot ko sa kanya sabay lakad palayo sa kanya.

"Grabe ka naman! Pag-usapan naman natin ito, friend. Medyo fluent na ko sa pagsasalita ng Japanese in preparation to my future boyfriend. Teka, hindi ba wala pang asawa si Shintaro Kimura? Ipakilala mo naman ako!"

"No way!"

"Sige na, malay mo meant to be kami at ako na pala ang pinakahihintay niya."

"The answer is no."

"Please? My super friend?" nakikiusap na sabi nito sabay hawak sa braso ko.

"Von!"

Nasa kalagitnaan kami ng diskusyon ni Caelen nang biglang may tumawag ng pangalan ko. Zaphorah Kiana Everett or Zackie for short. She was my former secretary and my officemate now here in the Tokyo branch.

Teach Me How To AlphaWhere stories live. Discover now