BEFORE 28 - MACARON

153 22 0
                                    

POV TRAEVON ERIKSSON

Werewolves are known to be powerful and mild creatures, but I am easily angered if a Werewolf intimidates the weak ones to make them feel stronger.

Hinawakan ko ang kamay ni Caelen at inilayo kay Zackie. Malamang ay narinig niya ang balita na kasama ko ito sa isang lunch date kaya kay Caelen binuhos ang galit. Kahit kailan ay hindi ko pa niyaya si Zackie na kumain sa labas dahil ayokong pagsimulan ito ng tsismis sa office.

Kukuha sana ako ng first aid kit, pero napansin ko na wala ng bakas ng sugat ni Caelen sa braso. Nakapagtataka na kanina ay may tila hiwa ito, pero ngayon ay naglaho na. Sigurado ako na hindi isang supernatural creature si Caelen dahil wala itong kahit anong kapangyarihan.

"Are you okay, Ms. San Rafael?" tanong ko kay Caelen sabay turo sa isang upuan para siya maupo.

"Okay lang po ako. Hindi po ba magagalit si Ms. Zackie na pinag-resign niyo siya agad?"

"She was about to leave the company. Pinigilan ko lang dahil wala pa siyang kapalit. Mukhang nasabi naman niya agad sa'yo lahat ng mga gagawin mo?"

"Yes po, pinag-aralan ko po mabuti ang lahat ng mga iniwan niya na trabaho. Familiar na din po ako sa process dito sa Dima Corp. kaya po hindi ako nahirapan."

"That is good to hear. I am expecting a smooth transition."

Pagkatapos ng meeting ko sa mga clients ay dinala ko si Caelen sa bahay ko. I asked her to stay for dinner. Sinabi ko din sa kanya na dumaan muna siya sa bahay bago pumunta sa opisina para sabay kami pumasok.

"Ang ganda po ng bahay ninyo, Sir Von," sabi ni Caelen habang iniikot ang paningin sa loob ng studio unit ko.

I can't use the Eriksson house as my cousin Kuya Lanford Harrington is living there. I need to work hard to pay for my monthly expenses because of the damn new rules set by the First Heirs.

"You look disappointed with my house."

"Disappointed? Sir Traevon, ang ganda ng condo unit mo! Maliit nga lang, pero ang ganda ng mga gamit. Sabi kasi sa tsismis sa office, sa isang penthouse ka daw nakatira. Hindi ba ganun ang mga big boss na pogi sa mga novels?"

"So pogi ako?"

"Sir Traevon naman, tinatanong pa ba 'yan? Eh kulang na lang ay matigil ang trabaho ng mga empleyadong babae sa office kapag dumadaan ka. Ano tawag doon? You took their breath away?"

"How about you? What is your impression of me?"

"Naku, huwag niyo na po alamin. Baka i-terminate niyo po ako bigla sa trabaho. Penge po nito ah?" tanong ni Caelen sabay kuha sa Macarons sa table.

"I want to hear it. Huwag ka mag-alala, hindi ako magagalit kahit anong sabihin mo."

Umupo si Caelen sa upuan na malapit sa dining table at umupo din ako sa tabi niya para makinig sa sasabihin niya.

"Sir Traevon, first impression ko po is masungit po kayo, pero nang malaman ko na may relasyon kayo ni Aris, tingin ko mabait po kayo. Nakaka-usap ko po si Aris sa rooftop at mabait naman po siya. Sigurado ako na mabait din ang boyfriend niya."

"Boyfriend?"

"Your secret is safe with me po. Promise! Hindi ko po sasabihin sa ibang tao sa office kung mag jowa po kayo," mahinang sabi ni Caelen na parang isang sikretong tsismis ang pinag-uusapan namin.

Gusto ko sana magalit sa sinabi niya, pero kakasabi ko pa lang na hindi ako magagalit kahit anong sabihin niya.

"Ms. San Rafael, Aris is just my driver."

"Totoo po ba na pag driver, sweet lover? Nakita ko po kayo last week na hawak ni Aris ang braso niyo palabas ng office. Ang sweet niyo naman po. Sana all," sabi nito sabay kain uli ng Macaron.

Kung hindi si Caelen ang babaeng nakasama ko sa Club Fantaisie, siguradong tanggal na ito sa trabaho. Ngumiti lang ako sa kanya para pagtakpan ang namumuo na galit sa akin.

"Sir Traevon, kung kailangan mo ng katulong dito sa unit mo, tawagin mo lang ako. Pwede ako maglinis at magluto. Kung gusto niyo din ng chaperon sa date ninyo ni Aris, maaasahan mo din po ako."

"I will think about it."

Gusto ko man sabihin na wala kaming relasyon ni Aris, pero hinayaan ko na lang isipin ni Caelen ang gusto niya. Mukhang mas kampante siya sa akin sa ganitong set-up.

Teach Me How To AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon