AFTER 2 - LONE WOLF

526 52 43
                                    

POV CAELEN SAN RAFAEL


Sa loob ng ilang araw, mas lalong naging madalas ang panaginip ko. Kahit saglit lang ako pumikit at nakikita ko ang sarili ko sa anyong lobo. Pagdating ng biyernes, nagulat ako nang makita ang panibagong sulat mula kay Sir joe. Hindi ko alam kung paano siya nakapasok dito sa kanyang bahay kung nasa Maynila siya ngayon.


Leave the house tonight.

Find the forest.

It will be your Sanctuary.

- Sir Joe


Isang mapa ang kalakip ng sulat kung saan ako pinapapunta ni Sir Joe. Pagsapit ng dilim, naramdaman ko ang matinding sakit ng ulo. Kahit ang mga kalamnan ko ay unti unting nagsasakitan.

Tulad ng kanyang payo, sinunod ko ang mapa na binigay niya. Sa likod ng kanyang bahay ay may daan papunta sa isang national park. Gamit lamang ang isang flashlight ay binaybay ko ang daan na tinutukoy niya.

Napangiti ako nang makita ko na nakadikit sa isang puno ang glow in the dark sticker na hugis crescent moon. Mukhang nag-iwan si Sir Joe ng mga breadcrumbs para masundan ko ang trails na sinasabi niya.

Dapat ay matakot ako dahil naglalakad ako na mag isa sa dilim, pero tila napuno ako ng lakas ng loob. Mas mabuting lumayo ako sa mga tao kung totoo nga na magiging isa akong Werewolf.

Pagtingin ko sa relo ko ay hindi ko na namalayan na maghahating gabi na. Marami na din akong nakuhang stickers na nagsilbi kong clue sa aking paglalakbay. Pagpatak ng alas dose ay biglang sumakit na naman ang ulo ko na parang binibiyak. Kasabay nito ang pag init ng aking katawan na parang may matinding lagnat at paglamig ng paligid na para akong nasa loob ng walk-in freezer.

Nabitawan ko ang flashlight ko nang makita ko na nag-anyong kamay ng aso ang mismong kamay ko. Hindi ito panaginip at hindi ito ilusyon. Totoo ang nangyayari sa aking transformation.

Sa loob lamang ng maikling sandali ay nagbago ang anyo ko. Alam ko na hindi na ako isang tao kundi isang lobo.

Imbes na matakot, naramdaman ko ang kakaibang lakas na para akong may kapangyarihan. Napuno ako ng kakaibang excitement dahil isa na akong Werewolf.

Tumakbo ako ng napakabilis sa loob ng kagubatan. Kahit wala akong flashlight ay malinaw ko nakikita ang daan. Sinubukan ko umakyat sa puno at mabilis ko itong nagawa. Kaya kong tumalon sa mga puno na malayo ang pagitan tulad ng ginagawa ng mga ninja sa anime.

I feel free. I feel happy. Being this kind of monster is not bad afterall.

Napatigil lang ako sa pagtakbo nang makasalubong ako ng isa pang dambuhalang aso. Malaki ito kaysa sa tao kaya sigurado ako na isa din itong lobo tulad ko. Ang mata nito ay parang kulay bughaw na apoy.

"Who are you?" tanong ng Werewolf sa akin na tila may telepathic ability.

"Me?"

"May tao ba dito? Ikaw lang naman ang aso dito ah?" masungit na sagot nito.

Hindi nabanggit ni Sir Joe na may ibang Werewolf dito sa gubat. Hindi din siya nag heads-up na may kasungitan na taglay ang mga ito. Tumalikod ako dito at dahan dahan na lumakad palayo dahil ayokong makipag-usap dito, pero mabilis itong humarang sa aking daan.

"What family are you from?" tanong nito na tila kumislap ang kanyang mata.

Kahit nasa anyo itong aso, naririnig ko ang boses nito sa isip ko na parang may kakaibang accent.

Teach Me How To AlphaWhere stories live. Discover now