Chapter 30.

436 24 20
                                    

Chapter 30. Third person's pov.

Tahimik na nagmamaneho si Ranzel habang nakatingin sa daan papunta sa paaralan. Nang makarating ay agad niya itong pinark at bumaba. Nakakadalawang hakbang pa lamang siya para umalis nang may biglang humampas sa batok niya kaya nawala siya ng malay at natumba.

Ngiting tagumpay naman ang humampas sa kanya at ang mga kasamahan nito na nakaabang kay Ranzel. Agad nila itong pinagtulungang kargahin at isinakay sa kanilang sasakyan. Pagkatapos ay agad din silang umalis.

Nang makalayo na sila ay agad na tumakbo ang nakakita sa ginawa nila at dali-daling pumunta sa classroom nila Nazzer. Hingal na hingal siyang nakarating sa tapat ng pinto kaya nagtatakang nakatingin sa kanya ang section Fear.

"Ayos ka lang?" Nagtatakang tanong ni Arsen.

"Anong nakain mo at humahangos kang pumunta rito?" Tanong naman ni Donald.

"Ang kaibigan niyo." Hindi ma tuloy-tuloy na sagot nito habang nakaturo sa labas.

"Kumalma ka muna bago ka magpatuloy sa pagsasalita." Sabi ni Nazzer.

"Ngayon, sinong kabigan ang tinutukoy mo?" Tanong naman ni Dominique nang makitang medyo kumalma na ang lalaki.

"Si Ranzel."

Bigla naman silang napaayos dahil sa sinabi nito.

"Anong meron kay Ranzel?" Tanong ni Onel.

"May kumuha sa kanya."

"Ano?" Nick.

Anong ibig mong sabihin?" Zircon.

"Sinong kumuha sa kanya?" Kreptton.

"Hindi ko sila kilala basta ang nakita ko lang ay pagkababa ni Ranzel sa kanyang sasakyan ay may biglang lalaking humampas sa kanya. Pagkatapos ay pinagtulungan siyang buhatin at isinakay sa sasakyang dala nila at tinangay paalis. At sa itsura nila muka silang mga armado."

"Damn!" Cristian.

"Shit!" Antun.

"Hindi pwede."Clineton.

"Sila na naman kaya ang may pakana nito?" Luis.

"Iyon lang ba ang nangyari? Wala ng iba?" Tanong ni Nazzer.

"Wala na."

"Makakaalis ka na. Salamat sa balita." Saad ni Nazzer. Pagkaalis ng lalaki ay agad silang napatayo saka kanya-kanya at halos magkasunod na nagmumura.

"Ano nang gagawin natin? Tiyak na nasa panganib ngayon si Ranzel." Nag-aalalang tanong ni Tommy.

"Kailangan natin siyang tulungan. Kailangan natin siyang mailigtas." Sabi naman ni Linbo.

"Pero kailangan din natin ng tulong. Hindi natin alam kung saan dinala sa Ranzel." Sabi ni Kell.

"Isa lang ang nasa isip ko na makakatulong sa atin. At kilala niyo na kung sino sila. Kahit pa kinasusuklaman natin ang mga kagaya nila hindi pa rin noon maitatangging sila lang ang makakatulong sa sitwasyon nating ito ngayon." Sabi ni Artor at tiningnan sila ng seryoso.

"Sila Aspren ba ang tinutukoy mo?" Tanong ni Morgan.

"Oo. At kailangan natin sila ngayon."

"Tama ka. Sang-ayon ako." Sabi ni Nelson.

"Nazzer, anong desisyon mo? Kailangan tayo ni Ranzel ngayonat wala na tayong pagpipilian pa. Hindi na pweding tayo-tayo lang ang pupunta roon. Dahil tiyak na hindi rin natin siya maililigtas nang tayo-tayo lang." Baling ni Zircon kay Nazzer na seryosong nag-iisip. Pagkatapos ng ilang sandali ay tumingin siya sa kanila na nag-aabang sa kanyang magiging pasya.

The Only Girl In The Section Full Of BoysKde žijí příběhy. Začni objevovat