Chapter 19

366 31 0
                                    

Chapter 19. Third persons pov.

Ilang sandali pa ay sinugod si Kiesha ng isa at agad na sinuntok sa sikmura na ikinaigik niya sa sakit. Hindi pa man siya nakakabawi ay sinipa naman siya ng isa pa sa likuran na ikinatumba niya. Mahigpit naman siyang hinawakan sa magkabilaang braso ng dalawa pang mga lalaki at marahas na pinatayo.

Ang mga section Fear naman ay nagpupumiglas sa mga nakahawak sa kanila at nagsusumigaw.

"Tama na iyan!"

"Tigilan niyo na siya!"

"Huwag niyo na siyang sasaktan!"

"Maawa na kayo sa kanya!"

"Tumigil na kayo!"

"Kiesha!"

"Lumaban ka, Kiesha!"

Lumingon naman si Kiesha sa kanila at pilit na ngumiti.

"Please, Kiesha, lumaban ka!"

"Huwag mong hayaan na saktan ka nila!"

Pero hindi sila pinakinggan ni Kiesha. Tinanggap niya pa ang iba pang mga suntok na tumatama sa kanya nang hindi lumalaban. Napahiga na naman siya pero marahas at pilit na pinapatayo ulit at sinipa nang malakas na ikinasinghap ng buong section Fear. Habang nakangisi namang nanonood ang mga tauhan ni Elton maging ito dahil sa natutuwa sila sa napanuod.

Tatayo na sana si Kiesha nang magkasabay na lumapit ang tatlo sa kanya at tinadyakan siya sa tiyan, dibdib at tagiliran. Pagkatapos ay ibang dalawang lalaki naman ang lumapit sa kanya at sinipa na naman siya sa tagiliran, dahil para tumilapon at magpagulong-gulong siya sa sahig at mabangga ang likod sa pader.

Sa subrang lakas ay napadaing siya at umangat ang ulo saka napapikit ng mariin habang napapangiwi. Pagkatapos ay dumapa siya at sinubukan na namang tumayo. Habang ginagawa ito ay napasuka siya ng dugo.

"Hindi!"

"Kiesha!"

"Lumaban ka!"

"Kaya mo 'yan!"

Dahan-dahang tumayo si Kiesha at pinahid ang dugo sa kanyang labi. Kahit na nanghihina na ay kinakaya niya pa rin ito. Suminyas na naman si Elton sa kanyang limang tauhan na agad namang nakuha ng mga ito ang ibig niyang sabihin. Agad na nagsikuha ang tatlo ng baseball bat habang ang dalawa ay lumapit kay Kiesha at hinawakan na naman sa magkabilaang braso saka pilit na dinala sa gitna.

"No! Huwag niyong gawin sa kanya iyan!"

"Tumigil na kayo!"

"Pakiusap, maawa na kayo sa kanya!"

Pero hindi na naman nila pinakinggan ang section fear. Agad na pumusisyon ang dalawa sa magkabilaang gilid niya at sabay na pinalo siya sa magkabilaang hita na ikinahiyaw nito. Napaluhod siya sa sakit pero pilit pa rin siyang pinapatayo ng dalawa. Pumwesto naman sa likod niya ang isa at walang pasabi na pinalo ng malakas ang likod niya na ikinahiyaw at ikinadura na niya naman ng dugo.

Nanghihina naman na napaluhod ang section fear habang naaawang nakatingin kay Kiesha.

Pabagsak na napaluhod si Kiesha nang binitawan siya ng dalawang nakahawak sa kanya. Napahawak siya sa sementong sahig habang dumudura pa rin siya ng dugo. Nanginginig din ang kanyang buong katawan dahil sa mga natamo.

Nakangisi namang lumapit si Elton sa kanya na natutuwa sa kanyang sinapit.

"Kumusta, NK, kaya mo pa ba?" Nakangising tanong nito. Hindi naman siya sinagot ni Kiesha na nanatiling nakayuko at mabibigat ang mga hiningang pinapakawalan. "I never thought that this is the only way I can take you down." Turan pa nito at nakangising umiling-iling. "Ang akala ko pa naman ay magmamatigas ka pa rin at mas pipiliin mong sila ang magdusa kesa ikaw.... Hmm... Bakit kaya 'no?... Hahahaha!"

The Only Girl In The Section Full Of BoysWhere stories live. Discover now