Chapter 26.

359 30 6
                                    

Chapter 26. Third persons pov.


Napatigil sa pagmamaneho si Aspren na gulat na gulat sa nangyari. Si Kiesha naman ay nabitawan ang cellphone habang hindi makapaniwala at tulalang nakatingin sa unahan kung saan naroon ang kotse na sumabog. Ang kotse na ito ay walang iba kundi ang kotse kung saan doon nakasakay ang kanyang mga magulang.

Tulala silang nakatingin sa kotse na ngayon ay nagpagulong-gulong na palayo sa kanila. Sira na ito at umaapoy. Bigla ay sunod-sunod na nagsipatakan ang mga luha ni Kiesha habang penoproseso sa kanyang utak ang nangyari. Nang makabalik na siya sa ulirat ay dali-dali siyang lumabas ng kotse habang nakatanaw sa sumabog na sasakyan.


"No, no, no! Hindi pwede! Mom! Dad!" Umiiyak na sigaw nito at tinangkang tumakbo para lapitan ang kotse pero agad siyang napigilan ni Aspren. "Ano ba! Bitawan mo ako! Kailangan ko silang puntahan, kailangan ko silang lapitan! They need me!" Umiiyak na pagpupumiglas nito habang nakatanaw sa kotse.

"Hindi pwede, Kiesha, dito ka lang. Masyado pang malakas ang apoy baka mapano ka." Pagpipigil nito habang hinihigpitan ang pagkakayapos kay Kiesha mula sa likod.

"Wala akong pake! Lalapitan ko sila kaya bitawan mo ako! Ano ba! Let me go!" Umiiyak na pagpupumiglas nito pero hindi nagpatinag si Aspren at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayapos sa kanya.

Hindi naman nagtagal ay dumating ang iba nilang kasamahan kasama na doon si Niel na nagmamadaling bumaba sa kotse nito at lumapit sa kanila. Tumingin siya kay Aspren, sunod kay Kiesha.

"Anong nangyari? Bakit ganyan ang itsura mo? At bakit umiiyak itong kapatid ko? Nasaan na sina mommy at daddy?" Sunod-sunod na tanong ni Niel habang nagpalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. Umiling lang si Aspren bilang sagot saka tumingin sa kotseng sumabog.

"Kuya!" Tawag ni Kiesha at nagpumiglas ulit at sa pagkakataong ito ay binitawan na siya ni Aspren. Dali-dali siyang lumapit kay Niel. "Kuya, sina mommy at daddy, iligtas natin sila." Umiiyak na sabi nito. Niyakap naman siya ni Niel.

"Sabihin mo sa akin, Aspren, ang kotseng iyon, kasama ba sila?" Tanong ni Niel na tinutukoy ang kotseng sumabog. Dahan-dahan namang tumango si Aspren saka napayuko.

Para namang binagsakan ng langit at lupa si Niel sa sagot nito saka dahan-dahang lumingon sa kotseng umaapoy pa rin hanggang ngayon malayo sa kanila. Bigla ay sunod-sunod na nagsipatakan ang kanyang mga luha habang humihigpit ang pagkakayakap kay Kiesha na hindi pa rin maawat sa pag-iyak, hanggang sa pareho silang napaluhod. Napapikit siya ng mariin bago nagsalita.

"Umalis na kayo rito ngayon bago pa dumating ang mga pulit at reporters." Utos niya kila Aspren. "Sige na." Dugtong pa niya nang aalma pa sana sila.

Walang nagawa kaya nagsisakay sila ulit sa kanilang mga kotse saka umalis. Naiwan siya at ang yakap-yakap niyang si Kiesha na hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak. Hindi nga rin nagtagal ay dumating ang mga pulis kasunod ang mga reporters para malaman ang nangyari.

Samantalang sa paaralan naman, habang kumakain ang section Fear sa cafeteria ay biglang pinalabas sa TV na nasa unahan nakalagay ang balita tungkol sa nangyari.

"Magandang tanghali sa inyong lahat. Narito po tayo ngayon sa lugar kung saan may naganap na pagsabog ng isang kotse na sinasabing may nakasakay na dalawang taong mag-asawa. At ang dalawang iyonay walang iba kundi sina Mr. And Mrs. Villanueva na  kasama sa pagsabog... Ngayon din ay makikita at masasaksihan niyo ang dalawa nilang anak na subrang nagdalamhati sa nangyari lalo na ang bunsong anak ng mga ito na kanina pa umiiyak at tinatawag ang mga magulang.... Hindi pa rin matukoy ng mga pulis ang kung ano ang simula at dahilan ng pangyayari kaya patuloy pa nila itong iniimbistigahan. Nang kausapin at tanungin naman nila ang magkapatid ay hindi ito sumasagot at tumangging magbigay ng pahayag ukol sa nangyari."



The Only Girl In The Section Full Of BoysWhere stories live. Discover now