Chapter 8

508 42 0
                                    

Chapter 8

Kiesha's pov

"Sila na ba lahat ang mga kaklase mo?" Tanong ni kuya nang nakatingin sa'kin at nakaturo sa mga kaklase ko.

"Opo, kuya,"

"Really? Bakit puro mga lalaki?"

"Dahil walang babae?"

"Ano? Paano ka napunta sa section nila na wala kahit isang babae at ikaw lang?" May bahid ng galit na tanong niya at iniisa-isang tiningnan sila.

"Eh, wala ng bakante eh, kaya sakanila ako nilagay ayon na rin sa kautusan ng principal," napapakamot ulo kong sagot saka tumingin sa mga kaklase ko na naghihintay at pinapanood kami ni kuya.

"Hindi pwede 'to. Kailangan kong makausap ang inyong principal at ipalipat ka sa ibang section. Pupunta ako roon mamaya. Baka kung mapa'no ka pa sa section na iyan. Paano kung bastosin ka nila dahil ikaw lang ang nag-iisang babae sa kanila? Kailangan talagang mailipat ka." Sermon ni kuya sa'kin.

At dahil nanonood sila sa'min ay narinig nila ang mga sinabi ni kuya kaya agad silang nagreact.

"Aba! Hindi kami ganon!"

"Siya nga lang ang babae sa section namin pero hindi namin siya babastosin."

"Ipagtatanggol pa nga namin siya kung may mananakit sa kanya, eh."

"Ayos na siya sa section namin."

"At hindi na rin papayag ang principal kahit makiusap ka."

"Panigurado 'yan."

"Magtiwala ka sa'min, kuya."

"Wala kaming gagawing masama kay Kiesha."

"Baka siya pa nga ang gumawa ng masama sa'min, eh."

"Oo nga!"

"Ang siga at astig kaya ng kapatid mo."

Nakatunganga lang kaming dalawa ni kuya. Walang masabi. Marinig mo ba naman ang mga sinabi nila. Hanep! Kailangan ko bang maniwala? Namamalik mata ba ako?

Nakita ko ba talaga ang pagtutol sa kanilang mukha na ilipat ako ni kuya?

Wow!

Parang dati lang na gustong-gusto nila akong paalisin sa section nila, ah. Mukang nabago na yata ang isip nila.

Ayos lang. Masgusto ko 'to dahil ayaw ko na rin lumipat sa ibang section.

Nasanay na ako sa presensiya nila at ugali kaya baka maninibago na naman ako kapag nalipat. So, no!

"Oo nga naman, kuya. Huwag kang mag-alala. Mababait sila at kasundo ko na. Hindi sila tulad ng iniisip mo kaya kalma lang. Huwag mo nang ituloy ang balak mo dahil wala na rin akong balak na umalis sa section nila. Magiging ayos lang ako. Ako pa ba! Hindi mo na yata alam ang kung anong kayang gawin ng kapatid mo? I can handle myself." Paliwanag ko habang nakangiti.

Napabuntong hininga naman siya.

"Okay, fine. Pumapayag na ako. Gaya nga ng sabi mo, mukang wala na talaga akong magagawa." Maslalo naman akong napangiti kaya napayakap ako sa kanya. "Thank you, kuya."

Nakita ko rin na natuwa ang mga kaklase ko maliban kay Ranzel na kanina pa tahimik at nakamasid lang sa'min, at mukang inip na inip na. Pagkakalas ko sa kanya ay bumaling naman ako sa section Fear.

"Ano nga pala ang ginagawa niyo rito nang ganito kaaga?"

"Sinusundo ka," masaya at masiglang sagot ni Onel.

"Bakit? Eh, pwede namang dumiretso na lang kayo agad sa school?" Nakakunot noo kong tanong ulit.

"Wala. Gusto lang naming makasabay ka sa pagpasok. Masama ba 'yon?" Nakapuot na sagot ni Kell.

The Only Girl In The Section Full Of BoysWhere stories live. Discover now