Prologue

1.5K 65 1
                                    

Prologue

Bagot na bagot at tinatamad akong lumabas ng cafeteria. Malapit na rin ang oras ng susunod na klase. Mag-isa na naman akong naglalakad sa hallway dahil wala akong kaibigan dito dahil ilap na ilap silang lahat sa akin. Napatigil lang ako nang bilang may nakabanggaan ako.

"Miss, hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo? Bulag ka ba o sadyang tanga lang?!" Pasigaw na tanong sa'kin nitong nabangga ko.

Medyo na inis ako sa mga sinabi nito pero pinigilan ko ang sarili ko na hindi makagawa ng ano mang hindi maganda.

"Pasensiya na hindi ko sinasadya." Hinging paumanhin ko nalang nang hindi tinitingnan kung sino man ang lalaking ito. At base sa mga sapatos na nakita ko sa harapan ko habang nakayuko ay nasa apat sila.

"Pagsumagot ka ay tumingin ka sa akin, hindi iyung nakayuko ka lang diyan na parang tuta, naiintindihan mo ba?!"

Puta! Kanina pa ito sigaw ng sigaw ah. Baka mamaya mabingi na ako nito dahil sa lakas ng kanyang boses. Dinaig pa niya ang may hawak ng micropono sa lakas eh. Tss!

Kung makasigaw 'to kala mo kung sino. Inangat ko nalang ang aking ulo at walang ganang tiningnan ang nasa harapan ko. "Oh. Nakatingin na ako, pwede na ba akong umalis? Malelate na kasi ako sa klase ko eh." Kapag hindi rin sila tumigil diyan ay baka mabalian ko pa sila ng buto kapag ako'y napikon, nagtitimpi lang ako. Mas lalo lang kasi akong nababagot eh.

"Aba't! Sumasagot-sagot ka pa ah! Bakit, matapang ka? Sinong pinagmamalaki mo?!" Sigaw na naman niya.

Hindi ba siya napapagod kakasigaw? At saka hindi ba siya nahihiya?

Kanina pa kaya kami agaw attention. Marami ng studying nanunuod sa amin. Ang iba ay vinibedyohan na kami at ang iba naman ay nagbubulong-bulungan na.

"E sa tinatanong niyo e, alangan namang hindi ako sasagot o magsalita. Ang bastos ko naman ata non kung ganon, diba?" May pagkasarkastik kung sagot na may halong inis na rin sa boses dahil sa kanila--ay hindi, naiinis na talaga ako sa kanila kanina pa.

Hindi pa ako paalasin, eh. Kunti nalang talaga at papatulan ko na tong mga 'to. Ayaw ko lang talaga ng away ngayon dahil baka ma-expelled na naman ako.

"Ah ganon? Hehe, tol, matapang talaga 'to. Ano? Patulan na natin? Hindi yata ito natatakot sa atin eh." Tanong niya pa niya sa tatlong lalaki na nasa likod niya lang at nakangising nakakalokung nakatingin sa akin. Tss!

"Sige ba, kahit pa naman babe 'yan ay wala naman tayong paki, diba mga tol?" Sagot na isang nasa likod at tumingin pa sa dalawa niyang kasama. Pagkatapos ay sa akin naman silang apat tumingin na may halong pagnanasa.

Aba! Mga manyak din naman pala ang mga ito eh.

"Ano, miss, natatakot ka na ba? Pwede namang magmakaawa ka nalang habang wala pa kaming ginagawa sa iyo. Madali naman kasi kaming kausap at papatawarin ka pa agad namin..dahil babae ka." Tanong ng isa sa kanila habang nakangisi.

Tss! As if naman na matatakot ako. Baka nga kayo pa ang matakot sa akin eh kapag nakita niyo ang isa sa inyo na namimilipit na sa sakit! Sigaw ko sa utak ko.

"Alam mo, miss, ang ganda mo." Alam ko. "At hindi bagay sa'yo ang pahirapan. Kaya ang mas magandang gawin mo ay sumama ka nalang sa amin. Magsaya nalang tayo. Kesa naman ang mabugbog ka, edi kawawa ka naman."

Sabi naman ng isa pa at saka lumapit ng dahan-dahan sa akin habang nakangisi at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago diniliaan ang kanyang labi at tumingin ulit sa akin. Yuck!

Tss! Manyak talaga.

"Ano? Tara na?" Tanong niya at sinubukang hawakan ako sa braso na ikinagalit ko.

The Only Girl In The Section Full Of BoysWhere stories live. Discover now