Chapter 13

449 36 1
                                    

Chapter 13. kiesha's pov.


"Goodbye class, " paalam ni Mrs. Ramos.

"Goodbye, Message. Ramos, " sabay din naming paalam.

Pagkalabas ni mama ay nag-ayos agar kami pagkatapos ay lumabas saka naglakad papuntang cafeteria. Pagpasok ay lumapit agad kami sa aming pwesto at umupo ako. Tiningnan ko naman sila nang nagtataka dahil hindi sila umupo maliban kay Ranzel na nakacross-arms na habang nakaupo.

Ngumiti naman sila sa akin. "O-order lang kami, " sabi ni Nick. "Ano pala order more? " tanong pa niya sa akin.

"Ikaw na bahala, " sagot ko at tipid na ngumiti.

Tumango naman siya at ngumiti run. "Ikaw, Ranzel, ano sa'yo? Same pa rin o si Kiesha?" Nakakalokong tanong ni Nick kaya sinamaan siya agad nito nang tingin. Mahina namang bumungis-ngis ang iba.

Hindi naman ako kumino kahit na nabigla ako sa naging tanong ni Nick sa kanya. "Gaya pa rin nang dati," rinig kong sagot ni Ranzel.

"Okay, akala ko pipiliin mo iyong isa eh, " sabi ni Nick at tumingin sa akin kaya sinamaan ko ito nang tingin kaya natatawa saying umiwas nang tingin.

"Tumigil ka nga riyan, " mag pagbabantang saway ni Ranzel sa kanya.

Ngunit hindi natinag si Nick at mas inasar pa ito. Tatayo na sana si Ranzel para sugurin si Nick, pero agad ding napatigil dahil humarang at pinigilan agad siya ni Nazzer.

"Ops! Tama na 'yan, Ranzel, Nick, tumigil ka na, " umupo naman ulit si Ranzel habang masama ang pagkakatingin kay Nick. "Tara na, order na tayo. " sabi pa ni Nazzer at saka sila umalis pero nag-iwan naman nang nakaka-asar na tingin.

Tinanaw ko pa sila gang gang sa makalinya. Alam kong nakatingin ngayon si Ranzel sa akin pero hindi ko siya nilingon, nagpanggap na lang na busy sa pagce-cellphone kahit na naiilang na ako sa mga titig niya. Nang hindi ko na matagalan ang mga titig niya ay saka ko na siya nilingon. Hindi naman siya umiwas at sinalubong lang ang mga tingin ko.

Mata sa Mata.

"Pwede bang tumigil ka na diyan sa kakatitig sa akin? " hindi mapigilang usal ko.

"Bakit? " tanong niya na may halong pagtataka.

"Tss! Anong bakit?" Kumunot naman ang noo niya. "Nakakailang ka kaya, " sabi ko na maslalong ikinakunot nang noo niya pero kalaunan ay ngumisi na ikinataka ko. "Oh, anong ngisi iyan? "

"Hindi ko alam na naiilang ka na pa la sa akin ngayon, " sabi niya at mas lalong ngumisi. Iniwas ko naman ang aking tingin. "Anyway, about what happened last Friday, forget it, " sabi niya kaya napayingin ulit ako sa kanya. Seryoso na siya ngayon kaya sumeryoso rin ako.

"Why?" Tanong ko ng seryoso.

"Anong why?" Tanong niya. "Ayaw mo mo bang Kalimantan iyong nangyari?" Dag-dag pa niya na bagamat nagtataka ay seryoso pa rin ang kanyang boxes.

"No, hindi ganon,"

"Then what?"

"Nagtataka lang ako kung bakit kailangan mo pa iyang sabihin sa akin, " ani ko at diretsong tumingin sa mga mata niya. "Kahit naman hindi mo ako sabihan ay gagawin ko pa rin naman. "

Dumaan ang is ang minuto ay hindi na siya nagsalita pa, kaya tumahimik na rin ako at hinintay na makabalik na sila Nazzer. Ilang sandali pa ay dumating na nga sila kaya nagsimula na kaming kumain nang tahimik.

Sabay-sabay naman kaming umalis at lumabas sa cafeteria. Tahimik lang akong naglakad at naking sa mga kwentuhan nila. Tiningnan ko naman ang aking relo. May one hour and ten minutes pa bago magsimula ang panghapon na klase. Kaya naisipan kong hindi na muna pumasok sa classroom at maglibot-libot na muna.

The Only Girl In The Section Full Of BoysWhere stories live. Discover now