Chapter 1

1.1K 63 0
                                    

Chapter 1

Kiesha's pov.

Gumising ako ng maaga dahil ngayon na ako papasok sa new school ko. Agad akong bumangon saka ginawa ang morning routine ko pagkatapos ay sinuot ang aking uniform. Hindi rin naman masama. Bagay ito sa akin. Hindi gaanong maiksi ang palda, above the knee siya, at ang medyas ko naman ay umabot sa baba ng tuhod ko na kulay itim, saka ko sinuot ang sapatos ko na itim din na may two inches ang haba ng takong. Pagkatapos mag-ayos ay saka lamang ako lumabas at bumaba.

Pagkarating ko sa dining area ay nadatnan kong nandoon na silang tatlo at ako nalang ang hinihintay.

"Good morning Mom, Dad, morning Kuya!" bati ko sa kanila pagkatapos ay isa-isang hinalikan sa pisngi saka ako umupo sa aking upuan.

"Morning sweetie"

"Morning my dear daughter"

"Good morning lil sis!"

Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako kina mommy at daddy na aalis na at papasok, ganoon din si kuya dahil may trabaho pa siya. Tapos na kasi siyang mag-aral eh.

Paglabas ko ay pinagbuksan agad ako ng pinto ng kotse ni Mang Caloy kaya nagpasalamat ako sa kanya at pumasok sa loob. Pagkatapos niya ring pumasok at umupo sa driver's seat ay umalis na kami.

Pagkarating namin sa bago kong paaralan ay bumaba si Mang Caloy saka umikot at pinagbuksan ako ng pinto. Nagpasalamat ako sa kanya pagkalabas ko, pagkatapos noon ay umalis na siya at ako naman ay pumasok na sa loob ng school.

Naglalakad na ako ngayon sa hallway papunta sa principals office dahil aalamin ko kung saang section ba ako papasok. Wala na akong nakikitang mga studyante sa hallway, siguro nasa kanya-kanya na silang classroom.

Nahuli yata ako at mukhang late na.

Pagkarating ko sa tapat ng pinto ng principals office ay kumatok ako bago pumasok. Pagpasok ko ay bumati muna ako rito saka tinanong ang section ko. Nang malaman na ay saka ako umalis at nagsimulang hanapin ang room ko.

Nasa pinakadulo ito malayo sa mga building na nadadaanan ko at mukhang late na talaga ako dahil base sa mga room na nadadaanan ko ay may mga guro na at nagsisimula ng magturo. Nang nakita ko na ay agad akong lumapit dito at nang nasa tapat na ng pinto ay kumatok ako.

Bumukas naman ang pinto at isang lalaking guro ang bumungad sa akin. Nagtataka itong nakatingin sa akin na para bang hindi niya talaga alam kung bakit ako narito. Para matapos na ay sinabi ko nalang na isa akong transferee at dito ang section na ibinigay sa akin ng principal.

"Sigurado ka ba diyan, Miss?" paninigurado ng guro.

"Opo, Sir, kahit tingnan mo pa, ito talaga." sagot ko sabay bigay noong papel na may nakalagay ng section ko. Tinanggap naman niya ito at tiningnan.

"Sige, pero sandali lang ah, tatawagan ko muna ang principal at itatanong kung sigurado ba talaga siya rito." Sabi niya kaya tumango ako.

Bakit pa kailangang siguraduhin kung pweding papasukin na ako? Ano ba 'yan!

Lumabas muna siya sa room saka naglakad ng medyo hindi naman malayo sa akin at dinukot ang kanyang cellphone sa bulsa at saka may kung anong tinipa dito at tinawagan.

Bakit kaya parang hindi siya makapaniwala na mapunta ako sa sectiong ito? Ano bang meron dito at kailangan pa talagang siguraduhin na dito talaga ako papasok?

Mga ilang minuto pa silang nag-usap bago ibinaba ang kanyang cellphone saka lumapit sa'kin. "Tara na, Miss, at nang maipakilala na kita sa mga magiging kaklase mo." sabi niya at naunang pumasok sa loob saka ako sumunod.

The Only Girl In The Section Full Of BoysOn viuen les histories. Descobreix ara