Chapter 18.

442 29 0
                                    

Chapter 18. Ranzel's pov.



Matapos ang nangyari kahapon hanggang sa paghatid namin kay Kiesha sa kanila ay hindi kami nagpansinan. Nagtataka pa nga ang mga kasama namin pero hindi naman sila nagtanong.

Mag-isa ako ngayong naglalakad patungo sa park at umupo agad sa bench na nakita ko. Gusto ko kasing makapag-isip-isip na walang nag-iistrorbo sa akin. Sakto namang walang mga tao ngayon dito kaya tahimik ang paligid.

Iniisip ko ang ginawa ko kahapon kay Kiesha, kung ano ang nasa isip ko at ginawa ko iyon.

I kiss her totally in her lips in one and a half minutes. Gusto ko mang itanggi ay hindi ko magawa dahil may parte sa akin na nagustuhan ang ginawa ko.  At habang iniisip ko iyon ay buminbilis ang tibok ng puso ko.

Nasa kalagitnaan na ako ng pag-iisip nang biglang may dumating na mga armadong lalaki. Hindi ko sila kilala pero papalapit sila sa kinaroroonan ko. At masama ang kutob ko sa kanila.


"Ikaw ba si Ranzel Munterial?" Tanong ng isang lalaki na sa aking palagay ay siyang lider.


"Oo, ako nga. Bakit?" Sagot ko at tumayo.


"Sumama ka sa amin.

"Para ano?"

"Wala ng tanong-tanong. Sige, dalhin niyo na iyan." Utos niya at tumalikod.

Agad namang lumapit sa akin ang dalawa niyang kasama at hinawakan ako sa magkabilaang braso.

"Tika, sandali. Saan niyo ako dadalhin?" Pigil ko at pumiglas kaya nabitawan nila ako.

"Sinabi ng huwag ng magtanong eh."

"Bakit ba? Ano bang kailangan niyo sa akin. Hindi ko rin kayo kilala. Wala rin akong natatandaang may atraso ako sa inyo."

"Ikaw wala, pero ang kaibigan mong si NK meron, kaya kung ayaw mong masaktan ay sumama ka nalang!" Sabi niya.



NK? Si Nyhl Kiesha ba ang tinutukoy nila?

Kung ganon ay bakit ako ang pilit nilang kinukuha ngayon?



"Eh, kung ayoko?"

"Ayaw mo? Sige, bugbugin 'yan!" Utos niya sa apart na kasama niya na sinunod naman ang kanyang utos.

Binigyan ako ng suntok ng isa pero mabilis ko iyong inilagan at siya ang sinuntok ko sa panga. Sinipa ko naman ang isa na susuntok din sana sa akin. Sinalag ko rin ang sipa ng isa at ako ang sumipa sa kanya.


Shit!

Wala akong dalang weapon ni isa.


Napaatras ako nang maglabas sila ng kutsilyo. Sabay na sumugod ang tatlo at tinangka akong pagsaksakin na iniiwas-iwasan ko. Agad kong hinuli ang kamay ng isa at sinuntok siya saka siniko at sinipa ang dalawa pa, at sinuntok na may kasamang sipa ang isa pa na sumugod.

Bumagsak ang apat at namimilipit sa sakit. At ang akala ko na tapos na ay hindi pa pala dahil may paparating na namang mga armang armadong lalaki na bilang ko ay nasa sampu. May dala-dala rin silang pamalo at agad na sumugod ang lima sa kanila sa akin.



Shit! Mag-isa lang ako.

Kaya ko ba sila?


Agad akong umilag sa palo ng isa at binigyan siya ng sipa at suntok. Pero agad din akong napaatras ulit nang tinamaan ako ng isa ng dala niyang pamalo, at nang papaulit pa ulit niya ako ay agad ko siyang sinipa. Inilagan ko rin ang isa na papalo sa akin pati ang isa pa at patalon na sinipa ang dalawa pa.

The Only Girl In The Section Full Of BoysWhere stories live. Discover now