Chapter 15

396 27 0
                                    

Chapter 15.   Ranzel's pov.

"Sige guys mauna na ako sa inyo, kita nalang tayo ulit sa school bukas." Paalam ko sa mga kaibigan ko.

Na dito kasi kami sa plaza ngayon, sa may court kung saan nakalaro minsan ng mga kaibigan ko si Kiesha ng basketball. At gaya rin ng aming nakasanayan ay naglaro ulit kami ng basketball dito kaninang umaga hanggang sa naabutan na kami ng gabi.

"Sige, Ranzel, ingat nalang," sabi ni Nazzer.

Tumango lang ako sa kanya at sumakay na nga sa aking sasakyan. Bumusina pa ako sa kanila bago nagmaniho pauwi.

"Bye!"

"Ingat!"

"Kita nalang tayo bukas!"

"Ikamusta mo ako sa papa mo!"

"Kami rin!"

Rinig ko pang sigaw nila habang papalayo ako. Pagkaparada ko ng aking kotse ay napansin ko agad ang kotse ni dad na nakaparada na rin, tiyak akong nasa loob na siya.

Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay nadatnan ko naman siya sa sala at nakaupo sa isang single sofa habang nakatuon ang paningin sa laptop at nagtitipa. Lumapit ako sa kanya nang hindi napapansin.

"Good evening, dad." Tumigil naman siya sa kanyang ginagawa at tumingin sa akin. Tumigil ako sa gilid niya at inabot ang kanyang kamay. "Mano po," at inilapat ang likod ng kanyang palad sa aking noo.

Ganyan ako sa tuwing umuuwi sa bahay at naabutan siya, O di kaya'y sa tuwing umuuwi siya, nagmamano ako.

"Good evening din sa iyo. Ginabi ka ata? Naunahan pa kita sa pag-uwi. Saan ka galing at pawis na pawis ka rin?"

"Doon lang po sa plaza, dad, naglalaro ng basketball kasama ang mga kaibigan ko."

"Kasama si Miss Kiesha?"

"Po?" Gulat at may halong pagtataka na tanong ko.

Bakit naman nasali si Kiesha rito?

"Bakit naman nasali si Kiesha, dad?"

"Diba sabi mo kasama mga kaibigan mo? Magkaibigan kayong lahat ng mga kaklase mong lalaki, at kaklase mo na rin si Kiesha, hindi mo ba siya kainigan?"

"Oo nga, dad, magkaklase kami pero hindi siya kasali. Ang mga kaklase ko lang na sina Nazzer ang kasama ko kanina."

"Ganon ba? Hindi mo naman kasi nilinaw."

Nasisi pa ako?

"Hindi naman siguro dapat laging malinaw ang sasabihin, dad."

"Anong hindi? Kailangan iyon para madaling maintindihan ng iyong kinakausap o sinasabihan. Hindi natin alam, iba na pala ang pagkakaintindi at ang nasa utak nila." Paliwanag pa niya habang nakakunot noong nakatingin sa akin.

"Aba'y kasalanan na nila iyon kung iba ang nasa utak nila." Hindi nakatingin sa kanyang bulong ko.

"Narinig ko 'yon!" Nagulat naman ako sa pagsigaw niya.

"Hay.. Bakit ko ba nakalimutan na malakas pala pandinig nito."

"Ranzel!"

"Dad!"

"Makinig ka sa sinasabi ko."

"Yeah, yeah, whatever."

"Ranzel!"

"Arg! Dad, please, I'm tired and I want to take a bath."

"You--!" Hindi niya tinuloy ang kanyang sinabi at nakapikit na bumuntong hininga nalang. "Okay, go ahead." Hindi nakatinging turan niya.

The Only Girl In The Section Full Of BoysOù les histoires vivent. Découvrez maintenant