Chapter Four

2 1 0
                                    

An excerpt...


Chapter Four

"BAKIT MAS PINILI MONG ikaw lang ang magbakasyon dito?" tanong sa akin ni Kim. Naghuhugas ako ng pinggan. Siya, nanonood ng TV.

Kailangan kong sumagot ng, "Ha?" para ipaalala sa kanya na nagtanong na rin siya sa 'kin ng ganoon kahapon at nasagot ko na 'yon. Hindi ba niya naiisip na kaya o ayaw sagutin ng isang tao ang isang tanong ay dahil ayaw niya talaga? Kailangan ko pa ring sagutin ngayon, pero dapat hindi sarcastic. "Biglaan 'to, eh."

"Ah, gano'n?"

Patapos na rin ako. Tumayo siya. Kumuha ng tubig sa Frigidaire habang hawak ang baso. Saka siya lumapit siya sa 'kin. "So, engaged ka nga?"

Ano ba ang gusto ng babaeng ito? Type niya ba ako?

Kung meron lang mga batang matatabil sa sala ko, malamang nag-chorus na ng, "Assuming ka, totoy!" Kasunod ang drum roll. Pero masuwerte ako dahil wala.

Nitong nakaraang dalawang araw, ang hirap sa akin na sumagot ng simpleng "oo" at "hindi." Badtrip naman, o!

"Oo, engaged na 'ko," sagot ko na lang. Bahala na. Nakaka-ilang 'bahala na' na ba 'ko? Ang sarap idugtong ng, "Bakit nanghihinayang ka?" Siguradong magmumukha akong napakaguwapo no'n.

Pero, teka, guwapo ba ako? 'Sabi sa akin ni Kim dati, guwapo raw ako. Tingin ko, kailangan niyang sabihin 'yon sa akin kasi ako ang boyfriend niya at obligasyon ng girlfriend o boyfriend na bolahin ang mga partners nila. Kasi, siyempre, ginusto mo siya.

Necessity?

Puwede rin.

Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay kong basa. Binaba niya ang baso niya. Gusto kong magkamot. Huhugasan na naman 'to. Sayang ang tubig.

"Ang ganda ng singsing," puna niya. Tinaas niya ang kamay ko at tinitigan ang singsing.

Ano ang epekto ng kamay niya sa 'kin? Gusto kong kunin ang kamay ko sa kanya, gusto kong tuyuin 'yon, para haplusin ang pisngi niya, ikiskis ang kamay ko sa baba niya. Pagkatapos ay gawaran ng masuyong halik. Napatitig ako sa mga labi niya. Nakagat ko ang ibabang labi ko.

Ang init!

Disrobe And Doubts by Rill MendozaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang