Chapter Eight

2 1 0
                                    

An excerpt...


Chapter Eight

NANG TUMAYO SI KIM PARA maghugas ng kamay ay nagsalita siya, "Kaya pala ayaw kong umalis ka kahit bumili ka lang sa grocery. Akala ko natatakot lang ako sa mga taong manggagahasa sa akin. Hindi pala. Mahal na pala kita."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Kim. Naguguluhan ako. Sobra. Para akong na-istatwa. "H-ha?"

"Narinig mo nang malinaw ang mga sinabi ko. Ako, m-mahal mo ba?"

Lumunok ako. Baliktad na nga yata ang panahon. Babae na ang nagtatapat sa lalaki. Pero okay lang naman 'yon, 'di ba? Sino ba kasi'ng may sabing lalaki lang ang may karapatang manligaw? Na lalaki lang ang binigyan ng access para magtapat ng nararamdaman? Sino ba ang nag-imbento no'n?

"B-bakit?"

"Anong 'bakit?' Ang gusto kong sagot ay 'oo' o 'hindi' lang."

"Ah, hindi kita maintindihan. B-bakit ganito? Ang gulo. Naguguluhan ako. Hindi mo yata alam ang mga sinasabi mo. Oo, m-may nangyari na sa 'tin. Pero pareho nating gusto 'yon. Sumasakit ang ulo ko, Kim."

"'Yon na nga 'yon. Pareho nating ginusto 'yon. Ibig sabihin, mahal natin ang isa't isa. Mahal mo 'ko, 'di ba? Hindi mo maintindihan? Mahal nga kita. Mahirap ba 'yon? Mahirap ba intindihin 'yon?"

Bakit parang napakadali sa kanya ang ganito? Napakadali sa kanya ang magtanong sa akin nang ganito. Nang ganito ka-cheesy.

"Lilipas pa ang maraming taon. Marami pa tayong makikilala. Libo pang ink ang kakailanganin sa pag-print ng kalendaryo. Libo pang baterya para sa mga orasan. Alam kong magbabago pa 'yang mga sinasabi mo pagdating ng panahong 'yon. 'Wag tayong magpadalos-dalos." Hindi ko alam kung tama ba iyong mga sinabi ko. O baka, natatakot lang ako na iiwan din niya ako tulad nang ginawa ng isang Kim sa 'kin.

"Hindi ako nagpapadalos-dalos. No'ng umagang nakita kita, no'ng umagang pumasok ako sa bahay mo. Siguro mahal na kita no'n. Siguro. Tapos nitong mga nakaraang araw, napatunayan kong totoo 'tong nararamdaman ko. Mahal kita. At wala akong ibang lalaking gustong makasama maliban sa 'yo."

"Sigurado ka?" Nakagat ko ang ibabang labi ko. Sa tingin ko, hindi siya sigurado. Pati ako, hindi sigurado. Mahal ko ba siya? Ano ba ang naging sukatan ko para masabi kong mahal ko ang isang tao?

Tumango si Kim.

Nakalimot na ba 'ko? Wala na ba ang isang Kim na nanakit sa puso ko? Wala na ba ang mga duda at pangamba ko? Hindi ko alam. Ah, puro ako 'hindi ko alam.'

"Kim, hindi pa yata ako nakakapag-move on..." Tama ba ang sinabi ko? Hindi ba ako nagmumukhang binabae sa harap niya?

Suminghap siya pagkatapos ay nagsalita ulit. "Seb, kahit na hindi mo balikan ang nakaraan... babalik at babalik nang kusa 'yan hangga't hindi mo binibitawan."

Tama si Kim. Pero paano ba bumitaw? Paano ko 'yon gagawin?

"Naiyak mo ba 'yan noong iniwan ka niya?" Tumutubig na rin ang mata ni Kim.

"O-oo," sagot ko. Ano naman kung malaman niyang umiyak na 'ko? Tutal, alam naman niya ang lahat. Wala na akong maaaring maitago.

"Saan? Kanino?"

"S-sa kuwarto. Ako lang mag-isa."

"Hindi ko pa yata 'to nasasabi sa 'yo. Hindi mo ba alam na mas maigi kung may isang taong mahihingan mo ng payo? O 'yong taong ibibigay ang balikat niya sa 'yo para doon ka umiyak? Alam mo ba 'yong 'no man is an island?' Walang taong kayang mabuhay kung mag-isa lang sa isang isla. Kailangan niya ng karamay. Kailangan niya ng ibang tao para maalis ang pait, sakit at poot sa dibdib niya. Ako 'yon, Seb. Ako si Kim. Hindi ako 'yong Kim na nanakit sa 'yo. Hindi ko kayang gawin 'yon sa 'yo. Siguro, tadhana 'to. Tadhana 'yong nagdala sa 'kin dito para makilala kita.

Disrobe And Doubts by Rill MendozaWhere stories live. Discover now