PROLOGUE

25 2 0
                                    

An excerpt...


Prologue

NAPALUNOK AKO NANG GAGAPIN ni Kim ang mga kamay ko na nakalapag sa mesa. Napatitig ako roon saka nag-angat ng mukha. Nasa isang sikat na restaurant kami ngayong gabi. Bago siya magsalita ay malapad na ngumiti muna siya sa akin.

"I'm so excited to see you tomorrow at the altar. Wearing..."

Pinutol ko ang sasabihin ni Kim sa pamamagitan ng pagdikit ng hintuturo ko sa mga labi niya. Sinundan ko 'yon ng matamis na ngiti. "Sshh. Enough of exchanging sweet words. Reserve them for tomorrow."

"You know these sweet words won't ran out. I love you, Seb..."

"I love you, too..."

Pagkatapos no'n ay kinintalan ko siya ng halik sa gilid ng kanyang mga labi at lumunok. Sobrang saya ko, dahil sa wakas, ikakasal na kaming dalawa. Sa loob ng ilang taong paghihintay, heto na, mangyayari na. Ilang oras na lang.

Hindi ko alam kung magiging maayos ba ang tulog ko mamaya dahil tulad ng palagi ay siya lang ang nasa isip ko—si Kim.

Kung sa mga pelikula, ang mga babaeng malapit nang ikasal ay sobrang saya ang nararamdaman, ganoon din ang mga lalaki. Ganoon din kami. O kaya mas doble pa ang sayang nararamdaman namin.

Ilang taon din kaming nagplano para sa aming dalawa. It's now a relief. Pero mas excited ako sa susunod pang buwan at taon na kasama si Kim.

Pagkatapos naming kumain ay marami pa kaming napagkuwentuhan. Kung ano-ano lang. Kalahati yata ng pag-uusap namin ay nauuwi sa titigan. Mahal na mahal ko siya. Siya lang ang babaeng niyaya kong pakasalan. Noong araw na nakita ko siya ay alam ko nang nag-iisa siya, na bukod tangi siya. Na walang ibang babae na makakapagpasaya sa akin kundi siya lang.

Sobra ko siyang nari-respeto at walang oras o minuto ang lumilipas na hindi siya sumasagi sa isip ko.

She's the one, she's really the one.

Wala akong ibang babaeng hihintayin sa altar kundi si Kim lang. Wala na akong ibang babaeng mamahalin kundi siya. Masasabi kong napakasuwerte ko sa kanya dahil sa maraming bagay at um-oo siya sa alok kong kasal sa kanya.

Noong um-oo siya, walang pagsidlan ang kaligayahan ko. Ako na yata ang pinakamasuwerteng lalaki sa mundo. Bukas nga ay kasal na namin. Hindi na yata ako makapaghintay. Daig ng excitement ko ang pagdalaw ng antok ko sa 'kin. Hindi ko yata magagawang ipikit ang mga mata ko dahil nangangamba akong baka paggising ko ay late na. O 'yong... ayaw kong ang bride ko pa ang maghintay sa akin sa simbahan.

Hinatid ko si Kim sa bahay nila. "Tumawag ka kapag nakauwi ka na, ha?" paalala niya sa akin nang makababa na siya ng kotse.

"Opo," sagot ko at ngumiti. Gumanti rin siya ng ngiti sa akin.

Nang makarating nga ako ng bahay ay tumawag ako. Sumagot agad siya. "Nakauwi ka na ba?" Iyon ang bungad sa akin ni Kim.

Humugot ako nang malalim na hininga. Marinig ko lang siya ay para nang nagpa-flashback sa utak ko ang magandang mukha niya. Napakaganda ni Kim. At araw–araw akong in love sa kanya. Alam kong ganoon din siya sa akin. Nararamdaman ko 'yon. "Nandito na," sagot ko. "Matulog na tayo." Pero sa tingin ko nga ay hindi ko kayang matulog. I wanted to sleep but I doubt if I could.

"I love you," sabi pa niya.

"Mahal na mahal kita. Hindi na talaga ako makapaghintay sa sasabihin mong 'I do.'

"Yes, I do," natatawang wika ni Kim.

Tumawa rin ako. "You really are excited, huh?"

"Of course. Matagal nating hinintay 'to, 'di ba? I can't wait, baby."

"Me, too."

Pagkatapos niyon ay pinatay na niya ang tawag dahil ayaw daw niyang makita ko siyang may eyebags bukas. Pero ako heto, nakatitig lang sa puting kisame na animo ay nakapinta sa kisame ng kuwarto ko ang magandang mukha niya. Nakangiti siya sa akin.

Nakatulog pa rin ako. Nagising ako ng alas singko. Ilang oras lang yata ang tulog ko. Bago ako bumangon ay tumitig muna ako sa larawan niyang nakapatong sa mesang nasa tabi ko. "This would be our unforgettable wedding, baby," pagkausap ko sa larawan ni Kim. Kuha iyon noong nagbakasyon kami sa Boracay.

May sorpresa ako pagkatapos ng wedding ceremony namin mamaya. Pagkatapos mismo ng kasal namin ay tutulak kami sa Hawaii para sa honeymoon namin. Iyon ang hindi niya alam dahil ang alam niya lang ay doon kami tutuloy sa bahay na regalo ni Papa para sa amin.

Mabilis akong naligo, nagbihis, at bumaba na.

Pagdating namin sa simbahan ay marami na ang mga tao. Kasama ko sina Mama at Papa.

Halos lahat ng kaibigan namin ni Kim ay inimbitahan namin. Gusto namin, ang lahat ng taong naging parte ng relasyon namin ay makasaksi sa pagselyo ng pag-iibigan namin. Ilang minuto lang ay dumating na si Kim. Mas lumapad ang ngiti ko. Humugot ako nang malalim na hininga. Ni hindi ako mapakali dahil excited talaga akong makita siya nang malapitan at gustong-gusto ko na siyang halikan.

Tumunog na ang kampana.

Nagsimula na.

Nagsimula nang maglakad ang mga ring bearer at flower girls. Sunod-sunod na 'yon. At ang pinakahihintay ng lahat—lalo na ako ay ang wife-to-be ko. Napakaganda niya sa suot niya. Mas lalong tumingkad ang ganda niya dahil sa tamis ng ngiti niya... pero agad din namang napalis ang ngiti niyang iyon.

Kumunot-noo ako. Nahulog ang hawak niyang bouquet. Tumulo ang mga luha niya, umiling-iling at pagkatapos ay tumakbo palayo. Parang nagtalo-talo ang iba't ibang tanong sa utak ko. "Kim! Kim!" Halos mamaos yata ako sa kakatawag sa kanya. Hindi ko siya magawang habulin dahil parang tinakasan ng lakas ang mga binti ko.

Disrobe And Doubts by Rill MendozaWhere stories live. Discover now