Chapter Nine

2 1 0
                                    

An excerpt...


Chapter Nine

Ang Masakit Na Katotohanan

Ang totoo.

"AAAH!" HUMAWAK AKO SA SENTIDO ko. Kumikirot 'yon. Wala akong kasama sa kuwarto, dahil si Kim nasa sa sarili niyang kuwarto. Bumukas ang pinto ng kuwarto ko. Inuntog ko ang ulo ko sa head board ng kama ko. Parang binabarena ang bungo ko. Parang may kumukutkot.

"Ano'ng nangyayari sa 'yo?" Tinabihan ako ni Kim at hinawakan ang kamay kong nasa sentido ko. Tinatanggal niya ang kamay ko pero mariin ang pagkakahawak ko sa sentido ko. Hindi ko kayang tanggalin 'yon dahil mas masakit 'yon kapag tinanggal ko. "Hihilutin ko, ano ba?!"

Niluwangan ko ang pagkakahawak ko. Pawisan na 'ko. Panay ang aking paglunok. Pinagmasdan ko siya. Parang nabawasan ang sakit ng ulo. Panay din ang hinga ko.

"Saan pa masakit?" tanong niya, habang hinihilot ang ulo ko.

"D-dito..." turo ko sa bandang bumbunan ko. Umabot na yata doon ang sakit.

Hinilot pa 'yon ni Kim. "Masakit pa ba?" Tumango ako. "Dalhin na kaya kita sa ospital?"

"Ayoko. Mawawala naman 'to. Sa sobrang pag-iisip ko lang siguro 'to."

"I insist. Dadalhin kita sa ospital."

"Nang suot ang robe ko?"

"Siyempre hindi. Ano ka ba? Pipilitin ko nang magsuot ng damit mo. 'Wag kang mag-alala. Hindi ako mag-iinarte sa ngayon." Nababakas ko sa mukha niya ang pag-aalala. Ramdam kong mahal nga niya 'ko.

"Pagkatapos nito, babalik ka na sa pag-iinarte?"

Ngumiti si Kim. "Oo naman," sagot niya.

Ngumiti na rin ako. Pagkatapos, nagtawanan na kami.

♜♚♛

Ang magulo at ibinaon ko na sa limot.

"OO," SABI NG DOCTOR. "Sa isang tao—nangyayari talaga 'yan. Lalo na kapag 'yong nangyari sa kanya ay hindi maganda o sobrang naka-aapekto 'yon sa iniisip niyang naka-set na. Ang tendency, kinakalimutan na niya 'yon. Hanggang sa gumawa ng ibang eksena ang utak niya at ilihis ang mga tunay na nangyari sa pangyayaring gusto niya. 'Yong gusto niyang mangyari, 'yon lang din ang ipo-proseso ng isip niya at 'yon lang din ang nasa isip niya. Walang iba. It is not common pero may mga tao talagang ganoon. O minsan kusang gumagawa ang isip nila ng iba para—dahil sa tingin nila—makabawas 'yon sa sakit na nararamdaman nila sa panahong sa pakiramdam nila ay walang nagmamahal sa kanila. O kaya ay apak na apak sila.

"Kabaliktaran nila 'yong tinatawag na trauma. Dahil ang trauma, palagi mong naiisip 'yong nangyari sa 'yo nang paulit-ulit. Itong sa kanya, hindi. Kinalimutan niya ng kusa 'yon. Sa isang banda, isa itong defense mechanism ng isang tao. This is what we call repressed memory."

Nakikinig lang ako sa doctor. Nasa harap ko si Kim. Pasulyap-sulyap siya sa 'kin. Tumatambol ang dibdib ko. Magka-holding hands kami. Parang ginawa ang mga kamay namin para sa isa't isa. Nabawasan na ang kirot sa ulo at ramdam kong babalik 'yon.

"Doc, ano ho ba ang puwede naming gawin?" tanong ni Kim.

Bumuntong-hininga ang doctor na lalaki, nakasalamin, medyo may puting buhok na. Kilala ko siya, nakalimutan ko nga lang ang pangalan. Parang nakita ko na siya minsan, parang sa TV o kaya sa magazine. "The best thing to do right now is you to monitor him. You should do that," sabi nito kay Kim. Si Kim naman kasi ang kausap niya talaga. Tumango-tango si Kim.

"Walang gamot para dito. Ang kailangan mo lang gawin ay ipaalala sa kanya ang mga tunay na nangyari. The best person to cure it, is the person who had been the reason in this situation he is into. At first, mahihirapan siya. But it's normal. Pero unti-unti, babalik sa alaala niya ang lahat. All the memories you have had. I know you can do it, Miss Kim." Ginagap ng doktor ang kamay ni Kim.

Naningkit ako. Gusto kong tumayo at suntukin ang doctor na nasa harap namin pero parang wala akong lakas sa ngayon.

Ngumiti ng alanganin si Kim. Wala akong naiintindihan sa mga sinasabi ng doktor. Ano ang ipapagawa ng doktor na 'to kay Kim? Hmm. Ewan.

Pagkatapos pa ng ilang usapan, umuwi na kami. Pagdating ng bahay, pinaupo ako ni Kim sa sofa. "Kukuha lang ako ng tubig." Iniwan niya ako.

Pagbalik niya ay may tubig na nga siyang dala. Pinainom niya ako niyon. Napagod ako sa biyahe. Nakatulog agad ako. Naramdaman ko na lang ang makapal na tela na bumalot sa katawan ko.

Disrobe And Doubts by Rill MendozaWhere stories live. Discover now