Epilogue

4 1 0
                                    

An excerpt...


Epilogue

Ang Simula Wakas Ng Kuwento

NAGKAMOT AKO NG ULO. Tumingin ako sa salamin saka ngumiti pagkatapos ay lumunok. Masaya ako dahil ikakasal na kami ngayon ni Kim. Ang drama naming friends-with-benefits sa Batanes ay naging excited-for-the-wedding in Manila. Kinuha ko ang cellphone ko saka tinawagan siya.

Agad namang sinagot 'yon ni Kim.

"Hello," sabi ko. "I can't wait to see you."

Narinig ko ang pagtawa ni Kim sa kabilang linya. "Me too," sagot niya.

Hindi ko sana ibababa ang cellphone kaso, mini-make up-an daw siya. At kailangan kong mauna sa simbahan. Siguro kung nakikita man ako ngayon ni Kim—si Ex, baka iyak na 'yon nang iyak. 'De joke lang. O siguro, masaya siya para sa 'kin, dahil pagkatapos niya akong iwan ay nakatagpo ako ng isang babaeng itutuloy ang sinimulan namin na hindi namin natapos.

Nag-asawa na rin kaya siya? Nasaan na ba siya? Sana um-attend siya at tingnan man lang niya ako kung gaano ako kasaya ngayon sa nalalapit kong kasal. Si Red pala ang best man ko. Nakauwi rin siya sa wakas.

Sabi niya kahapon, kaya raw yata hindi natuloy ang kasal ko kay ex-Kim ay dahil wala siya sa kasal ko noon. Nakakatawa nga pero masakit 'yon—noon. Ngayon, wala na. Bago na ang puso ko. At wala ng sakit dito.

Hinihintay ako ni Red sa baba. Siya ang driver ko papuntang simbahan. Nang bumaba ako sabi niya, "Ikaw ang guwapong groom na nakita ko."

Ang sagot ko, "'Wag ka ngang bakla. Kapag ikakasal ka, ikaw talaga ang pinaka-poging ikakasal."

Nagtawanan kami.

Ilang minuto lang ay nakarating kami ng simbahan. Marami nang tao. Ngumingiti ako sa mga taong bumabati ng best wishes at tumatango hanggang sa makarating ako sa dulo. Parang ganito ang nangyari dati. Ang pagtatapos lang ang hindi. Ah, hindi naman talaga 'yon natapos.

Ilang minuto lang ang hinintay ko nang umingay na. Dumating na raw ang bride ko. Nakipag-high five sa akin si Red. Gusto kong maiyak, pero pinipigilan ko.

Sa wakas, Lord.

Tumunog ang kampana hudyat na magsisimula na ang seremonya. At ang puso ko naman, 'di mapigilang tumahip sa kaba. Para akong nanginginig. Parang ngayon, dapat sabihin sa akin ni Kim ang paborito niyang, "'Wag kang bakla, Seb."

Nakita ko ang bride ko sa dulo, nakangiti at inaayos naman ang mahaba niyang gown. Napakaganda niya, at sigurado akong mas maganda siya kapag tinanggal na niya ang belo niya at hinagkan ko na siya pagkatapos magsabi ng pari ng, "You may kiss the bride." Ah, pero kahit hindi 'yon sabihin ng pari mamaya, hahalikan ko pa rin si Kim. Nasasabik na ako sa kanya. Parang araw-araw nga akong nasasabik sa kanya. Sabik akong mahawakan siya. Sabik akong makita siya. Sabik ako sa lahat, dahil 'yon sa tinanim ni Kim na kilig sa puso ko.

Tumunog ang pangkasal na tugtugin. Ang lapad na ng ngiti ko. Habang papalapit si Kim, nangunot-noo ako. Ang luhang kanina ko pang pinipigilan ay tumulo na.

"Ayos ka lang, p're?" tanong sa 'kin ni Red.

Tumango lang ako. Saka tinapik niya ako sa balikat. Mas lalong tumahip ang dibdib ko. "S-si Kim... Si Kim?" tanong ko sa sarili ko.

"Ano?" tanong ni Red.

Saka nagbalik ang mga alaala ni ex-Kim sa 'kin. Ang mga taong nasa paligid ko, ang mga taong nasa likod ko, ang taong hinihintay ko roon ay pare-pareho. Mas lalong kumunot ang noo ko. "Ano ba'ng nangyayari?" Umiling ako. Parang may mali. Parang... oo, nangyari na ito pero, bakit parehong-pareho? Something like déjà vu.

Ang naglalakad sa aisle, ang babaeng naglalakad na tinutumbok ang kinaroroonan ko ay ang babaeng minsang nang-iwan sa 'kin sa ere, ang babaeng nanakit sa akin, at ang babaeng nakasama ko sa Batanes ng ilang araw ay ang babaeng ikakasal sa akin ngayon...

Si Kim... Parehong Kim...

Tumatahip pa rin ang dibdib ko. Ano ba ang nangyari sa akin? Bumalik si Kim para ituloy ang kasal namin. Bumalik siya... at sa wakas, matutuloy na ang kasal na pinlano namin noon.

Umaagos na ang luha ko. Si Kim, na papalapit ay malapad ang ngiti. Bumalik na ako sa kasalukuyan... Nang kunin niya ang kamay ko ay hindi ko napigilan ang yakapin siya.

"Bumalik na 'ko," sabi ko.

"Talaga?" gulat na ta1nong niya sa 'kin. "Seb, ako 'to, si Kim. Hindi na kita iiwan. Hindi na. Hinding-hindi na." Umiiyak na rin siya.

"Alam ko, alam ko. Magpakasal na tayo," nang kumalas ako ay naglakad na kami patungo sa altar. Naghihintay na ang pari sa amin. Nakatanggap kami ng masigabong palakpalakan sa lahat ng bisita.

"Sorry," sabi ni Kim.

Umiling ako. Saka idinikit ang hintuturo ko sa bibig niya. "Ikakasal na tayo..."

Tumango siya. Alam na niya iyon. Napatawad ko na siya. At ang kasal na ito ang senyales na wala na talagang duda sa puso ko, wala na ang poot, sakit at pangamba.

Hindi ito ang wakas kundi ito ang simula ng aming kuwento...

ang tunay na wakas

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 05, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Disrobe And Doubts by Rill MendozaWhere stories live. Discover now