Chapter Three

2 1 0
                                    

An excerpt...



Chapter Three

NAALALA KO KUNG PAANO ako napunta rito sa Batanes. Bakasyunan ito ng isa kong kaibigan. Isang kaibigang kilala ko na iba sa lahat ng kaibigan ko. Si Red. Kababata ko siya. Wala siya noong kasal ko—na hindi natuloy. Hindi siya nakadalo, nasa America siya para sa isang business trip. Nang gabing sugatan ang puso ko, tinawagan ko siya. Siya lang ang tanging tinawagan ko nang mga panahong 'yon.

"P're, kumusta ang kasal? Best wishes!" Iyon ang bungad sa 'kin ni Red.

Hindi ako nagsalita. Hindi ko alam kung paano sisimulan. Hindi ko alam kung paano sasabihin ang nararamdaman ko.

"Hey!" untag sa 'kin ni Red.

"Hello," sagot ko. "What are you doing?"

"Matutulog na sana. Kaso tumawag ka."

"Sorry kung naistorbo kita."

"It's okay."

"S-Salamat." Nabasag ang boses ko.

"Why? What happened?"

Kilala na ako ni Red. Sa tingin ko nga mas kilala niya 'ko kaysa sa sarili ko. "H-hindi natuloy ang kasal."

"What?!" bulalas niya.

Bahagya kong inilayo ang cellphone sa tenga ko sa sinabi ni Red. Nagulat siya. Kagulat-gulat nga naman talaga 'yon. Ilang kasal na ba ang hindi natuloy sa mundo? Ilang tao na ba ang nakaranas no'n? Iilan lang sa tingin ko. At kasama na ako ro'n ngayon. "She left me at the altar." Para akong batang nagsusumbong sa kanya—na para lang akong inagawan ng candy o ng laruan.

"You mean, Kim?"

Suminghap ako, bilang tugon.

"Oh, Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Sorry to hear that. W-what's your plan now?"

"Hindi ko alam. Magbibigti siguro."

"Are you insane? Sasayangin mo ang buhay mo sa isang tao lang? Maraming ibang bagay ang may mas worth para wakasan ang buhay ng isang tao. 'Yang nangyari sa 'yo, hindi sapat 'yan para magpakamatay ka. Gago ka ba? Mas maraming nagmamahal sa 'yo kaysa sa minamahal mo."

"S-she's not just someone, Red."

"Yeah, I know. Matagal mo siyang kasama. She is the love of your life. But what I am trying to say here, are we not enough for you to live?"

"I am sorry. Ang gulo ng utak ko ngayon. I never felt this way before."

But Red was right. Bakit ko sasayangin ang buhay ko para kay Kim? Pero hindi ba sapat 'yon dahil sinaktan ako ni Kim? Sobra ko siyang mahal. Sobra akong in love sa taong iniwan ako.

"Hindi ko alam ang gagawin," pag-amin ko pa.

"I think, kailangan mo ng bakasyon. Kailangan mong mag-move on. 'Yon ang gawin mo."

"Ni ayaw kong may makausap kahit isa sa mga tao... sa 'yo lang dahil alam kong iba ka sa kanila."

"I think, I should thank you for that." Tumawa si Red. "Pumunta ka sa bahay-bakasyunan ko. Sa Batanes. 'Yon, malayo 'yon. Umiwas ka na lang siguro muna. Doon ka mag-isip ng mga tamang gawin. Hindi 'yong magpapakamatay ka. Akala mo ang daling magpakamatay ah."

"Batanes? I've never been in Batanes. It's too far." Naisip ko, doon sa Batanes, puwede akong magpakamatay. Walang pipigil sa akin. Walang makakakita.

"—But you must bring someone with you. Baka kung ano pa ang gawin mo do'n. Baka tuluyan mo pa ang sarili mo. Please?

"Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi pa yata ako handa para magdesisyon ngayon. At malayo nga."

"Too far... but it's the right place for a person like you. A broken-hearted man. A groom that was being left by his bride. 'Wag mo lang dudumihan ang bahay ko ng dugo mo kapag nagpakamatay ka."

"Dapat ba akong mainis sa 'yo?"

Tumawa si Red. "I'll send you the address later."

"Thank you. But I can't promise."

"Kapag nagpakamatay ka, papatayin pa rin kita."

I know he's serious. Ngayon mas lalong natatakot ako na gawin ang bagay na 'yon. I have let myself down, I can't let that to happen to other people.

Iyon ang dahilan kung bakit ako napunta ngayon dito. Salamat kay Red. Mali pa lang sabihing, "Ang bahay ko" dahil hindi naman talaga 'to sa 'kin.

"Kanina ka pa nakatitig sa orasan." Napukaw ang pagbabalik-alaala ko sa sinabing iyon ni Kim.

"Importante ang oras," nasabi ko.

"Mas matagal ang oras kung hihintayin. Pero kung hahayaan mo, hindi mo na lang mamamalayan na ubos na pala, o tapos na ang oras at ikaw na."

Disrobe And Doubts by Rill MendozaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon