Chapter 91

44.8K 1.8K 471
                                    


Gulat kong tinignan si Vile. Sa itsura naman niya ay mukhang hindi siya nantitrip lang. Pero kung iisipin ay isa itong malaking kalokohan.


Si Vile? Si Vile na tinatanggihan ang kiss na hinihingi ko sa kaniya last time ay nanghihingi ng kiss ngayon? Seryoso ba 'to?


"Kiss?" Paninigurado ko pang tanong. Ayoko namang magmukhang assuming kapag bigla ko siyang hinalikan. Mamaya ako pa ang mapahiya at matawag na manyak dito ehh.


"Hmm..." Pagsang-ayon niya at talagang tumango pa.


Napalunok na lang tuloy ako. Isa itong grasya sa malalandi kong hormones. Isa pa bihira lang magsalita ng ganito ang male lead no! Kaya dapat na sulitin at baka hindi na maulit. Hehe!


"Okay!" Nakangiti kong sabi bago hinawakan ang pisngi nito.


Bahagya kong nilapit ang mukha ko sa mukha niya. At isang inch na lang ay maglalapat na ang aming mga labi. Breathe, Carnelia... Kumalma ka!


*gulp*


Nang mahahalikan ko na sana siya ay tsaka naman niya hinawakan ang mukha ko para ilayo sa kaniya. I was like, what the hell?!


"What are you doing?" Malamig na tanong nito sa'kin na kinataas ng kilay ko. Yung totoo, sabog ba 'tong male lead?!


"You said you want a kiss!" Inis ko nang sabi. Sinong hindi maiinis sa sitwasyon na 'to aber?


"Hmm... I want a kiss." Seryoso niyang sabi. Maiinis na sana ako nang makita kong tinuro niya ang noo niya. O–oh?


"Here."


O_O


Napanganga na lang ako sa na-realize. Damn! Gusto niya ng kiss pero sa noo lang, Carnelia! Assuming na naman ang labas mo, bruha!


Pero sino ba kasing malandi ang mag-iisip na yung kiss na hinihingi niya ay hindi sa labi, aber? Kahit sino ay iisipin 'yon, lalo na kung ganoon siya manghingi ng kiss sa'kin!


Aish! Nakalimutan ko na kakaibang male lead nga pala ang kasama ko ngayon. Kaya hindi na dapat ako magtaka na may mga bagay na naiiba siya.


Isipin mo kung ibang male lead 'yon ay mas sasaya pa sila na nakapuntos sila, dahil yung kiss sa pisngi na hinihingi nila ay naging kiss sa labi. Tapos siya? Aiya! Ayoko na lang magsalita dahil lalong sasakit ang ulo ko.


Natigil ako sa pagrereklamo sa isip ko nang maramdaman na may pumitik sa noo ko. Sinamaan ako ng tingin ni Vile bago nagsalita na muntik ko nang ikatawa.


"My kiss..." Sabi nito na masama na ang tingin sa'kin ngayon.


Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangiti nang marinig ang boses niya. Nagmumukha kasi siyang bata sa paningin ko kahit pa na ang laki-laki niyang tao.


Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now