Chapter 73

57.2K 3.5K 2.8K
                                    

THIRD PERSON'S POV



Masayang nanonood ang bawat-isa sa kanilang mga tahanan nang bigla na lang namatay ang ilaw sa venue ng event. Gulat at pagtataka ang naging unang reaksyon ng mga tao sa biglaang pagkawala ng ilaw. Ngunit hindi pa sila tuluyang nakakabawi sa pagkagulat ay tsaka naman nila biglang narinig ang sunod-sunod na putok ng baril.




Lalo lang nadagdagan ang takot at kilabot na naramdaman nila nang marinig nila ang iyakan at sigawan ng mga bisita. Hindi nila nagawang makakilos at nanatili lamang na nakatingin sa mga screen ng tv, cellphone at mga computer nila.




Maging ang mga taong naglalakad sa mga kalsada ay napatingin din sa balita nang marinig nila ang putukan ng baril sa live broadcast ng hotel. Samantala sa mga streaming sites naman ay sunod-sunod na komento ang pinakawalan ng mga tagahanga ng iilan sa mga noble na dumalo sa event.




BL_is_life: "W-what just happened?!"



VVC_PRESIDENT: "O-oh no! Lady Heavenhell is still there!!!"



DeyVen4life: "Bakit may mga putok ng baril?! Huwag niyong sabihin na may mga masasamang tao sa buong hotel?!"



Who_is_Secretary_Chen21: "Mukha nga! Sa naririnig pa lang natin ay puno na ng pagsabog ang lugar! Tumawag kayo ng tulong!"



You're-dead: "Sigurado naman na papunta na ang tulong mula sa Military at Government Sect. Sana nga kung ganon!"



My_Queen_Heavenhell: "Paano Yan nasa loob pa si Lady Heavenhell?! Is she okay?! Wala akong makitang kahit ano sa screen!"




Sa pagkakataong iyon ay ang camera na ginagamit sa pang-stream ng mga reporter at news station ay isa-isa nang bumagsak sa sahig. Ngunit ang nakakapangilabot sa mga nanonood ay nagana pa rin ang mga camera, kung kaya't naririnig at nakikita pa rin nila ang nangyayari sa loob.




Pero dahil sa nakabagsak na ang camera sa sahig ay kitang-kita nila ang mga katawan ng mga bisita na nakabulagta na sa sahig at wala nang buhay. Nagmistulang massacre ang kanilang nakita sa nangyari at ang iba pa nga sa kanila ay hindi maiwasang magsuka.




Pinaalis na rin ng mga nakakatanda ang mga bata mula sa panonood dahil masiyadong madugo ang senaryong na pinapalabas sa kanilang mga telebisyon. Isa pa doon ay marami ang natakot nang malaman nila na malaki ang tsansa na maging ang mga taong may hawak ng camera ay patay na rin ngayon.




Dahil sa nangyari ay agad na kumilos ang mga nasa Government at Military Sector at agad na pinaputol ang mga live broadcast sa lahat ng platform sa social media. Mabilis din na nagpadala ng mga kaniya-kaniyang tauhan ang dalawang sektor para aksiyunan ang gulong nangyari sa loob mismo ng isang Government Property.




Nagdagsaan din ang mga tao na nanonood ng mga balita sa kanilang mga telebisyon upang makakuha ng impormasyon sa kasalukuyang nangyayari sa loob ng hotel.




Being-a-beauty-is-a-crime: "Kinakabahan ako! Sa tingin ko ay napakaraming namatay ngayon sa hotel!"



Walang_forever666: "Sigurado na 'yon no! Pero kamusta kaya sina Lady Janice, Lady Lorraine at Lady Arianna?"



Jerry_Jelly: "Hindi lang ako naka-attend ng event ay may nangyari nang masama! Kamusta na kaya si Lady Heavenhell?! @Tom_is_Talking"



Tom_is_Talking: "Huwag kang feeling importante! Baka kapag dumalo ka diyan ay ikaw pa maunang mamatay."



Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now