Chapter 16

52.8K 2.9K 938
                                    

"Trider..." 




"Oh my gosh! Trider is fucking here!"




"Do you know him, Lady Heavenhell?" Dinig kong tanong sa'kin ni Pira nang makalapit siya sa tabi ko.





"No, but I'm interested to that guy."





"Interested in a romantic way or in a different way?" Napatingin ako kay Pira nang marinig ko ang tanong niya at talagang tinanong niya yan nang naka-poker face ahh. Mukhang joke talaga ang babaeng 'to.





"Kilala mo ba ang binatang binubugbog, young miss? Kawawa naman!" tanong ng babaeng nasa mid-40's.




"Kung kawawa naman pala bakit hindi niyo tulungan?"




Napataray na lang ako sa isipan ko dahil sa kaduwagan ng mga tao sa mundong 'to. Sa nakikita kasi nila ay may koneksyon ang mga taong bumubugbog kay Trider kaya walang balak tumulong sa kaniya. Tsk! Kung hindi ko lang kailangan ang lalaking 'to ay hindi ko ipapasok ang sarili ko sa gulong 'to.




Napatingin na lang ako sa tatlong lalaking may malalaking katawan na kasalukuyang nagtatawanan nang makita na nakahandusay siya sa sahig. So, ito pala ang mga lalaking magdadala kay Trider sa slave auction na gaganapin next week. 



Sa pagkakatanda ko sa novel ay dahil sa hindi nakapagbayad ng utang si Trider ay dinala siya ng grupong pinagkakautangan niya sa auction na para sa mga slave.




 
Ang slave auction kasi ay isa sa mga entertainment ng mga mayayaman kung saan nagpapataasan sila ng mga kayamanan nila. Samantala, ang iba ay ginagawang alipin, punching bag, o sex slave ang mga nabibili nilang tao sa auction. 



At dito nga nabili ni Lucas si Trider nang makita nito na may potensyal siya sa pakikipaglaban. Ewan ko kung may superpower o may God's eye itong second male lead ng novel ehh! Pero ang sabi sa point of view ng animal noong makita niya raw ang mga mata ni Trider ay may naramdaman siyang something hahaha! Just kidding! Sa totoo lang nang makita niya ang malamig nitong mga mata ay nag-init ang kaniyang katawan at sinabing, "He's the one!".




"Pffft! Hahahaha! I'm serious! Yan talaga ang nakalagay sa novel, kaya hindi ko alam kung joke time lang 'yon ng author o seryoso siya. Like duh? The tyrant second male lead saying those hilarious words is beyond my imagination! I was like, what the fuck author? Are you serious? Is this a joke?!"



 
Hindi na rin ako nagtaka na naging memes 'yon sa internet noong high school ako. Kaya simula noon ay maraming naging fans ang character ni Lucas pumangalawa sa male lead na si Vile.




"Lady Heavenhell! Are you okay?" Nag-aalalang tanong sa'kin ni Pira. 



Oh? Nakalimutan ko na nasa gitna nga pala kami ng away ngayon. Geez! Mukha tuloy akong tanga dito na nakatulala sa kanila. Good thing ang pagiging tanga talaga ang role ni Heavenhell sa nobela. Tsk!





"Yeah, I'm fine..." Seryoso kong sabi at lumapit sa tatlong lalaki.

Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia Bossजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें