Chapter 50

52.3K 2.7K 667
                                    

CHIARA'S POV




~At the Capital, inside Chiara's boutique




Nakangiti akong humaharap sa mga customers na pumapasok sa store habang ginagawa ang mga bilin sa'kin ni Lady Heavenhell. Kasama kasi sa binigay niyang proposal sa'kin ay ang tinatawag niyang marketing plan. Doon nakalagay lahat ng mga dapat kong gawin sa store at kung paano patakbuhin ang negosyo.




Sa umpisa ay nagulat ako sa mga binigay niyang papel sa'kin pagkatapos kong pirmahan ang partnership contract. Kalakip kasi ng mga papel na 'yon ay ang buong plano para sa boutique. Kaya naman nakakagulat isipin na masiyado siyang preparado na para bang alam na alam niya na ang mangyayari sa hinaharap.




Ang nakakapagtaka pa ay alam niya rin kung saan ako magaling at kung anong mga hilig kong disenyo sa mga ginagawa kong damit. She was like a fortune teller!




Isa pang kinagulat ko ay ang mga fake rumors na nakikita ko sa internet tungkol kay milady. Marami akong nabasa na isa raw siyang kahihiyan sa pamilya Caventry at baduy raw itong magsuot kaya naman agad kong hinanap ang mga pictures sa internet.




Napanganga na nga lang ako sa mga nakita! Hindi ko akalain na ang taong nagbigay sa'kin ng mga designs ngayon ay kinilala pala ng lahat bilang baduy at walang fashion sense.  My God! How is this possible, right?




May katotohanan man ang iba sa mga balita na nakita ko pero hindi ko matanggap na maraming magsasabi na masama ang ugali niya.




She's an angel, you know! Siya lang ang tumulong sa'kin sa dami ng tao sa mundong 'to at siya lang din ang taong nakakita na may potensyal ako. Hindi ko akalain na sobra niya akong pinagkakatiwalaan na para bang alam na alam naman niyang magiging successful ako balang araw.




"Well, I just feel honored that she's like that to me. A noble like her is one of a kind."




Napailing na lang ako sa naisip at pinagpatuloy ang pagtatrabaho. Sa ngayon ay may pito kaming tauhan sa store. Bukod sa'kin at sa guard ay merong apat na sales lady at dalawang cashiers na siyang tumatanggap ng mga bayad ng customers.




Sabi kasi ni Lady Heavenhell ay nagsisimula pa lang kami kaya maigi na konting tauhan muna ang kunin namin. Tutal nasa parte pa lang kami kung saan pinapakilala pa namin ang boutique at ang mga produktong tinitinda namin mula sa tao.




Once daw na magkaroon na ng trust ang customers na reliable at may quality ang product ay tsaka kami magkakaroon ng maraming orders to the point na kailangan namin magkaroon ng branches sa ibang lugar.




Isa pa sa sinabi niya ay kailangan ko daw gumawa ng mga designs na hindi pa naiisip ng ibang designers, kaya naman napaisip ako kung paano ko yun gagawin. Basta sabi niya lang ay ako nang bahala kung paano ko yun magagawa.




"Hayys! Ang hirap talaga kapag sobrang talino ng amo mo dahil hindi mo talaga maiintindihan ang takbo ng utak nito."




"Excuse me..."




Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang may lumapit sa'kin na dalawang napakagandang babae.




Wait... Hindi kaya sila yung tinutukoy ni milady kanina na kung nakita ko raw? Sila lang kasi yung pinakamagandang customers na nakita ko sa buong boutique.




"Hindi naman siguro..."




"Anong maitutulong ko sa inyo, milady?" magalang kong tanong sa dalawa. Sa itsura kasi ng dalawang 'to ay malalaman mo na kaagad na isa silang noble ladies na kabilang sa higher society kaya nararapat lamang na igalang ko sila kung ayaw ko pang mamatay.




Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now