Chapter 88

70.3K 4.4K 6.6K
                                    


JANICE'S POV

Ngayon ang pang-apat na araw ng training namin para sa darating na event next week. Kung kaya't aligaga rin ang ibang mga trainees sa paghahanda ng kanilang mga sarili. Hindi kasi maipagkakaila na pahirap nang pahirap ang mga pinapagawa sa'min nila Lieutenant.

Yun din ang dahilan kung bakit maraming mga nagrereklamo na trainees ngayon. Bakit raw ang hirap ng mga training? Bakit daw kailangan pa kaming pahirapan, ganoong wala namang giyera na nangyayari kuno sa bansa?

Marami silang sinasabi na balewala lang sa'kin, dahil una sa lahat sila ang pumili na maging sundalo. Kung ayaw naman pala nilang mahirapan, edi hindi sana ito ang kinuha nilang kurso diba? Tsk!

Marahil ay totoo nga na mahirap na ang mga pinapagawa sa'min, pero masasabi ko pa rin na hindi naman siya magiging problema sa'kin. Sanay na kasi ako sa mga ganitong klaseng pahirapan dahil normal na sa pamilya namin na sumabak sa training kapag nasa sampung taon ka na.

Siguro kung may nakakabigla man sa mga nangyayari ngayon, yun ay kung paano naisip ni Heavenhell ang ganitong klase ng training. Sa pagkaka-alala ko naman ay hindi siya kailanman nasali sa kahit na anong may kinalaman sa military.

Isa pa ay marami akong naririnig noon na hindi siya marunong makipaglaban at ayaw niyang nasasali sa usaping mafia. Kaya paano naman yun nangyari, diba?

Bukod pa doon ay lagi kong nakikitang nag-uusap si Heavenhell at si kuya. Hindi ko lang pinapansin kasi baka nagkataon lang. Pero patagal nang patagal ay lalong nagiging wirdo sa patingin ko ang mga nangyayari.

Ayaw na ayaw ni kuya na kumausap ng ibang tao maliban sa'kin, kay kuya Lawrence, at sa iba pang miyembro ng pamilya namin. Hindi rin siya mag-aaksaya ng panahon na kumausap ng ibang tao lalong-lalo na kapag mas bata pa sa'kin na kapatid niya, okay?!

"Well, I'm one year older than Heavenhell so I'm still older than she is, right? *Sighs* Pakiramdam ko sasakit lang ang ulo ko kapag inisip ko pa ang meron sa dalawang 'yon! Tsk!"

Tinuon ko na lang ang atensyon kay Captain Wood nang marinig na siyang magsalita. Kasalukuyan kami ngayong nasa ilog kung saan gaganapin ang training para sa araw na 'to. Ang ibang mga trainees ay nakapila na ngayon habang suot-suot pa rin ang aming uniporme.

Ngayon na nakikita ko kung nasaan kami ay sigurado na ako na mahihirapan kami sa gagawin mamaya. Makapal kasi ang tela ng uniform namin kaya lalo kaming bibigat kapag nasa tubig na kami. Tsk! Tsk!

"Today's training is called "water survival training." I know that all of you are familiar with this. So, for now, the rest of the remaining 130 trainees will have to tread water for 30 minutes. All you need to do is stay afloat in water until the end of the timer. Understand?" Seryosong tanong ni Captain na sabay-sabay naman nilang sinagot.

"Yes, Captain!"

"It appears to be simple!"

"Yeah, I was a good swimmer when I was in high school!"

"I'm so excited about this!"

"What exactly are you saying? Treading is not as easy as you think. What if you get cramps while swimming?"

"Yeah, right! We need to be careful since we didn't know what was going to happen while we were in there!"

"That's true! I also have the impression that our superior has some surprises in store for us!"

"I'm getting nervous now that you've said that!"

Napailing na lang ako sa mga narinig na bulungan. Kung tutuusin ay malakas din ang pakiramdam ko na may mangyayaring hindi maganda mamaya.

Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now