Chapter 5

60.4K 3.1K 731
                                    

Pagpasok ko pa lang sa probation room ay mabahong amoy agad ang sumalubong sa'kin. Halatang sinadya itong hindi linisin ng mga katulong para pahirapan ako. Tsk! Sigurado akong pakana ito ng bruhildang si Mitch na akala mo inosente pero sa loob ay dinaig pa ang demonyo! 



Nilibot ko na lang ang aking paningin sa buong paligid para ikalma ang sarili. Mabuti naman kahit papaano ay maayos ang itsura ng kwarto, dahil kapag hindi ay magwawala talaga ako! Pero syempre joke lang yun! Masyado pang mahina ang katawan ni Heavenhell, kaya kailangan ko munang ibalik ang lakas ko bilang si Carnelia. 



Sigurado ako na lahat ng kakayahan ko sa kabilang mundo ay kaya kong dalhin sa mundong ito, katulad na lamang na kahit ako si Carnelia ay nasa akin pa rin ang mga talento ni Heavenhell. Okay! That's my first goal while I'm inside this probation room.



Pero ngayon, kailangan ko munang maglinis dahil naiirita ako sa amoy at itsura ng buong kwarto. Mabilis kong sinimulan ang paglilinis mula sa mga bintana hanggang sa banyo. Hindi naman ako nahirapan mag-ayos dahil 'di rin naman kalakihan ang lugar. 



May maliit na bintana na nagbibigay liwanag galing sa sikat ng araw, lamesa, upuan, at may maliit ding kama na sasakto lang sa katawan ko. In short, mukha itong kulungan! Mabuti na lang at kahit papaano ay may banyo dito, dahil 'di na makatarungan kung ang miyembro ng mayamang pamilya ay nakararanas ng ganitong klaseng parusa. 



Pero bilang si Carnelia ay masasabi ko na maayos na 'tong tulugan dahil hindi naman ako maarte. Kumpara nga noon ay mas maganda pa ang kalagayan ko ngayon, kaysa noong nasa kamay ako ng mga dumukot sa'kin. 



Minsan kasi bago pa nila ako bigyan ng pagkain ay sasaktan muna nila ako at pagtatawanan. Tapos ibat-ibang klase ng torture pa ang nararanasan ko araw-araw na dumating sa punto na gusto ko na lang mamatay nang mabilisan. 



*Sigh* Napailing na lang ako at inalis sa isipan ang madilim na nakaraan. Hindi ko pwedeng dalhin dito ang galit na nararamdaman ko dahil masiyadong delikado ang mundong napasukan ko. I need to be careful. 


Pagkatapos kong maglinis ay binaba ko ang bag na pinadala sa'kin ni Pira at hinalungkat ito. Kailangan kong mag-umpisa at kumilos ngayon habang may oras pa 'ko. May isang linggo pa ako bago matapos ang parusa ko at sa mga oras na 'yon ay pababalikin na ako sa main palace. 



Kaya habang wala pang mga matang nakatutok sa mga galaw ko ay kailangan ko nang mag-ensayo. I must train this body as soon as possible! 



Sinimulan ko sa mga warm-up ang training dahil natatakot akong bumigay 'tong katawan ni Heavenhell. Kumpara sa katawan ko noon ay mas mapapadali na lang ang pag-eensayo ko ngayon, dahil higit na mas magaan at flexible si Heavenhell kaysa sa'kin. 



Pagkatapos ko sa mga madadaling ehersisyo ay sinimulan ko nang sumipa at iba pang basic techniques na natutunan ko sa Earth. Bilang anak ng Major General sa military ay mandatory ang training kaya wala akong choice. 



Ang ibig kong sabihin ay talagang pinilit ako ng daddy ko na pumasok sa loob ng kampo para ma-train ako ng personal. Sa umpisa ay ayoko pang sumama dahil aaminin kong isa talaga akong tamad na nilalang. 



Kaya lang wala naman akong nagawa kundi sundin si daddy, dahil hahatawin niya ako ng mahabang stick sa binti para lang sumunod sa utos niya. Pagpasok ko sa loob ng kampo ay naging ayos naman ang training. 


Sa umpisa ay mahirap pero 'di katagalan ay naaliw din naman ako sa pag-eensayo. Lalo na't halos lahat ng kasama ko mag-training ay lalaki at talagang malakas silang tignan. Bilang babae na mahilig manood ng mga action movies ay na-astigan ako sa kanila na dumating sa punto na gusto kong maging kasing lakas nila. 


Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossOnde as histórias ganham vida. Descobre agora