Chapter 35

58.8K 3K 891
                                    

HEAVENHELL'S POV



Kasalukuyan akong nasa rooftop ng maliit na hotel na may anim na palapag na malapit sa mansion ng mga Diaz. Mula kasi rito ay matatanaw mo ang buong lugar kaya perpekto ito sa mga tulad kong balak manood ng live action scene.



Nang matanaw ko kung paano pagbabarilin ng mga Caventry mafia member ang tauhan ng Diaz ay hindi ko mapigilang mapangiti.


'Not bad! These people are well-trained!'


Maging si Mitchel na may hawak na baril ngayon ay masasabi kong magaling din sa pakikipaglaban. Kung ikukumpara ko siya sa mga nakita kong tao na magagaling sa pagbaril ay lamang ng konti ang bruha. Ayoko mang aminin pero malakas talaga ang dating ng babaeng 'to, lalo na at nakasuot siya ngayon ng maikling short with white shirt at boots.


Pinagmasdan ko lang ang galaw niya hanggang sa matanaw ng mata ko si Heleina na walang awa na ginigilitan ng leeg ang mga kalaban.


"Damn! This kid is good!" nakangiti kong sabi habang sinusuri ang paraan niya ng paggamit ng punyal.


Geez! Kung makikita lang ni Heavenhell kung paano pumatay ang kapatid niya ay siguradong magugulat siya ng husto. Sino ba naman ang mag-aakala na ang sweet na batang palaging nag-aalala sa kaniya ay demonyo pala diba?


Ngayon kasi ay nakikita kong nag-eenjoy si Heleina sa tuwing babagsak ang katawan ng kalaban na wala nang buhay. Maging si Mitchel na kasalukuyang nakangisi ay makikita mong masaya sa ginagawa. Well, hindi naman ako nagulat since demonyita talaga ang bruha.


"Wait, is that Lord Caventry?"


Lumapit ako sa railings at tinignan ng maigi ang lalaking nakatayo lang sa gilid na pawang nanonood ng live show. Nang makumpirma na si Lord Caventry nga 'yon agad kong sinuri ang damit nito.


'Sinuot niya kaya ang bulletproof vest?'


Hindi ko kasi masyadong makita ang suot nito kaya hindi ko makumpira kung tama ang hinala ko. Base sa nobela ay mababaril si Lord Caventry laban sa mafia group mula sa Mordovia, pero ngayon ay nauna nilang sugurin ang pamilya Diaz kaya 'di ako sigurado sa mangyayari.


Naglabas na lang ako ng sigarilyo habang tahimik na nanonood ng laban. Napatigil ako nang may marinig na ingay mula sa pinto ng rooftop. Hmm... Someone is coming!


Mabilis akong kumilos at naglakad papunta sa tagong bahagi ng rooftop kung saan hindi matatamaan ng liwanag na nanggagaling sa ilaw ng ibang gusali malapit sa hotel. Wala kasing ilaw dito kaya masasabi ko na maganda itong lugar para sa mga sniper at tulad ko na nagtatago.


"Shit! Bakit sa'kin pa binigay ang trabahong 'to?!" inis na reklamo ng lalaki na kasalukuyan ng naglalakad palapit sa railings.


'He's a sniper from the Diaz family! I'm sure of it!'


Naiiling ko na lang pinagmasdan ang lalaki sa gilid habang busy ito sa pag-aayos ng sniper rifle. Sa itsura ng baril ay malalaman mo agad na malaking pera ang ginastos ng mga Diaz para dito. Nakikita ko kasi ang logo ng weapon company ng mga Eckheart, kaya nasisiguro ko na gustong-gusto na nilang mapatay si Lord Caventry para gumastos ng sobrang laki.


'But I guess, their luck is not good tonight.'


Napailing na lang ako sa naiisip at tinignan muli ang lalaki na nakaposisyon na ngayon. Mukhang handa na siyang bumaril at naghihintay na lang ng signal mula sa partriach ng mga Diaz.


Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon