Chapter 68

62.8K 3.3K 3K
                                    

Nanatili akong tahimik habang pinoproseso ang nangyayari. Hindi kasi ako makapaniwala na may batang kagaya niya na "Villain" ang pangalan. Like duh? Sinong magulang ang nais na matawag na kontrabida ang anak niya?




Although, kakaiba din ang pangalan ko pero understandable na 'yon dahil isa si Heavenhell sa mga importanteng characters ng nobela. Idagdag mo pa na sadyang may sira lang ang author sa kaniyang ulo kaya ganito ang naisipang isulat.




Pero hindi ko akalain na pati sa side characters katulad niya ay ganito kasama din siya magpangalan. Anong kasalanan sa kaniya ng batang 'to para pangalan siyang kontrabida? Aish! Ang author talaga ng nobelang 'to ay sobrang sama ng ugali! Pinahirapan na nga si Heavenhell tapos balak pang magpahirap ng iba.




Atsaka wala akong maalala na may nabanggit na "Villain" na name sa istorya nila Lilian. Kaya masasabi ko na dahil sa pagpunta ko dito sa orphanage ay may mga bago akong nakikilalang characters na wala naman dapat sa eksena.




'Damn! Hindi naman obvious na may konti akong naiiba sa flow ng istorya diba?'




Napailing na lang ako atsaka tinignan ang batang babae sa harap. Sa itsura niya ay hindi ko maisip na isa lang siyang side character ng nobela. Napakagandang bata at bagay na bagay kay Cabell o 'di kaya sa kapatid ni Vance na si Luke.




Itim na itim ang buhok nito, may maputing balat, mahabang mga pilik-mata, pinkish na labi, at ang higit na umagaw ng atensyon ko ay ang kulay emerald green nitong mata. Napakagandang tignan sa kaniya kaya sigurado ako na paglaki nito ay marami siyang maaakit na kalakihan sa pamamagitan lang ng pagtingin sa kanila.


"Why are you staring at me?" Nakataas-kilay na tanong nito nang mapansin niyang nakatingin pa rin ako sa kaniya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Why are you staring at me?" Nakataas-kilay na tanong nito nang mapansin niyang nakatingin pa rin ako sa kaniya.




Geez! Kahit napakataray nitong batang 'to ay hindi ko magawang mainis dahil sa mala-inosente nitong mukha at malambing nitong boses. Yung tipong kahit na naiinis na siya ay hindi mo mahalata dahil sa itsura at tinig niya.




'Aiya! Ito ang tunay na inosente at walang bahid ng kasamaan, Carnelia! You must learn something from this kid!'




"Oh! Nagulat lang ako na may iba pa pala na may kakaibang pangalan tulad ko. It's nice to meet you, Villain!" nakangiti kong sabi at pinilit na magmukhang friendly.




"Kwakaiba din pwangalan mo, big shis?" tanong nung gumanap na reyna kanina.




"That's right! I'm your big sis Heavenhell and it's nice meeting you kids!" nakangiti ko ulit sabi na kinagulat naman ng mga bata.




"H-huh? Ang weird ng pangalan mo big sis!" namamangha na sabi nung ten years old sa kanila.




"Ganon na nga! Pero ngayon sa tingin niyo ba masama ako dahil may "Hell" sa pangalan ko?"




Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now