Chapter 28 - Mission Possible : Make Her Fall Again

10.8K 83 50
                                    

RAQUEL

I was overwhelmed by all of these, kahit may narinig akong hindi kanais-nais. They seem to be happy to be here, giving me this farewell party.


Baka naman masaya sila dahil aalis na ang istriktang boss nila? Kakaasar naman!

Inalalayan naman ako ni Jake paakyat sa mini-stage sa gitna ng hall. Kinakabahan ako, ano naman kaya ang sasabihin ko? Jake noticed my dilemma and nudged me to get my attention. He leaned towards me and whispered in my ear.

“Kaya mo iyan, cara. Just tell them what you feel... what you are thinking right now... anything. You can’t go wrong with that kind of speech.”, he encouraged me.

Pero kinakabahan pa rin ako, blangko pa rin ang isip ko.

"You know what? May alam akong pampatanggal ng kaba. Do you want to know?", nakangising tanong niya.

"A-ano?", I said na kinakabahan pa rin.

"Ito oh!", he said then gave me a quick sweet kiss on my lips.


Gosh! He kissed me sa harap nilang lahat! Nakakahiya!

Sandaling nakalimutan ko ang kaba ko at hinampas ko ang braso niyang nakakapit sa akin. Napatawa naman ang mga taong nanonood sa stunt na ginawa namin.


Arrrgh! Lagot ito sa akin mamaya!

I looked at him and gave him a warning look, as if I’m saying, ‘Lagot ka mamaya! Mata mo lang ang walang latay!’ ngunit tinawanan niya lang ako.

"Bakit? Effective naman, di ba?", natatawang sabi niya.

"Jake, isa pa ha?", pabulong  na banta ko sa kanya sabay tingin ng masama.

"Cara, gusto mo isa pang kiss???", nakakalokong tanong niya.

Arrrrrrrgghhh! Hindi ko alam kung kinikilig ba ako o naiinis! Pwede bang BOTH????



"Okay, okay cara! Chill! Sige na, magspeech ka na, kaya mo iyan!", nakangiting pag-eencourage niya.

I cleared my throat then faced my oh-so-welcoming audience, waiting for my farewell speech. All of them focused their attention to me, walang nagkukwentuhan. Natutuwa naman ako dahil hanggang ngayon naaalala pa nila na ayoko sa lahat na may mag-uusap habang may magsasalita sa unahan. Tama nga yata ang training ko sa kanila, ang rumespeto at makinig sa nagsasalita sa unahan.

Ang hirap kayang magsalita sa unahan, di ba?

“Good evening everybody!”, bati ko sa kanila.

“Good evening din, Ma’am Raqz!”, they said in unison.

Yours, Mine and Ours (On Going Now)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon