Chapter 23 - Let the Battle of the Sexes Begin... Ang Pikon Talo...

10.4K 54 10
                                    

RAQUEL

I’m back here at my condo preparing myself for the dinner with my former foster family. Alam kong problema na naman itong napasok ko. Hindi pa ako ready na kaharapin sila. Malaki ang naging atraso ko sa kanila. I promised that I will never cut off my communication with them. Pero anong ginawa ko? I broke my promise and never ko nang tinangka pang makipag-communicate sa kanila.

Why, if you may ask?

Dahil nahihiya ako sa kanila. Malaki ang expectation nila sa akin and I just failed them when I got pregnant. Though, hindi ko naman talaga ginusto iyon, but I failed them nonetheless.

Nakakahiya... Halos dalawang taon lang ang lumipas nang mawalay ako sa piling nila tapos naging ganoon na ang kapalaran ko. Ano na lang ba ang sasabihin nila sa akin? Ni Mama Rose? Ni Papa Raul? Huwag nang isama si Kuya Ricky, he already knows na eh! Saka mejo okay naman ang naging response niya.

I’m a big failure! Ako na pinahalagahan nila at pinalaki nang tama, naging dalagang ina sa isang iglap lang? Masisisi ba nila ako kung ayaw ko silang kausapin?

Alam kong mali ang ginawa ko, pero hindi ko talaga sila kayang kausapin, paano na ba ito?

But despite all that, hindi ko rin maitago ang excitement na makita silang muli! Ano na kayang itsura nila ngayon? Kuya Ricky turned out to be what I imagined him to be, successful, dignified and most of all magandang lalaki! Hahaha!

Si Mama Rose at Papa Raul kaya? What do they look like today? Hula ko maganda at slim pa rin si Mama Rose, at matikas at gwapo pa rin si Papa Raul kahit matatanda na sila. Nakakatuwa naman!

Napangiti na lang ako sa train of thoughts that passed through my mind habang naglalagay ako ng mga gamit ko sa isang overnight traveling bag ngunit naputol iyon nang tumunog ang cell phone ko.

Riiiiiiiiiiiiiing... Riiiiiiiiiiiiiiiing...

I looked at it and saw Kuya Ricky’s number on the screen. It’s only 6pm kaya alam kong maaga pa ako.

“Hello, Kuya Ricky! Maaga pa ah, it’s only 6pm. Huwag mong sabihin sa akin na nasa tapat ka na ng building ko!?”, nagtatakang sabi ko.

“Babes, dami mo namang sinabi. Hindi na ako nakasingit ah! Hahaha!”

“Hindi mo naman sinagot ang tanong ko eh!”, pagmamaktol ko.

Ayoko rin kasi na may naghihintay sa akin eh! Hindi maganda sa pakiramdam iyong may taong naghihintay sa iyo at minamadali mo ang bawat kilos dahil may naiinip na kakahintay!

“Aaaahhhmmm, I’m already parked at your building’s underground parking lot! Alam kong maaga pa and I’m willing to wait. So, no worries!”, natatawang sabi niya.

“Aaaarrrggghhh! Bakit kasi ang aga-aga mo!? May one hour pa ako eh, medyo late na akong natapos sa opisina dahil nagkaroon pa ako ng delayment sa sched ko. Hindi pa ako tapos mag-ayos at hindi pa rin ako nakakaligo.”, naiinis na sabi ko.

“Hahaha! Babes, okay lang iyan. Hihintayin na lang kita dito sa lobby. So, do your thing and I’ll be fine.”

“No, that won’t do. Pumunta ka na lang dito sa unit ko at dito ka na maghintay, 8th floor Rm#8667, got it?”

“Yup, got it! I’m be there in a jiffy. Bye!”, then I ended the call.

After a few minutes, the doorbell rang and when I opened the door, I saw Kuya Ricky’s smiling face outside.

“Howdy stranger?! Ano ba namang klase ng mukha iyang sinalubong mo sa akin? Galit?”, bati niya sa akin.

“Bakit kasi ang aga mo, noh?”, naiiritang sabi ko sa kanya.

Yours, Mine and Ours (On Going Now)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon