Chapter 24 - Getting to Know My Kids

10.8K 76 19
                                    

JACOB

This week has been the best of my week of my life. Spending time with my kids is one of my best decisions I ever made. I’d got to know them better. Maraming bagay akong natutunan about sa kambal. One thing I noticed was their closeness with each other.

Marami na rin naman akong na-meet na twins, may identical twins at tulad rin nila paternal twins na isang babae at lalaki. Close din naman sila sa isa’t isa pero iba yata itong kambal ko. Hindi talaga sila naghihiwalay eh, maliban na lang kung pupunta sa CR ang isa sa kanila o magbibihis. It’s as if they don’t want to part with each other, parang takot magkahiwalay. Maybe it was just me, baka naiisip ko lang iyon! Wala namang masama doon, di ba? But something is bothering me, parang may mali eh!


Ano ba iyan? Kung anu-ano na ang naiisip ko eh! Nabubuwang na yata ako. Ganito ba talaga kapag may anak nang teens? Kakabaliw! Paano kaya na-handle ni Raqz ang kambal nila? Baka napapraning din siya! Hahaha!

Napapailing na lang ako at napangiti sa naisip ko.

“What is that smile for?”, Jazz asked.

Medyo nagulat pa ako sa tanong ni Jazz. Bigla na lang kasi siyang sumulpot dito sa kitchen, at syempre kasunod na niya si Jaqz na nakakapit pa sa laylayan ng damit ni Jazz, parang batang ayaw bumitaw sa nanay niya. Hindi talaga sila naghihiwalay, sabay pa nagigising. Iniwan ko kasi sila na natutulog sa kwarto kanina. One time nga nakita ko pa silang magkayakap habang natutulog. Nagtataka na talaga ako.


Natural lang ba sa kambal ang ganon? May brother-sister complex ba sila? Napapaisip talaga ako. Iyong ibang ka-age nila, gustong mapag-isa o bumarkada sa ibang kabataan. Alam ko iyon dahil ganon din ako dati eh! Ewan ko lang ha, pero ayon sa observation ko, parang mas magiging close pa sila sa paglipas ng panahon.

“Oh, buongiorno miei gemelli!”, bati ko sa kanila. – ‘Oh, good morning my twins!’

“Buongiorno papà!”, bati nila ng sabay. – ‘Good morning dad!’

“So, what’s with the smile?”, follow-up question ni Jaqz habang nagkukusot ng mata at ngayon ay bumitaw na sa kuya niya.

Yup! It is true! Nalaman ko na mas matanda talaga si Jazz sa kanya ng ilang minuto, pero hindi niya nakasanayan na tawaging kuya si Jazz.

“Oh! Iyon ba? Wala lang iyon.”, sagot ko.

“Wala lang po ba talaga iyon? O naiisip ninyo si Mommy?”, he asked.

Napangiti na naman ako sa kanila. Kahit konting panahon pa lang kaming nagkakasama ay kilala na nila ako. Wala na yata akong maililihim ah!

“Kilala ninyo na nga ako. I was just asking myself how did your mother handle you both!”

“Bakit po dad? Mahirap po ba kaming alagaan? Ayaw ninyo na po ba sa amin?”, malungkot na tanong naman ng unica hija ko.

Yours, Mine and Ours (On Going Now)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon