Chapter 27 -Which is Which? Ricky or Jakey?

10.8K 79 29
                                    

RAQUEL

Seeing them again rejuvenated my spirit. This time, I promised them to keep our communication open. My whole weekend was spent with them. Wala kaming ginawa kundi ang  magkwentuhan, magluto at kumain. Picture dito, picture doon. Kailangan daw namin ng maraming picture to cover up the lost time we spent apart.

We also talked about my impending resignation and the reason behind it. Nalungkot sila para sa akin ngunit in-assure ko naman sila na okay na ako. Siguro talagang may mga bagay na hindi para sa atin. Maybe Paulo and I are really just meant to be friends.

Most of the time, wala si kuya sa bahay dahil meron siyang project na binabantayan. Nabanggit ni Mama Rose na laging busy ang mokong na iyon dahil siya lang naman ay presidente ng isa sa pinakakilalang domestic architectural firm ng bansa. Sa pagkukwento ni mama, magkalaban ang company ni kuya at ni Jake. They had been bidding for the same project since Jake got here. Well, that doesn’t concern me, right? Pakialam ko, di ba?

When Monday came, hinatid ako ni Kuya Ricky papunta sa opisina dahil wala naman akong dalang sasakyan nitong nakaraang weekend. He parked at my parking space at nagpumilit siyang ihatid pa ako sa mismong opisina ko dahil sa may kalakihan kong bag.

“You really didn’t have to do this. Kaya ko naman eh. Nakakahiya naman sa iyo, naaabala ka pa. I know you’re a busy person.”, I told him while we were on the main lobby walking towards the elevators. A few employees recognized him. They just stood there and stared at us.


Ano ba iyan? Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda at gwapong magkasama? Nakakaimbyerna lang ha! Ang aga-aga, siguradong chismis agad ang uunahin nila.

“Ano ka ba naman? Okay lang iyon noh? Alam ko naman masakit pa rin ang katawan mo dahil sa ginawa natin.”, sabi niya na ikinagulat ko naman. Iyong ibang kasabay namin na naghihintay ng elevator ay napatingin sa amin.


Nakakahiya naman itong si kuya! Baka kung anong isipin nila na ginawa namin. Buti na lang maaga pa talaga, kokonti lang ang kasabay namin maghintay dito.

Naalala ko na naman iyong time na nag-sparring kami sa dojo niya sa mansyon. It was great doing that with him again. Happy memories came rushing in when we fought for a few rounds. Parang hindi lumipas ang mahabang panahon. It was fun. I felt alive and happy.

I was being stubborn when I rejected his help that time. He knew that I’ll become sore after every sparring session like what we did. A massage will greatly ease the pain but I easily rejected him just because I was pissed off with him and with Jake who was on the phone. I was black and blue all over. I was dead tired in the morning. Mama and Papa called a doctor to check up on me.

I should have let him help me. Nagpamasahe na sana ako. Just because of that silly pride of mine, I suffered pain for days.


Pinagsisisihan ko talaga iyon! Ang sakit pa rin ng katawan ko! Huhuhu!

“Shut up, kuya! Iyang bibig mo, paki-zip muna. Kung anu-anong lumalabas eh! Baka kung anong isipin ng mga nakakarinig.”, bulong ko sa kanya, namumula na ako sa hiya.

Yours, Mine and Ours (On Going Now)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon