KABANATA 36 - Stages of Grief

6 0 0
                                    

"What time will the police arrive?" I asked Cassian as we were running straight to the mansion gate.

My heart's running faster than my feet and I could almost feel it beating in my throat causing my eyes to be misted.

Charm is waiting for me. I'm sure she's calling my name for help now. I need to be there, with her, beside her, my favourite position.

Napatigil kami nang harangin kami ng mga guard. Sakto lang na kararating lang rin nila Supremo kasama si Match na bitbit parin ang laptop niya.

"And... abracadabra!" bulalas ni Match kasabay nang pagbukas ng malaking gate. Nagulat ang mga guard rito at agad na pinindot ang emergency button na nasa guard house upang subukang isara muli iyon pero hindi narin iyon epektibo.

"The police are on their way, they said," Henry informed me. I nodded at him. And was about to run when a guard comes my way.

Hinablot iyon ni Cassian at binigyan ako ng isang tango senyales na siya na ang bahala sa mga ito. Supremo drove the golf cart with me and Henry, while Match was left at the gate with Cassian, trying so hard to protect his laptop, while Cassian fought the guards with his fists.

We could only ask the police for back-up. Ang pagligtas kay Charm ay wala sa tungkulin ng Agency namin. Kung tutuusin ay ilegal ang ginagawa naming pag-aksyon nang walang pahintulot ng agency. Kaya kung sakaling dumating man ang mga police ay maaari rin kaming makulong nang dahil sa trespassing at assault.

I have made sure Craven is safe. Some of Supremo's people have went to the place Charm said.

I jumped out of the golf cart hindi pa man kami humihinto tinakbo ko ang distansya papasok ng mansion. Katakataka na wala ni isang sumalubong sa amin. Ngayon ang kailangan ko nalang ay ang hanapin kung saan ang opisina ni Eumir.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at nadatnan ang isang maid dala ang isang pulang backpack nagbabalak atang tumakas. Tinawag ko siya at nang magtama ang mata namin ay nagmamadali itong tumakbo palayo pero agad ko na rin siyang nahila.

"Saan ang office ni Eumir?" tanong ko na ikinailing lang niya. Nag-init ang ulo ko kasabay ng pagsasalubong ng mga kilay ko. "Nasaan ang opisina ni Eumir?!" napalakas na ang tanong ko at niyugyog ang magkabila niyang balikat.

Pakiramdam ko ay sasabog na ako sa pinaghalo-halong emosyon. Huminga ako ng malalim. "Alam kong alam mo. Nasaan? Please?" pakiusap ko rito kasabay nang panginginig ng pagkakapit ko sa magkabilang braso niya. Hindi ko na ininda ang sakit ng kanang kamay ko dahil hindi pa ito lubusang magaling at mukhang lalo pang lalala.

Napasabunot ako sa sarili ko nang hindi niya parin ako sinagot. Inilibot ko ang tingin sa paligid. If I'm going to check every goddamn doors of this mansion it would take me the whole fucking day!

"Hi! Miss!" bati ni Henry at nilapitan ang maid na napipi na ata. "Puwede mo bang ituro kung saan ang office ni Eumir Ishioka?" tanong ni Henry dito na may malapad na ngiti. Tumango ang babae na lalong ikina-ngiti ni Henry. Hinawi nito ang buhok na humarang sa mukha ng babae.

"Sa 2nd floor, ika-sampung pinto sa kanan," tugon nito at wala na akong sinayang na oras pa at tinakbo ang distansyang sinabi niya.

Habol ang hininga ko nang makarating ako sa pintong sinasabi niya. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at tinulak ang pinto. Nadatnan ko ang nagkakagulong mga tao, si Amy na sumisigaw at niyuyugyog ang nakayuko sa mesa na si Eumir.

Binalot nang takot ang puso ko nang hindi makita si Charm sa mga nagkakagulong tao.

Naitulos ako sa kinatatyuan ko. Hindi ko na rin ramdam ang pagtibok ng puso ko matapos makita ang nakasalampak sa sahig na si Mrs. Ishioka, tutop ang bibig habang nakatingin sa babaing nakahiga na sa sahig walang buhay.

Maybe I'm Lying [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon