Chapter 39

1K 100 13
                                    


Chapter 39

NAIINIS na inirapan ni Athena si Blake habang ito ay matalim na nakatingin sa kanya. Kita niya ang pag-galaw ng panga nito na halatang nagpipigil ng galit. Ang kamay nito ay nagsisilbing tukod sa baba nito at kung hindi lang niya ito mahal ay baka kanina pa niya ito binatukan.

Hindi siya makapagtrabaho ng maayos dahil hindi siya nito pinapayagang lumabas ng opisina. Kung alam lang niya na gano'n ang magiging reaksyon nito sa pagtanggap niya ng bulaklak mula sa bagong empliyado ng kanilang kompanya na hindi alam ang relasyon niya kay Blake ay hindi nalang sana niya iyon tinanggap.

Wala rin naman kasi siyang balak na tanggapin iyon, pero ayaw naman niyang maging suplada sa lalaki dahil mukhang palakaibigan naman ito. Pero naiintindihan naman niya kung saan nanggagaling si Blake at kahit sino ay talaga namang magseselos kung may lalaking umaalikid sa babaeng natitipuhan nila.

But Blake took his jealousy too far. She couldn't go out of their office, if she did, Blake was behind her, following her every move and growled possessively at every men that past by. She couldn't help Kate and can't even eat out with some of the assistants.

Ngayon ay alam niya kung ano ang mangyayari kapag nginitian lamang niya ang kahit na sinong lalaki. Ngayon na opisyal na ang kanilang relasyon at girlfriend na siya ni Blake ay may karapatan na ito sa kanyang magselos.

Napabuntong hininga siya at akmang tatayo ng tumayo rin si Blake. Sinamaan niya ito ng tingin. "Sa banyo lang ako! Hindi mo ako kailangang samahan."

Naningkit ang mga mata nito na animo'y inaalam kung nagsasabi siya ng totoo.

"Blake." Mariin niyang sabi at matalim ang tingin kay Blake.

Sinenyasan niya itong umupo at sinunod naman iyon ni Blake pero ang mga mata ay hindi naalis sa kanya, halatang nagtatalo kung susunod ba ito o hindi sa kanya.

Napailing na lang siya at nagtungo sa banyo, malakas niyang isinara ang pinto upang ipaalam kay Blake na hindi siya nasisiyahan sa ginagawa nito sa kanya. Doon ay ibinuhos niya ang prustrasyong nararamdaman kay Blake at halos sabunutan na ang sariling buhok. Matagal niyang napakalma ang sarili bago lumabas.

Naroon na si Carson at Calvin at nakaupo sa visitors' chair at kausap si Blake na dahil masyadong importante ang pinag-uusapan ay hindi siya nagawang balingan. Kinuha niya ang oportunidad na iyon upang makalabas, kung saan naabutan niya si Kate na naghahanda para sa lunchbreak.

"Hey." Nahihiyang bati niya kay Kate na halatang pagod. "Lunch?"

"Yup. Let's go?"

Tumango naman siya at sabay silang nagtungo sa elevator. Sa labas niya niyaya si Kate na kumain dahil tiyak niyang pupuntahan siya ni Blake sa cafeteria kapag nalaman nitong wala lumabas siya ng hindi nagpapaalam.

Nagtungo sila sa restaurant ni Sofia kung saan unang beses pa lamang ni Kate at hindi na siya nagtaka pa sa pagkamangha nito.

Sofia's restaurant had improved so much. Of course with the help of her so called 'Carry' now fiancé. Noong una ay hindi niya maiwasang mag-alala para sa kaibigan dahil sa biglaang pag-propose ni Carson kay Sofia, pero sa nakikita niya kay Carson ay alam niyang hindi nito sasaktan ang kaibigan.

Masyado siyang na-trauma sa salitang 'kasal' kaya naman sa tuwing mababanggit iyon ay halos kilabutan siya. Pero nagtitiwala siya kay Carson at alam niyang mahal na mahal nito ang kaibigan. 

"Wow!" Badha sa mukha ni Kate ang pagkamangha. "Libre mo ako a!"

Natawa siya.

"It's on the house." Singit ng kanyang kaibigan na kaagad niyang niyakap ng mahigpit.

Hate To Want YouWhere stories live. Discover now