Chapter 5

1.3K 84 6
                                    

Chapter 5

AFTER a week of constant puking and generally feeling miserable, Athena plucked up the nerve to make a doctor's appointment. Mabait ang receptionist at nilagay siya sa 12:30 appointment. Tamang tama sa lunch break niya.

Masaya si Athena sa schedule na ibinigay sa kanya. Infact, she was more than grateful that the doctor's office was on the fourth floor of her work place, her new work of employment as a junior Personal Assistant to the Marketing Director for almost three months now.

Ang boss niya ang may-ari ng building nang maitayo ito pero tanging fifth floor lang ang ginagamit ito. Ang apat na floor ay para sa mga ilang establishment katulad ng mini shopping mall na nasa first floor, sa second floor ay mga restaurants, coffeeshops, bakery at kahit na ano pang food establishment ang naroon. At kahit hindi iyon ang gusto niyang trabaho ay nako-comfort naman siya ng mga pagkaing naroon.

Wala namang mali sa pagiging assistant, pero hindi iyon ang trabahong pinangarap niyang gawin habambuhay. Kahit papaano ay gusto parin niyang maging illustrator o kaya ay magpinta ng mga paintings at ipaskil iyon sa gallery.

The constant running of errands, typing up of minutes and reports and setting up meeting rooms killed her every day. It was a skivvy role, as her friends rightfully pointed out when she first told them, but it paid the bills.

Naisip lang niya na habang naghihintay siya ng milagro para sa kanyang illustrations ay kailangan niya ring kumita para mabuhay. Hindi naman habang buhay ay aasa siya sa pera na ipinapadala sa kanya ng kuya Zeus niya. Lalo na at hindi maayos ang relasyon niya sa kanyang mga magulang, ay mamamatay muna siya bago siya humingi ng tulong sa mga ito.

Simula nang maghiwalay sila ni Jay at masira ang kasal na dapat sana ay naidaos na ay hindi na siya ng mga ito kinakausap. Kahit pa kapag may mandatory dinner o lunch ay hindi na siya gaanong nagtatagal sa kanilang bahay, dahil ayaw niyang makipagtalo sa kanyang ina. She hates it when she nagged about Jay.

At 12:20 PM, Athena set off  for her apointment.

Ang receptionist na medyo mataba at cute na may kulay abong buhok ang sa kanya ay sumalubong. Natutuwa siya sa malapad na ngiti nito. Hindi niya alam pero parang gusto niyang makita ang babae sa buong maghapon.

Inabutan siya nito ng isang file na kailangan niyang sagutan bago siya pinapasok ng nurse sa loob ng examination room para makuha ang kanyang vitals.

Natigilan si Athena at pinamulahan siya ng mukha nang makita ang ilang numero na nadagdag sa kanyang timbang nang pumatong siya sa timbangan. Hindi niya nagugustuhan ang laki ng idinagdag ng timbang niya. Pero hindi narin siya nagulat dahil alam naman niya na kain tulog lang ang ginawa niya magmula nang maghiwalay sila ni Jay.

Her life is now divided into two parts, before and after breakup. And it's all the 'before and after breakup' timeline she was struggling with. Lahat ng masasayang alaala, mga nasirang pangarap at mga nasayang na oportunidad ang dahilan kung bakit panay ang kain niya ng kung anu-ano.

Hanggang ngayon, syempre. Hanggang ngayon na nakita niya ang mga numero sa scale.

"Handa na daw po kayong makita ng doktor." Nakangiting anunsyo ng nurse na binuksan ang pinto ng doctor's office matapos makumpirma ang kanyang vitals.

Dr. De Guzman was an elderly gentleman, with the warmest brown eyes and gray hair. Pinipilit siya nitong tawagin sa pangalan nito pero dahil nga nasa clinic sila ay pinanatili niyang pormal ang pakikipag-usap niya rito.

"What can I do for you?" Tanong ng doctor sa kanya nang maupo siya sa visitor's chair.

Idinitalye ni Athena ang mga bagay na nangyayari sa kanya. Maging ang sunod sunod na pagsusuka at fatigue. Alam niyang kailangan niya ng trabaho upang mabawasan ang kanyang timbang, pero kailangan rin niyang i-control ang sarili sa mga pagkain na siyang dahilan kung bakit niya nararamdaman ang mga iyon.

Hate To Want YouWo Geschichten leben. Entdecke jetzt