Chapter 28

903 87 11
                                    


A/N: Dahil nabitin ako sa last update, sige isa pa. Hehe.

Chapter 28

"THANK YOU for reaching out with us in person." Ani ng kanilang business partner na si Abdul Hasid, isa sa mayamang businessman sa middle east at interesado na habaan pa ang transaksyon sa kanila.

"The pleasure is all mine." Tugon niya nang tanggapin ang nakalahad nitong kamay. Iginaya siya nito sa mesa kung nasaan naghihintay ang iba pa nitong kasama. Kasunod niya si Carson at Calvin na nakipagkamay sa mga ito.

Naging mahaba ang meeting na iyon na tumagal ng dalawang oras. At dahil sa gabi na nang matapos ay hindi na nila natanggihan ang mga ito ng pag-aya ng hapunan.

Bagama't nakikinig siya sa kwentuhan ng mga ito ay hindi niya maiwasang mapunta ang isip sa babaeng kanina pa bumabagabag sa kanyang isip. Hindi maalis sa isip at puso niya ay kabang nararamdaman at kahit na gusto niyang buksan ang kanyang cellphone upang padalhan ito ng mensahe ay malaking kabastusan iyon sa mga kausap.

Ni hindi rin niya nabasa o nasagot ang mga tawag na kanina pa nagpaparamdam sa cellphone niya. Magmula ng makalapag sila sa airport ay nagsimulang mag-ingay ang kanyang cellphone at hindi na niya nagawang tingnan pa ang mga iyon dahil sa ayaw niyang masira ang business deal niya sa mga investors.

Maging ang cellphone ni Calvin at Carson ay panay rin ang huni at maging ang mga ito ay hindi rin binibigyan iyon ng pansin.

"So, do you guys have a wife and children?" Tanong ng isa sa mga arabo. Hindi niya matandaan kung ano ang pangalan.

Si Carson ang sumagot, bagama't natigilan sa tanong ay maginoong sinagat ang lalaki. "Not yet. We aren't thinking of that just yet."

"I see. Still living in a bachelor life." Tatango-tangong ani Hasid. "You know, having a wife and a children makes your life more meaningful. Atleast there will be a reason for you to work hard."

Hindi nakasagot si Carson na animo'y sumasang-ayon kay Hasid. Dahil sa sinabi nito ay dumako ang kanyang isip sa isang imahinasyon na ni minsan ay hindi pumasok sa kanyang isipan.

What would it be like to have a family? A wife and a children? He never thought of having children of his own since he doesn't like kids. His life is already a mess as it is and he doesn't want to add a more stress.

But having a wife would be nice. A wife that name Athena, perhaps? A woman who's probably now busy taking care of her twins somewhere. And a..

Shit! Ano ba ang pumasok sa kanyang isip at bakit niya iniingganyo ang ganoong klase ng imahinasyon.

Still, must be nice to have her as a wife. They can wake up everyday in each others arms, have a steamy moments all night long. Have breakfast, lunch and dinner.

Ugh! No, he has to get her out of his system not other way around. Wala siyang planong papasukin sa buhay niya si Athena. Ang trabaho lang nito ay ang ayusin ang nasira niyang pagkalalaki. Iyon lamang at wala ng iba.

"Excuse me."

Nag-angat siya ng tingin kay Calvin na kunot noong hawak ang cellphone. Ipinakita sa kanya ang higit isang daan ng missed calls mula sa assistant nito.

Napakurap siya sa sobrang dami niyon at nalilito kung bakit napakadami ng tawag gayong hindi na office hours.

"I think it's urgent." Dagdag nito bago sila iwan.

Bumaling siya kay Carson na bagama't hawak ang cellphone ay hindi nito tiningnan. Maging ito ay seryoso rin ang ekspresyon. "Do you think it's important?"

"A hundred missed calls is not a joke, Carson." Aniya at bumalik sa isip niya ang kabang naramdaman kanina bago lumipad ang private jet. "Something must've happened during our flight. And because they couldn't get a hold of us that time, they—"

Hate To Want YouWhere stories live. Discover now