Chapter 20

930 88 11
                                    


Chapter 20

ATHENA'S palms are moist and despite the strong wave of aircondition, she still feel her body sweating. Her hand trembles in fear and worry, not knowing what to do at that moment.

Hindi niya inaasahan na makikita niya si Don Serio sa cafeteria at ang malala ay kasama pa nito si Carson at Blake na may nagtatanong na tingin sa kanya. Halata na interesado ang mga ito sa usapan nila ng matanda.

Hinihiling niya na sana ay iba ang itanong at pag-usapan nilang dalawa ng matanda. Pero sa loob ng tatlong taon na pagkakakilala niya kay Don Serio ay dahil lang sa konektado siya kay Zeus at kilala nito ang kanyang kambal.

Kahit pa hindi nito alam na katabi lang nito ang ama ng kanyang mga anak ay labis parin ang kaba niya na baka may masabi ito lalo na at kamukha ni Blake ang mga bata. Hindi iyon maipagkakaila.

"Ahm, how is your health Don—"

"You just called me 'Lolo' and now we are going back to being formal? Alam mo naman kung gaano ka ka-importante kay Zeus, hindi ba."

Nanunuyo na ang kanyang lalamunan. Hindi niya alam kung paano niya iibahin ang usapan.

Nawalan na rin siya ng ganang kumain kaya naman itinulak na lang niya ang kanyang plato.

"Of course." Napalunok siya.

"Paumanhin ho, pero paano niyo ho nakilala si Athena?" Singit na tanong ni Carson na batid niyang gusto ring itanong ni Blake dahil ramdam niya ang intensidad ng tingin nito sa kanya.

"Ah, this lovely girl used to be Zeus' assistant. She is very well-mannered employee of Imperial Industries. Zeus adored her so much."

"Ah, I see." Si Blake ang nagsalita habang matiim ang tingin nito sa kanya.

Napalunok siya. Para siyang isang kriminal na pilit itinatago ang krimeng nagawa sa uri ng titig nito sa kanya.

"She is also Zeus' si—"

"Lolo, I heard that Alexa came back?" Putol niya sa matanda.

"Ah, yes." Nakahinga siya ng maluwag nang bumaling ito kay Blake. "Kaya ako nandito. I would like to invite you for gathering this saturday, if you are available." Pasimple siyang tumayo upang umalis na at hayaan ang mga itong mag-usap, pero napansin siya ng ginoo. "Plano ka atang imbitahan ni Zeus."

She gave him an apologetic smile. "I'll call him to let him know that I won't make it."

"Why not?"

God! Why this old man so persistent! How can she answer him with him asking her more question. Kung wala lang roon si Blake ay baka nasagot niya ang mga tanong nito ng maayos pero dahil sa komplikado ang sitwasyon niya ay kailangan niyang magsinungaling sa matanda.

"May family event kasi kami." Dahilan niya. "Mom wanted to see my twins so.."

"Is this all about the twins custody? I heard that Zeus talk about the twins custody and he is upset about it."

Naguguluhan siya. Hindi niya alam kung sinong kambal na ang tinutukoy nito. Kung ang kambal ba niya o ang kambal ng kanyang kuya. Pero imposibleng sa kanya ang tinutukoy nito dahil wala naman siyang kaagaw sa kanyang mga anak.

"Excuse me, what?" Tanong niya.

"He is planning to have a full custody with the twins." Bumadha sa mukha ng matanda ang pagkadismaya. "Didn't he inform you?"

Pero mas mahalaga sa kanya ang malaman ang kalagayan ng kuya niya sa mga oras na iyon dahil alam niya kung gaano kamahal ng kuya niya ang dating asawa. Alam niya kung gaano nasaktan ang kuya niya at labis na nagmamakaawang balikan ni Tess pero matigas ang puso ng dati nitong asawa.

Hate To Want YouWhere stories live. Discover now