Chapter 36

1K 101 17
                                    


Chapter 36

GUSTONG matawa ni Blake sa maputlang mukha ni Athena habang tinatanong ng mga magulang niya ang tungkol sa kanilang mga anak. Hindi nito alam na alam na niya ang tungkol sa mga bata at hindi rin niya alam kung paano ipapaliwanag sa mga magulang ang tungkol doon.

Gusto niyang awatin ang ina sa mga tanong nito kay Athena na hindi masagot. Ramdam niya ang pagkataranta sa mukha ni Athena na pilit na ngumiti sa kanyang ina, gustong tumakas sa sitwasyon.

Ayaw na niyang pahirapan pa si Athena kaya naman nang matapos silang kumain at naabala ng mga katulong ang kanyang ina ay hinila niya si Athena palabas ng dining area.

Dinala niya ito sa kanyang kwarto na nasa ikawalang palapag. Wala paring pinagbago ang kanyang silid, kung ano ito nang kanyang iwan ay gano'n parin nang kanyang balikan.

"What are we doing here?" Bakas sa tono ni Athena ang pag-aalinlangan.

"Don't worry," nakangising aniya. "Mag-uusap lang tayo. Walang mangyayari. Unless you want me as much as I want you." Bulong niya. He was serious, he want her so bad at that moment. He can feel his hard member twitching, begging to come out.

Tinitingnan pa lamang niya ang likuran ni Athena ay naglalaro na ang kanyang isip sa posibilidad na magagawa niya sa katawan nito. Mga lugar na madaraanan ng kanyang dila.

"Blake.."

Isinara niya ang pinto at niyakap mula sa likuran. Hinalikan niya ito sa leeg at napangisi siya nang marinig ang mahinang ungol nito na mas lalong bumuhay sa init ng kanyang katawan.

God! He wants her so bad!

This woman is the only one who can make his body awake. His manhood is aching to be let out and enter her.

Pero kailangan niyang pigilan ang sarili. Kailangan nilang mag-usap at maayos ang lahat ng kanilang gusot at makompirma mula sa bibig ni Athena na sa kanya ang mga anak.

Bagama't ayaw niyang bitawan ito ay pinilit niya ang sariling pakawalan ito sa kanyang bisig at hinila at pinaupo sa kanyang kama. Mahina siyang natawa nang makita ang mapula nitong mukha na pilit iniiwas sa kanya.

"Let's talk." Baritono ang kanyang boses. Hindi naalis ang tingin kay Athena.

"Ano ang pag-uusapan natin?"

"About us."

Doon ay humarap na sa kanya si Athena. Naguguluhan sa kanyang sinabi. "There is no 'us', Blake."

"Yes, there is." Giit niya. "Wether you like it or not, merong 'tayo' at kahit na itanggi mo may nag-uugnay sa ating dalawa."

Hindi kumibo si Athena. Nakatingin lang ito sa kanya at malimit na kumurap na hinihintay siyang muling magsalita.

"I want to ask you one more time, and I expect you to answer me the whole truth and nothing but the truth." Saad niya. Kinuha niya ang kamay nito at dahan dahan iyong pinisil. Dinig niya ang mabilis na tibok ng kanyang puso sa antisipasyon na sagot ni Athena.

Wether she answer them honestly or not, he already knows the truth. All he wants was to hear it from her.

"Your twins.." napalunok siya at may takot ang mga mata ni Athena nang bigkasin niya ang salitang iyon. "They are mine, aren't they?" Tanong niya na hindi inaalis ang mga mata sa mga mata ni Athena.

Bahagyang umawang ang labi nito, naghahanap ng salita, pero hindi makabuo. Ilang sandali pa ay namuo na ang mga luha sa mga mata nito tanda na malapit ng bumuhos ang emosyon kay Athena.

Itinaas niya ang kanyang mga kamay upang kunin ang pisngi nito at haplusin. Doon ay hindi na napigilang tumulo ang mga luha at mahinang umiyak. "I am sorry."

Hate To Want YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora