Chapter 18

1.1K 96 7
                                    


Chapter 18

HINDI napigilang sermonan ng magkapatid na Carson at Calvin si Blake nang makalabas si Athena sa kanyang opisina. Ang dapat sana ay usapang trabaho na ipinunta ng dalawa ay nauwi sa mainit na bangayan dahil sa nagawa ni Athena.

Si Calvin na may pilyong pag-uugali sa magkapatid ay hindi napigilang ihayag ang kanyang saloobin sa pagtrato niya kay Athena kanina. Dahil sa sumobra siya sa galit at muntik na niyang masaktan ang babae. "I don't care what Athena did, that was uncalled for, it's her first day you could've cut her some slack!"

At siya na hindi hinayaan ang sarili na magpatalo kahit alam niyang tama ang kanyang mga pinsan dahil naman buhay niya ang nakataya. "Bakit ko siya bibigyan ng pagkakataon? Dahil ba may nangyari sa amin ng isang beses? Dahil ba akala niyo may nararamdaman ako para sa kanya? Alam niyo na kung ibang employee lang iyon ay kanina ko pa pinatanggal sa trabaho!" 

"That's not the point here!" Sunggab naman ni Carson na bahagyang tinulak ang baso palayo upang hindi mahulog sa sahig. "Naiintindihan namin kung ano ang gusto mong pagtrato sa kanya, pero sumobra ka naman at muntikan mo pa siyang nasaktan."

"No! She almost killed me! I could have died!" Nagtatagis ang bagang na aniya saka binitawan ang mga dokumentong pilit niyang binabasa. Dahil sa nangyari ay walang kahit na ano ang pumapasok sa isip niya, lalo na at muntik na siyang bumaon sa hukay, lalo na at ang konprontasyon nila ni Athena sa breakroom ay malinaw pa sa kanyanh isip.

Hindi pa siya nakakabawi sa konprontasyong iyon at maging ang matapang na pagduro nito sa kanyang dibdib. Kung hindi lang siya naiinis kay Athena ay malamang ay natuwa pa siya sa ginawa nito, pero dahil sagad sa buto ang kanyang galit sa babae ay gusto na lamang niya itong tanggalin sa trabaho at huwag ng makita.

At kahit na naiinis siya kay Athena ay gusto niyang pagbayaran nito ang lahat ng nagawa nito sa kanya, simula sa tatlong taong paghihirap niya at sa nagawa nito kanina.

Muling itinuon ni Blake ang atensyon sa laptop sa mga  kontrata mula sa kanyang legal team. "Unbelievable! She could have killed me and you want me to be nice about it?"

"It wasn't intentional!" Itinapon ni Calvin ang kamay nito sa ere dahil sa prustrasyong nararamdaman sa kanya at muling itinuon ang atensyon sa kapeng lumalamig na.

"And who said I want another assistant? I am happy with Jade."

"Matutulungan ka niya sa influencers. She's friends with Clara Gozon, she's quite famous. Let her bring her friend on board." Tugon ni Blake na alam niyang hindi niya sinagot ang tanong nito.

"Bakit kaya hindi mo nalang siya alisin sa trabaho?" Ani Calvin nang maubos nito ang kape. "If you find her so incompetent over one little accident, you should have cut her loose."

Sumandal si Blake sa kanyang upuan saka nag-angat ng tingin sa kisame. Naging malalim ang kanyang pag-buntong hininga habang pinag-iisipan ang sinabi ng pinsan.

Kung gugustuhin lamang niya ay kanina pa niya tinanggal si Athena, o di kaya'y huwag na itong lumapit pa sa buhay niya. Kung hindi lang niya ito kailangan para sa kanyang therapy ay hindi niya sasayangin ang napakalaking sweldo nito para lang magtrabaho ito sa kanya. Ang paglipat nito kay Carson ang magandang ideya na naisip niya hanggang siya maayos niya kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para kay Athena.

Walang sinumang babae ang gumalit sa kanya, maliban kay Athena. Ngunit ito lang rin ang nagpapabuhay sa malamig niyang pagkatao. Ang kaninang magtatagpo nila sa breakroom na kahit malimit lamang ay parang parusa sa kanya ay halos ikabaliw niya.

Para siyang leon na gutom na gutom sa katawan ni Athena at gusto niya itong hawakan. At kung hindi lang sila nasa publikong lugar at kung wala lang tao na papasok sa kusinang iyon ay baka nagawa na niya ang matagal ng hinahanap ng kanyang katawan.

Hate To Want YouWhere stories live. Discover now