Chapter 8

1.2K 93 4
                                    


Chapter 8

"MR. TUAZON, I think we should look at the resumes today." Ani ng kanyang sekretarya na si mrs. Romero na may edad na. Nakangiti ito na bumati sa kanya nang bumaba siya sa backseat ng SUV. Mrs Romero was his father's assistant for a long time, and because he was comfortable with the old lady, he didn't have the heart to dismissed her. Not when she's competent.

Pero dahil nasa edad na ito na kailangan ng magretiro ay wala na siyang nagawa nang ipasa nito ang resignation letter sa kanya. Kaya naman kailangan niyang makahanap ng bagong assistant bago ang nakatakdang araw ng pag-alis ni mrs. Romero upang maturuan ang bagong maipapasok.

Ayon nga lang, wala ni isa ang gustong mag-apply sa kompanya niya.

Bakit?

Well, he was known as a tyrant dragon boss by his employee. Not to mention all negative news about him on the media and newspaper.

Kaya naman humingi siya ng tulong sa isa sa mga kaibigan niya na may maraming pumapasok na ibigay ang ilan sa mga kandidata nito para sa kanya. At dahil sa malaki ang utang na loob nito sa kanya ay nagbigay ito ng labing dalawang kandidata.

"Do we have to right now?" Blake pinched the bridge of his nose, a futile attempt to drive away his looming headache.

"Yes, we do." Ipinasa nito ang ilang files ng mga kandidata na kanyang titignan. Ang mga ito ay hindi nakapasa sa unang batch ng job interview ni Mikhail Romanov.

At dahil doon ay tiyak niyang hindi rin niya magugustuhan ang mga ito. Kilala niya si Mikhail bilang taong mabusisi pagdating sa paghahanap ng empliyado.

Bagama't hindi pagiging sekretarya ang hinahanap nito ay gusto nito na ang makakatrabaho ay kayang tugunan ang pangangailangan na meron ito sa kompanya. At ngayon na itinapon nito sa kanya ang mga hindi nakapasa, hindi na siya sigurado pa kung kaya ba ng mga ito ang ipapagawa niya.

Nang makarating sila sa kanyang opisina ay kaagad niyang sinimulan ang sampo sa mga files. At tulad nga ng kanyang inaasahan ay wala sa mga ito ang kanyang nagustuhan. Puro lang ganda ang nakikita niya pero mula sa resume ng mga ito ay wala halos maipagmamalaki sa kanya.

Just as he was about to give up and hand over the remaining files to mrs. Romero, one face just suddenly appeared.

Umupo ng tuwid si Blake sa  ika-labing dalawang kandidata at namawis ang kanyang palad kahit na napakalakas ng aircon sa kanyang opisina. Bumilis rin ang tibok ng puso niya habang pinakatitigan niya ang mukha ng babaeng nakakabit sa CV nito.

Three years searching for her. Who would have thought she'd eventually make her way back to him?

She looked as alive and as spirited as she did three years ago outside that bar. She looked as achingly beautiful as she'd felt in his arms when they'd made love.

Kaya pala hindi niya ito mahanap. Naghahanap pala siya sa maling lugar. Sinong mag-aakala na sa ibang bansa ito nagtrabaho at ang propesyon nito ay isang ilustrator?

"I want her." Madilim ang kanyang mga mata habang tinuturo ang larawan ni Athena.

Nagsalubong naman ang mga mata ni Mrs Romero na animo'y hindi nagugustuhan ang kanyang sinabi. "Sigurado ka ba? She's an illustrator, at kahit pa nagtrabaho siya sa malaking kompanya sa spain, hindi sapat ang isang taon para magkaroon ng experience sa trabaho."

"But she work for Imperial Industrial. You know that Imperial-Herrera are one of the meticulous businessmen in the world? I am sure they will not put someone who's not capable of handling such heavy task." Blake pointed out.

Blake was very proud of their company, but when it comes with Imperial or Herrera, they were just second. He used to like one of the grand-daughter though. Too bad, she wasn't interested with him.

Hate To Want YouWhere stories live. Discover now