Chapter 31

1K 107 12
                                    


Chapter 31

NAGISING si Athena sa pagbukas ng pinto at pagpasok ng kanyang doktor at ng kuya niya. Ramdam parin niya ang pamamanhid ng kanyang katawan marahil ay dahil sa tagal niyang nakahiga sa hospital bed.

Napansin ng kuya niya ang kanyang pag-galaw kaya naman lumapit ito sa tabi niya. "Hey."

Tipid na ngiti lang ang pinukol niya sa kapatid at bumaling ang kanyang tingin sa mga anak na mahimbing na natutulog sa mahabang sofa. Naroon rin si Brenda ngunit maging ito ay mahimbing rin ang tulog.

Nang magising siya kanina at makita ang kanyang mga anak ay hindi niya nagawang yakapin ang mga ito dahil sa mga nakatusok sa kanyang braso at hindi pa kaya ng katawan niya. Kaya naman nakiusap siyang manatili muna ang kanyang mga anak hanggang sa mabawi niya ang lakas.

Pagkatapos ng nangyari sa kanya ay hindi niya kayang mawalay sa mga mata. Napagtanto niya sa mga araw na nag-aagaw buhay siya kung gaano kahalaga para sa kanya ang makasama ang mga bata. Kahit ngayon na ligtas na siya ay gusto niyang masiguro na maayos ang mga ito.

Bumalik siya sa araw ng trahedya kung saan nakikipag-laban siya sa kanyang buhay. Sa isang madilim na paligid kung saan lahat ng naganap sa kanyang buhay ay nakita niya.

Her taking her diploma, dating and almost got married. Meeting Blake and having the night of her life with him. Running away and giving birth to her two wonderful babies. Building life with them and meeting Blake again.

Lahat ng iyon ay mga importanteng alaala sa kanya. Masakit man o masaya ay importante sa kanya dahil iyon ang nagpatibay sa isang katulad niya.

Ngayon ay meron na lamang siyang isang misyon na dapat gawin, bago mahuli ang lahat. Gusto niyang makasiguro na kung sakali mang may mangyari muli sa kanya ay hindi niya maibaon sa hukay ang sikretong kanyang pinakaiingatan.

Blake has the right to know. He has the right to her children and she took that away from him. Wether he accept them or not, it's wrong of her to hide them from him. Mali siya na ipagkait ang karapatan nito kay Blake kahit gaano pa kasama ang loob niya rito.

Now, she is ready.

Handa siya sa mga sumbat ni Blake, sa mga paninisi at pagkamuhi sa ginawa niya ay buong puso niyang tatanggapin ng walang reklamo. Kung ano man ang magiging hatol nito sa ginawa ay hindi niya iyon tatakasan.

"Blake.." Napangiwi siya nang manikip ang kanyang lalamunan.

Kumunot ang noo ng kuya niya. "Why would you need that man?!"

"He is.. t-the—"

"Alam ko." Putol sa kanya ng kapatid. Namamangha sa sinabi nito, pero hindi na siya nagtanong pa. "But you don't need him. We can raise the kids. We go back to Spain and live there—"

"What?" Nanlaki ang kanyang mga mata at marahas na umiling. "No."

"Hindi ka ligtas dito. I can't risk you being in danger again." Nagmamakaawa ang tingin sa kanya ng kuya niya. "Mas mapapanatag ang loob ko kung nandoon kayo."

"I want.. t-to stay here.." usal niya. Maging siya ay nakikiusap na rin sa kapatid.

Bagsak ang balikat na napabuntong hininga si Zeus. Batid niyang naiintindihan nito kung ano ang ibig niyang ipahiwatig.

"Palagi siyang dumadalaw rito, pero hindi ko siya hinahayaang makapasok. I thought you didn't want to see him."

"I do.." hindi na niya napigilan ang mga luhang tumulo sa kanyang mga mata. Hindi napantayan ng sakit ng saksak niya sa tagiliran ang kirot na nararamdaman niya sa kanyang puso.  Ang sakit ng buo niyang katawan ay walang sinabi sa nararamdaman ng kanyang puso.

Hate To Want YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon