Chapter 15

1.2K 77 12
                                    


Chapter 15

ATHENA spent her time in the baby area, and because her brother is the one paying, she got everything she needs for her kids, like milk, diapers and everything they need in their daily life. Bumili rin si Athena ng mga kailangan ni Brenda dahil napagdesisyunan niyang i-hire na ito ng full time dahil sa ang kuya na niya ang magpapasahod.

Nakakahiya man pero wala na siyang magawa kundi ang tanggapin nalang dahil sa wala naman siyang trabaho.

She moved along and mindlessly stuffed with stuff she knew was good for her and the twins.  Lulubusin na niya hangga't mabait pa ang kuya niya.

Pagkatapos ng mahaba haba niyang pamimili ay pumila na siya sa napakahabang pila. Lumapit sa kanya ang kuya niya na may dalang basket. Kumunot ang kanyang noo nang makita na wala itong laman, maliban sa dalawang corneto ice cream na ibinigay nito sa kanya, habang siya ay may dalawang trolley na tulak tulak.

"Ano binili mo?"

Nagkibit balikat ang kapatid at doon niya napagtantong nagsinungaling ito para lang samahan siyang mamili.

Pagkatapos ng higit kalahating oras na paghihintay nila sa pila ay nakarating rin sila sa cashier. Kung noon ay nag-aalala siya sa budget niya habang sinu-swipe ng cashier ang mga pinamili niya ngayon ay magaan ang loob niya dahil alam niyang nasa likod lang niya ang magbabayad ng kanyang pinamili.

Nasa parking lot na sila at isa isang pinapasok ang mga pinamili niya nang muling tumunog ang kanyang cellphone. Text mula kay mrs. Romero ang kanyang natanggap at plano nitong puntahan ang kanyang bahay.

Inis niyang tinawagan si mrs. Romero at sinabing makikipagkita siya sa isang restaurant na malayo sa Tuazon Express.

"Sino 'yan?"

Hindi niya sinagot ang kuya, bagkus ay nagpakawala lang siya ng malalim na buntong hininga. "Pwede bang mauna ka na sa bahay? Hawak ni Brenda ang susi at iwan mo nalang ang mga pinamili roon, kami na ang bahalang mag-ayos."

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Zeus. Bakas ng kyuryusidad ang mukha nito.

"Sasabihin ko nalang kapag natapos na ito."

"Are you in trouble or something?"

Umiling siya. "No. Aayusin ko lang 'to. Hindi naman siya as in trouble. Kaya ko 'to."

"Are you sure?"

Tumango siya at kung meron man na labis na mag-aalala sa kanya, alam niyang ang kuya niya iyon.

"I'll be fine. Trust me."

He heaved a sigh and nodded. "I'll call you when I get to your house."

"Ok."

Niyakap siya ng kuya niya bago ito sumakay sa sasakyan. Pinanood niyang umusad ang sasakyan at mawala sa kanyang paningin bago siya tumungo sa napag-usapang restaurant.

Kalahating oras ang lumipas nang makarating siya sa nasabing restaurant. Kaagad niyang nakita si mrs. Romero na nasa loob sa window side habang nakatingin sa menu.

Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga bago siya pumasok. Hindi na niya inayos pa ang sarili, kahit na nakasuot lang siya ng simpleng t-shirt at short pants at rubber shoes ay wala siyang pakialam. Hindi na mahalaga sa kanya ang impression ng matanda dahil wala naman na siyang planong makatrabaho ito.

Kumaway ito nang makita siya. Naglakad siya palapit sa matanda at umupo sa harap nito sa kabilang panig ng mesa. "Pwede na ba nating simulan? Kailangan ko kasing bumalik sa mga anak ko." Sabi niya at hindi mapalagay sa uri ng tingin sa kanya ng ginang.

Hate To Want YouWhere stories live. Discover now