BIHAA Specials: A letter for my love

37 3 0
                                    

NOTE: This specials will contain the letter of Ace for Luna after a month she had been missing.

______

To my moon, my love and my life,

        
         My beloved Luna Artemis Wyatt– Ashford. How are you sweetheart? Did you missed me too? Did you missed us? Did you missed the life we once had? Did you missed the warmth of our home? Where are you now? Where did fate put you? I missed you so much sweetheart. We—me, Asteria and Pyxis missed you so much. How I wish you were here with us, I don't know how to explain everything to our kids about you. I don't know how to tell them that you are not with us, I just can't break their innocent hearts, I just cant. They were still so young and so fragile that if I'll tell them about it they might not get it and might hate you for not being with us or might hate the world for taking you away. I'm afraid I might break their hearts.

   Sweetheart, how do I raise our kids just as how wonderful you have raised them? I don't know how to raise them all by myself. I need you with me, we need you. How can we survive this life living without you? Natatakot ako sweetheart, hindi ko alam kung paano palalakihin ang mga anak natin nang wala ang gabay mo. I know they already have the hunch, why do they don't see you around ever since they woke up but they just waited for my words.

Hindi ko na alam ang gagawin Luna. Hindi ko alam kung paano pa kami magpapatuloy sa buhay ngayong wala ka. Ang mga bata, tinatanong palagi kung nasaan na ang Mama nila pero wala akong maisagot, kasi maski ang Dada nila wala ring alam kung nasaan na nga ba ang Mama nila. Pakiramdam ko ay namatay ang puso ko, nawala ang isang bahagi ng buhay ko at alam kong hindi lang ako ang ganoon sweetheart, maging ang nga bata ay nasasaktan din kagaya ko. Masyadong masakit sweetheart, masakit na makita ang mga anak natin na hinahanap ka tapos ako ay walang magawa, walang maisagot. Masakit makitang nasasaktan sila, at sa bawat pagguhit ng sakit sa kanilang mga mukha ay doble ang sakit na dulot niyon sa akin. Balik ka na sweetheart, pakiusap, balikan mo na kami. Buuin mong muli ang nawasak naming puso.

Please sweetheart, I'm begging you. Come back home.


I sighed as I dried my tears streaming down to my face. Para akong tanga habang tinutupi ko ang sulat ko para sa asawa ko at saka ito inilagay sa tapat ng picture niya. I sighed at the craziness of what I am doing. As if naman makakarating kay Luna ang liham na isinulat ko, eh hindi ko nga alam kung nasaan sya. Isang buwan na magmula noong maaksidente kami at naglaho sya na parang bula. Isang buwan nang may sugat ang mga puso namin, at isa buwan na rin kaming naghihintay sa wala, naghihintay kahit na walang kasiguruhan kung may babalik, o kung babalik pa ba ang hinihintay namin. Walang may alam, maski isa sa amin sa kinaroroonan niya. Nagpakawala pa ulit ako ng isang malalim na buntong-hininga bago tumayo at nilisan ang kwarto naming mag-asawa. Pagkatapos ay tinungo ang kwarto ng mga anak ko.

Una kong tinungo ay ang kwarto ni Tala. She was sleeping peacefully next to her favorite stuffed toy na regalo namin ng Mama niya noong 3rd birthday niya. Naglakad ako palapit sa kanya para ayusin ang kanyang kumot. Only then I realized that she was crying in her sleep. Namamaga ang mata niya, namumula ang ilong at may takas pa ng luha sa gilid ng mata niya. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng awa sa anak ko habang marahang tinutuyo ang takas na luha sa kanyang mata pagkatapos kong ayusin ang kanyang kumot.

Kawawa naman ang Tala namin, ilang pasakit na ba ang pinagdaanan niya? Masyado pa syang bata para maranasan ang lahat ng ito. I heaved a sigh and then planted a soft kiss on top of her hair and then slowly walk to the door and carefully closed it. And then, I walked into the next room which was my son's room. Dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng pinto para hindi magising si Pyxis kung sakali mang tulog na ito.

I walked in slowly, trying not to stir his sleep but when I het near him I realized he wasn't asleep. I can hear his sobs and it felt like a knife stabbing my chest. My son is crying in pain, and all I can do is to be with him and hug hin tight. To make him feel that I am with him. Na kahit gaano kasakit ay naririto lang ang Dada niya.

"D-dada, I missed M-mama so much" he cried in my arms.

Hinigpitan ko lang ang yakap ko sa anak ko, pilit na itinatago ang sakit sa mga mata ko. Masakit ang makitang nasasaktan sila, lalong-lalo na si Pyxis na masyadong malambing sa Mama niya.

"Shhh baby, Dada is here" pag-aalo ko kay Pyxis na para bang sapat iyon para tumahan siya. Alam kong miss na miss na niya ang mama niya, kagaya ng ate niya, at kagaya ko rin. Walang oras na hindi namin na-miss si Luna, pero wala kaming magawa kung hindi ang ma-miss sya kasi wala naman kaming alam kung nasaan man siya ngayon.

"Dada, when will Mama be home?" Pyxis asked in between his sobs making me gasp for some air. Hindi ko alam ang isasagot kaya niyakap ko na lang sya ng mahigpit.

'Hindi ko rin alam anak. Maski si Dada ay wala ring alam sa kinaroroonan ng Mama niyo' sagot ko sa anak ko sa isipan.

I can't voice them out. Kasi alam kong nahihirapan sila. Pareho lang kami ng mga anak kong nangangapa sa dilim, umaasa na baka isang araw, sa paggising namin ay nasa bahay na ulit si Luna. Na baka isang araw ay mabuo na kaming muli.

Nang makatulog si Pyxis ay inayos ko sya sa higaan at kinumutan. Pinahid ko muna ang mga takas na luha na nasa kanyang pisngi at saka pinatakan ng munting halik sa ulo. Pagkatapos noon ay bumalik na ako sa kwarto at saka doon ibinuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Napatingin ako sa litrato ng kasal namin ni Luna, kinuha ko ito at saka niyakap.

Luna, bumalik ka na sweetheart. Parang awa mo na. Hindi ko alam kung hanggang saan ang tapang kong ito, ang lakas na bumangon sa umaga at asikasuhin ang mga anak natin nang mag-isa. Hindi ko alam kung papaano ko haharapin ang mga anak natin nang hindi masaktan, hindi ko alam kung hanggang kailan ako magpipigil ng luha sa harap nila. Ayokong maging mahina para sa kanila kasi sa akin sila kumukuha ng tapang, pero paano naman ako. Saan ako kukuha ng tapang ko sweetheart? Come home and fix our hearts. Uwi ka na sa akin, umuwi ka na sa amin.

__
A/N: sorry iyak muna us hahaha

BACK IN HIS ARMS AGAIN [COMPLETED] Where stories live. Discover now