BIHAA 10: Losing their star

59 4 0
                                    

LUNA

It has been a week since that day I received a threat coming from an unknown person. A kind of threat that I don't want to entertain but it keeps on bugging me. At sa bawat araw na lumilipas ay mas lalo akong napa-praning, hindi ako mapakali at gustong-gusto ko silang pigilan lalong-lalo na sa tuwing aalis silang dalawa ng bahay. Gusto kong palagi lang silang nakikita ng mga mata ko pero ayaw ko rin na maapektuhan ang buhay namin kaya minsan ay sinasarili ko na lang ang bawat agam-agam at pagkatakot na nadarama. Ni hindi nila ako makausap ng maayos nang dahil sa pagiging balisa ko, paminsan-minsan ay nagtatampo na ang anak ko dahil hindi nya ako magawang kulitin para makipaglaro kung minsan mabuti na lang at inintindi ako ni Ace at siya na ang gagawa ng paraan para sa anak namin. Natatakot ako parati, hindi ako makatulog ng maayos. Natatakot ako hindi para sa sarili ko kung hindi para sa kanilang dalawa–si Ace at Asteria. Masyado ko silang mahal na hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama sa mag-ama ko.

Sunday ngayon, walang pasok si Ace kaya nag-aya syang gumala kami sa isang parke na kakabukas pa lang. Ang kaso lang masama ang pakiramdam ko kaya silang dalawa na lang ni Asteria ang nagpunta since gustong-gustodin ng anak ko na gumala kaya pinagbigyan ko na gumala sila nang sila lang. Ilang araw na rin na masama ang pakiramdam ko, hindi lang sa takot at pagkabalisa kung hindi ay palagi akong dinadalaw ng antok, at kung minsan ay natatagpuan ko ang sarili na nagsusuka, tapos palagi rin na gusto kong kumain ng kumain at kung sakali mang tama ang kutob ko, baka buntis ako sa pangalawa naming anak ni Ace. Though hindi ko s'ya masyadong iniisip kasi baka dahil sa stress lang ako at napapraning kakaisip dun sa nakita at nabasa ko noong nakaraan partikular na tungkol sa threat na nabasa ko.  Napa-praning man na baka may mangyaring masama sa mag-ama ko ay hindi ko sila pinigilan kasi alam kong iyon lang bonding time nilang mag-ama. Bumabawi pa si Ace hanggang ngayon sa anak namin kahit na hindi naman nya kailangan na gawin pa kasi bawing-bawi na sya sa ami ni Asteria. Kinakabahan ako para sa mag-ama ko, pero ayokong maging dahilan ang ka-praningan ko para maudlot ang bonding moment nilang dalawa.

Bagay na sana ay ginawan ko ng paraan. Na sana ay pinigilan ko na lang sila na gumala. Na sana ay nanatili na lang sila sa bahay instead of going to the opening of that themed park.

Hindi ako mapakali sa bahay, kinakabahan ako at hindi maganda iyon sa kalusugan ko ang sobrang pag-iisip ng mga negatibong bagay. Kaya naman para kumalma ay nagpunta ako sa kusina para uminom ng tubig pero bago pa man ako makakuha ng tubig ay nahulog nag hawak-hawak kong baso dahilan para mabasag ito. Pagkakita ko sa nagkalat na bubog ng baso ay agad akong kinabahan at agad na sumagi sa aking isipan ang mag-ama ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na hindi ko alam kung paanong linis ng mga bubog ang ginawa ko para lamang matapos ko na iyon at nang matawagan ko na ang mag-ama ko. Nanginginig ang kamay na tinatawagan ko si Ace. Ilang ring na ng phone niya ay hindi pa rin sya sumasagot dahilan para mas lalong sumidhi ang kaba ko. Tinawagan ko pa s'yang muli pero wala pa rin. Pinakalma ko muna ang sarili at naisip na baka masyado lang na nag-enjoy ang dalawa at hindi napansin na tumatawag ako, kaya lang kahit na anong pagpakalma sa sarili ang ginawa ko ay hindi ko pa rin makuhang kumalma. I am getting frustrated dahil hindi pa rin sinasagot ni Ace ang mga tawag ko.

Nakatanggap na lang ako ng balita na may nangyaring pagsabog sa isang themed park, at doon mismo sa lugar kung saan naroon ang mag-ama ko. Dali-dali akong nagbihis at nagpunta doon, ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Oh God Lord, huwag naman sana may mangyaring masama sa mag-ama ko. Sana ligtas sila. Please" I am mumbling, praying that my daughter and Ace is safe.

Pagkarating ko sa nasabing park ay agad na hinanap ng mga mata ko ang mag-ama ko. I immediately spotted Ace since matangkad siya, and he really stood up the crowd. Agad akong lumapit sa kanya pero bago pa man ako makalapit ay agad na hinarang ako ng mga kapulisan na rumesponde sa nasabing insidente.

BACK IN HIS ARMS AGAIN [COMPLETED] Where stories live. Discover now