BIHAA 11: said I love you but I lied

68 4 0
                                    


ACE 

Dalawang linggo na ang lumipas magmula nang mawala sa piling namin ang mahal naming anak at hanggang ngayon ay wala pa ring balita tungkol sa kanya. Maski hint man lang kung nasaan siya ay wala rin. O kahit na sa suspect man lang. Masyadong pulido ang pagkakagawa ng pagkuha sa anak namin na maski ang mga eksperto ay walang mahanap. Pulido nga ba? O may tumatakip sa mga detalye ng nangyaring insendente? Masakit man ay kailangan kong magpakatatag para kay Luna. She needs me more than anyone else. Kailangan nyang ng taong makakapitan, ng isang taong masasandalan, at ako iyon. Wala ng iba pa. Sa loob ng dalawang linggo ring iyon ay sinusuyo ko siya, pilit ko siyang pinapangiti, pinapagaan ang loob para kahit papaano ay sumagi sa isip niya na hindi siya nag-iisa. Nakakatampo. Oo. Kasi hindi lang naman siya ang nasasaktan, na nasasaktan din naman ako.  Pero wala akong magawa kundi ang suyuin at lambingin s'ya dahil kasalanan ko din naman. Pilit ko s'yang sinusuyo kasi ramdam ko na nanlalamig s'ya sa akin. Ramdam ko ang relasyon namin na nasa bingit na ng isang bangin na kaunting tulak lang ay bibitaw na siya pagkaka-kapit. Hindi naging madali ang pagkawala ni Asteria para sa amin. Ang sakit kasi ngayon pa nga lang ako bumabawi sa mag-ina ko ay bigla pa itong kinuha sa akin.

"Ace" the love of my life called me. After those weeks na hindi nya ako kinausap ay ngayon ko lang ulit narinig ang magandang boses nya kaya eto na naman yung mga laman loob ko biglang nabuhay, nagkakagulo na ata, nag pa-party party pa nga siguro. Sabagay palagi naman basta yung babaeng mahal ko ang tumatawag sa pangalan ko. Pakiramdam ko kasi kapag sya na ang nagbigkas ng pangalan ko ay ito na ang pinakamagandang pangalan sa mundo kahit na ang totoo hindi naman. Pakiramdam ko ay umaawit ang mga anghel sa langit sa tuwing tatawagin nya ako sa pangalan ko. Nakangiti akong lumingon sa kanya kahit pa ang mukha niya ay wala pa ring kaemo-emosyon. Ganiyan na ang mukhang inihaharap n'ya sa akin magmula nang mawala ang anak namin. Ni hindi ko na nakita pang muli ang dati niyang matamis na mga ngiti, ang mga ngiting umaabot sa kaniyang mga matang kumikislap-kislap pa.

"I love you more sweetheart" I said in a super sweet teasing voice while trying my best to hide my smile pero hindi ko na napigilan nang kumawala ito sa mga labi ko na para bang kinikilig. Kahit di pa sya nag-a-I love you inunahan ko na. I am teasing her as of the moment pero ang bawat salitang binitawan ko ay galing naman sa puso ko. Nagbabaka-sakali na gumana ang kalokohang naisip ko at mapangiti ko sya. Baklang bakla na yata ako nito pero segi lang, kung para naman sa babaeng mahal ko, I would gladly do it even a million times. Kaya kahit na nakakabakla man ay hindi ko pinigilan ang ginawa, I teased her even more. Pero alam ko sa sarili ko na kahit wala siyang gawin, basta makita ko lang siya na nakangiti ng matamis ay di ko maiwasang kiligin sa kanya lalo na pag ganiyan siya. Iyong tatawagin niya ako sa pangalan ko kasi minsan lang iyan eh, at nami-miss ko ang paraan ng pagtawag niya sa pangalan ko. Pati na rin kung paano niya iungol at isigaw ang pangalan ko habang nasa ilalim ko sya at nasa ibabaw kami ng malambot na kama. 'Dang it Ace, stop it. Kung ano anong kahalayan na ang pumasok sa isip mo, eh hindi pa nga ata kayo bati' saway ko sa isip.

"Yieeh sweetheart di mo talaga ako matiis noh? Akala ko hahayaan mo na lang akong magtampo, mahal na mahal mo talaga ako eh " I teased her a bit, trying to ease the heavy  atmosphere around us. And knowing her mumurahin na naman niya ako. Oo daig ko pa naman ang babae kung kiligin pero syempre pagdating lang sa kanya. Sinusubukan ko s'yang suyuin sa pamamagitan ng kung anong pagpapatawa, pagpapawi ng galit niya but I was stunned with what she answered me. Hindi iyon ang inaasahan kong reaksiyon mula sa kanya.

"Mahal?" it was like she was asking, nope- it was more of she was mocking the term 'mahal'. Pakiramdam ko ay nalaglag ang puso ko sa naging reaksyon niya. Para bang tumigil sa pag-inog ang mundo ko sa sandaling narinig ko ang binitawan niyang salita.

"Nope hindi na kita mahal, ay mali hindi nga pala kita minahal. Hindi kahit kailan. Kailangan lang kita pero hindi ibig sabihin nun ay mahal na kita" dagdag pa niya na mas lalong nagpadurog sa puso ko.

BACK IN HIS ARMS AGAIN [COMPLETED] Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora